CHAPTER 67B

790 13 0
                                    

Sa dining table, hindi halos nakakain ng mabuti si Gerald dahil sa paghihintay sa Tita ni Joy. Nang makita nya itong palapit ay agad syang tumayo para salubungin ito. Inalalayan nya pa si Tita Susan sa pag-upo pagkatapos ay hinila ang isang upuan papunta sa tabi nito.

“Tita kamusta po sya? Okay lang po ba sya? Ano pong sabi nya? Galit po ba sya sakin? Nagugutom po ba sya? May gusto po ba syang kainin?” sunod sunod na tanong ni Gerald.

“Relax king eagle! Daig mo pa si Boy Abunda sa pagtatanong eh!” natatawang sabi ni Benjie.

“Hijo okay lang sya.. Wag ka ng mag-alala! Wala pa syang ganang kumain ngayon dahil siguro sa kakasuka nya kanina.. Dalan na lang sya mamaya ng gatas dun sa kwarto.. At tungkol naman dun sa inis nya sayo eh mukhang ikaw nga talaga ang pinaglilihian. Nasusuka daw sya sa amoy mo, kaya nga daw sya nagising dahil sa amoy mo eh! Masyado daw matapang! Kaya hijo, ihanda mo na yang sarili mo habang naglilihi sya.”

“OMG!” gulat na nasabi ni Benjie na napatakip pa ang kamay sa bibig. “Hala! Grabe naman si ate Posh! Kawawa naman si Kuya Gege nyan!” singit naman ni Perly.

“Tita what will I do? Hindi ko po kakayanin na hindi sya malapitan man lang for 3months! Mababaliw ako nun Tita!” parang batang iiyak na sabi ni Gerald.

“Hmm.. Tignan natin hijo pag nagising na sya ulit ha? Kasi yung pagsusuka ng isang naglilihi ay sa umaga lang naman. Alam mo naman siguro yun diba? Yung morning sickness! Siguro sa ngayon wag mo munang gamitin yung mga nakasanayan mong gamitin na pabango at mga gamit mo sa pagligo. Try mo munang gamitin ngayon yung mga ginagamit ni Cobbe, para hindi matapang ang amoy. Sige na maligo kana habang natutulog pa sya. Ipagdasal mo na din na sana pag nagising sya ay iba na ang mood nya!”

“Thank you Tita! Tamang tama at dito po kayo nag-stay.” sabi ni Gerald pagkatapos ay niyakap si Tita Susan. “Ahm, Tita pwede po bang dito muna po kayo sa bahay kahit hanggang bukas lang po. Para po may aalalay kay Joy kung sakaling sumpungin na naman sya?” tanong nya.

“Oo sige hijo! Walang problema sakin yun!” sagot naman ni Tita Susan. “Really? Thank you Tita! Thank you po ng marami!”

Pumunta si Gerald sa kwarto ni Cobbe at hinalikan ito habang natutulog pa. “You’re going to be a Kuya na baby!” nakangiting bulong nya habang hinahaplos ang ulo ng anak. After awhile ay kumuha na sya ng mga gamit ni Cobbe sa pagligo at dahan dahang pumasok sa kwarto nila ni Joy.

Maingat din syang kumuha ng mga damit na pagbibihisan sa closet at dumiretso na sa bathroom. Natatawa sya habang ginagamit ang mga toiletries ni Cobbe. Naisip na din nyang pagkatapos nyang magshower ay uutusan nya si Jalal na bumili na ng maraming stock ng mga ganun.

Pagkalabas nya ng bathroom ay hindi nya mapigilang titigan ang asawang mahimbing na natutulog. Gustong gusto nya sanang tabihan at yakapin ito sa pagtulog pero nag-alala syang baka magising ito at mainis na naman sa kanya. Hinayaan na lang nyang matulog ito, “Lord.. I do pray na sana po pag-gising nya hindi na sya nababahuan sakin! Please..” dasal nya sa isip habang tinitignan si Joy.

Pagkababa nya ay kumakain na ng breakfast ang mga kasama nila sa bahay. Sya na ang nag-asikaso kay Cobbe para sa pagpasok nito sa school. Pinahatid na lang nya ito kay Jalal at inutusan na din nya itong mamili ng mga toiletries. Ayaw nyang umalis ng bahay kaya tinawagan na din nya ang EA nya para ipacancel lahat ng appointments nya. Pati si Ken ay tinawagan na din nya para bilinan tungkol sa trabaho. Tuwang tuwa naman ang kapatid nya nang ibalita nya na malaki ang posibilidad na buntis nga si Joy. Umakyat ulit sya sa kwarto para dalan ng gatas si Joy, iniwan na lang nya ito sa bedside table.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon