CHAPTER 30

903 13 1
                                    

Natawa na lang si Joy habang tinitignan ang pinsan paakyat ng hagdan. Si Gerald naman ay nakahawak pa din sa kamay nya at nakatingin sa kanya.

“Oh anong tinitingin tingin mo dyan Mr.Anderson ha?!” pagtataray ni Joy sa kanya.

“Babe? Yung kausap mo kanina boyfriend yun ni Perly?” pagtatakang tanong ni Gerald.

“Yup! Boyfriend nya.. Boyfriend lang talaga ang tawag ko kay Enrique kasi close kami nun, kaya kabiruan ko na!”

Namula ang mga pisngi ni Gerald. Nakaramdam sya ng pagkapahiya. “Babe? I’m sorry.. Sobrang nagselos ako kanina, yun pala boyfriend ni Perly yun.” sabi ni Gerald pagkatapos ay hinalikan ang kamay ni Joy.

“Di ka naman kasi nagtatanong! Bigla bigla ka na lang nagagalit!” sagot ni Joy.

“Sorry Babe…” nakangusong sabi ni Gerald tapos ay hinalikan ulit ang kamay nito. “Ok na yun! Balik mo na lang sakin yung phone ko, snatcher! Hahaha!” sagot ni Joy.

Napangiti si Gerald. Binitawan nya muna ang kamay ni Joy pagkatapos ay kinuha nya ang cellphone ni Joy sa bulsa at ibinalik na sa kanya. “Sorry ulit Babe ha? Oh here’s your phone na, binabalik na ng gwapong snatcher..”

“Kapal mo ha! Haha!” sagot ni Joy pagkatapos ay kinuha nya ang phone. Inakbayan naman sya ni Gerald, “Ikaw kaya nagsabi na gwapo akong snatcher!” sabi nito pagkatapos ay maingat syang pinisil sa ilong.

“Sinabi ko ba yun? Parang hindi naman ata..” pabirong sabi ni Joy. “Weh? Sabi mo kanina e..” sagot naman ni Gerald pagkatapos ay kiniliti nya si Joy sa tagiliran.

“Ayy peklat! Ano ka ba! Wag ka ngang nangingiliti!” natatawang sabi ni Joy habang umiiwas sa pangingiliti ni Gerald. Pero hindi tumigil si Gerald sa pangingiliti sa kanya.

“Mr. Anderson isa ha! Tigilan mo na nga!” saway nito kay Gerald habang tinatapik ang kamay ni Gerald na nangingiliti.

Tumigil naman si Gerald pero hinila sya nito at niyakap mula sa likuran pagkatapos ay pinatong ang baba sa balikat nya. “Babe, seriously? I want to meet him..” sabi ni Gerald habang sinisiksik nito ang mukha nya sa leeg ni Joy.

Humawak naman si Joy sa mga kamay ni Gerald na nakayakap sa kanya. “Ha? Sino?” tanong nya.

“Yung boyfriend ni Perly, I want to thank him personally kasi kung hindi dahil sa tawag nya, hindi sana kita girlfriend ngayon..” paliwanag ni Gerald sa kanya pagkatapos ay hinalikan sya sa pisngi.

“Aysus may ganun pa? Ang sabihin mo kundi kamo dahil dyan sa init ng ulo mo… Bawas bawasan mo kasi yang init ng ulo mo para walang stress!” sabi ni Joy habang mahinang tinatapik tapik ang noo ni Gerald.

“Yess boss!” sagot ni Gerald pagkatapos ay humalik ulit sa pisngi nya. “Aba Mr. Anderson sobra ka na ha! Naku kung sisingilin kita sa bawat kiss mo sakin baka yumaman ako! Hahaha!” pambibiro ni Joy.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon