CHAPTER 67A

680 9 0
                                    

Nagising si Joy na masama ang pakiramdam at parang init na init. Bigla syang sumimangot at nakaramdam ng pagkairita ng makita si Gerald na yakap na yakap sa kanya. Naiinis nyang inalis ang mga kamay at binti ni Gerald na nakayakap sa kanya at biglang bumangon.

Nagulat naman si Gerald nang biglang bumangon si Joy at nagtatakbo sa bathroom. Agad nyang sinundan si Joy pero nilock nito ang pinto. “Babe! What’s wrong?! Okay ka lang ba Babe?” nag-aalalang tanong ni Gerald habang kinakatok ang pinto.

Hindi malaman ni Gerald ang gagawin dahil hindi sumasagot si Joy sa halip ay naririnig nya itong sumusuka na parang halos iluwa na ni  Joy ang mga bituka nya sa tindi ng pagsusuka. Panay ang katok ni Gerald sa pinto pero sinigawan sya ni Joy na umalis at iwan sya.

Hindi makapaniwala si Gerald sa nadinig dahil sa unang pagkakataon ay sinigawan sya ni Joy at sinabihan pa syang umalis. Nag-isip tuloy sya kung may nagawa ba sya o kung ano man ang nagawa nya para magalit ng ganun si Joy sa kanya.

Halos gibain na ni Gerald ang pinto sa kaka-katok. “Babe please open the door! What’s happening to you? Im so damn worried na Babe! Please!”

“Sabi ko umalis kana diba? Leave me alone! I will not open the door! Ayaw kitang makita! Alis!” sigaw ni Joy.

“Ano bang nagawa ko Babe? Open the door and let’s talk! Let me help you Babe.. Please!” nagmamakaawang sagot ni Gerald sa sobrang pag-aalala dahil naririnig na naman nyang sumusuka ang asawa.

“Ayoko nga eh! Bakit ba ang kulit kulit mo Heraldo ha!! Umalis ka na sabi eh! Pag hindi ka umalis, hindi na kita kakausapin kahit kailan!”

Kahit nag-aalala ay walang nagawa si Gerald kung hindi lumabas ng kwarto nila sa takot na totohanin ni Joy ang sinabi nya na hindi na sya kakausapin nito. Nagtatakang bumaba si Gerald at dumiretso sa kusina. Naabutan naman nya duon sina Tita Susan at si Manang Cora na naghahanda ng agahan.

“Oh RJ! Anong nangyari at bakit nakakunot yang noo mo ang aga aga?” tanong ni Manang Cora sa kanya na takang taka sa itsura ni Gerald dahil ngayon nya lang nakita ito na bumaba ng kwarto na nakapajama pa at hindi pa nakapag shower.

“Mukhang hindi maganda ang gising mo hijo ha? Gusto mo ba ng kape?” singit ng Tita ni Joy.

Napaupo na lang si Gerald at napahawak ang dalawang kamay sa ulo. Nagkatinginan naman si Manang Cora at si Tita Susan sa nakita kay Gerald. “Hijo anong nangyari?” pag-aalalang tanong ni Tita Susan.

“Si Joy po kasi Tita bigla na lang nagalit sakin.. Nagkulong po sya sa loob ng banyo, umiiyak pa po yata tapos nagsusuka pa. Ilang beses ko po syang kinatok pero sinisigawan lang nya ko tapos sinabihan pa po nya kong umalis at ayaw nya daw po akong makita. Wala naman po akong maisip na nagawa ko sa kanya.” parang batang sumbong ni Gerald.

Muling nagkatinginan at sabay pang napatawa ang Tita ni Joy at si Manang Cora pagkatapos madinig ang kwento ni Gerald na ipinagtaka naman nya. Kunot noong tinignan ni Gerald ang dalawa.

“Alam mo hijo kung tama ang kutob namin wala kang dapat ipag-alala sa kalagayan ni Joy ngayon, normal lang yun! Ang alalahanin mo ay kung paano mo matitiis ang trato ni Joy ngayon sayo..”

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon