CHAPTER 23

849 12 0
                                    

Joy woke up by the sounds of her alarm clock. Nakapikit pa din niyang kinapa ang alarm clock para ioff ito. Gising na siya pero nanatili lang siyang nakahiga at nag-iisip.

“Haay! Ano Joy tutuloy ka ba? Wag na lang kaya? Sabihin mo na lang na masama ang pakiramdam mo? Eehhh.. Paano si Cobbe, kawawa naman si cutie baby? Haay!” bulong ni Joy sa sarili tapos ay bumangon na para maligo nang tumunog ang kanyang cellphone.

1 Message Received

From: Mr.Anderson!:)

“Goodmorning Joya BABE! Cobee was so excited na.. See you in a bit! ;-)”

Napahinga na naman si Joy ng malalim pagkabasa ng message ng boss niya.. “Joya babe pa nais! Hmp! Mukha nito! Ang aga-aga mapang-asar!” nasabi niya at pagkatapos ay dumiretso na sa bathroom.

Pagkatapos niya maligo ay nag-ayos na siya. She simply wear a casual one, skinny jeans and a blouse polo shirt, doll shoes and a sling bag. Laging ganon ang suot ni Joy kapag namamasyal siya. Napakasimple lang. Hindi siya palasuot ng mga dress, pwera na lang kung kailangan talaga.

Nang matapos magprepara ay bumaba na siya, naabutan niya ang pinsan na nag-eexcercise. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakita.

“Goodmorning Piaya! Talagang desido kang magpapayat ha!?” nakangiting bati niya sa pinsan.

“Oh ate Posh! Goodmorning din... Aalis ka ate?” tanong ng pinsan.

“Ha? Hindi ahh.. Trip ko lang ngayon na magsuot ng pang-alis habang nasa bahay! Hahaha!” pabirong sagot niya sa pinsan pagkatapos ay naupo siya sa sofa.

“Ayan tayo te Posh eh! Aga-aga ng mga pambabara mo ah! Hahaha! San ka ba pupunta?” sabi ng pinsan niya habang patuloy ito sa pageexercise.

“Hmm... Si Cobbe gusto daw ako makita eh! Kaya inaya ako ni Ge ay este ni sir Gerald pala na magmalling ngayon.” napakagat labi si Joy sa nasabi niya.

Napatigil bigla si Perly sa pageexcercise dahil sa narinig. Humarap suya kay Joy at nilapitan ito sa sofa habang tumitili.

“Waaaaaaahhhh!! Ate Posh magde-date kayo? Aayyyieeeeee!!” panunukso ng pinsan sa kanya habang kinikiliti siya nito sa tagiliran.

“Heh!! Date ka dyan! Eh kasama namin si Cobbe noh! Ang sabihin mo yaya na naman ako ngayon!” sagot niya habang umiiwas sa pangingiliti ng pinsan.

“Hindi kaya ate Posh! Family date yan... Ang sweet lang diba? Aayyieee.. Kinikilig na naman ako.. Waaaahh!” patuloy na panunukso ng pinsan.

Sasagot pa sana siya kaso may nadinig na silang busina ng sasakyan sa labas.

Sabay silang tumayo ng pinsan sa sofa para labasin ang dumating.

“Oh ayan na ate Posh! Andyan na ang mag-ama mo! Aayyieeee..” panunukso na naman ng pinsan sa kanya habang lumalabas sila.

“Tseee!” sagot niya skay Perly at tinaasan niya ng kilay ito.

Pagkalabas nila ng bakuran ay nakababa na si Gerald sa kotse na karga karga na si Cobbe.

“Goodmorning Gorgeous King Eagle! Goodmorning Cutie Cobbe!” bati ni Perly sa kanila.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon