CHAPTER 12

787 11 0
                                    

Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan ni Gerald. Sa backseat nakaupo si Joy. Doon niya piniling maupo dahil wala naman din sinabi si Gerald kung saan siya pupwesto.

Walang nagsasalita, sobrang tahimik. Pinagmasdan na lang ni Joy ang mga nadadaanan para malibang. Si Gerald naman ay pasimpleng tinitingnan si Joy sa rearview mirror.

Hindi nagawa ni Gerald ang unang plano nito na sabihan na lang ang EA niya na umuwi na lang dahil cancel ang meeting dahil nang nakita niya itong natutulog ay nagbago ang isip niya.

“I’ll take her for a dinner na lang, after we eat then I will tell her that the meeting is cancelled”. yun ang nabuong plano ni Gerald habang nagdadrive siya.

Tumigil sila sa harap ng isang fine dining restaurant. Bumaba si Gerald at iniabot ang susi sa vallet person. Sinundan lang naman siya ni Joy.

Napansin ni Joy na pinagtitinginan si Gerald ng mga babaeng receptionist na para bang kilig na kilig.

Binati sila ng isa sa mga ito, “Goodevening sir, mam, do you have any reservation for tonight?” tanong nito sa kanila.

“No, we don’t have! Just give us a table for two.” Gerald answered.

“Ok sir let me guide you to your table!”

Nagtaka si Joy sa narinig. “Table for two? Kala ko ba meeting eh bakit for two lang?” tanong niya sa isip habang naglalakad na sila papunta sa table.

Naupo na sila nang lumapit ang isang waiter. “Let  me take your order sir?”

Tumingin si Gerald sa kanya at tinanong siya, “What do you like Ms. EA?”

“Ahm, kayo na pong bahala sir..” sagot ni Joy.

Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng pagkailang, dahil hindi niya inexpect na makakasama ang boss sa dinner sa ganitong klaseng lugar. Ang ganda ng ambiance ng restaurant, romantic place for a dating couple.

Tumingin ulit si Gerald sa waiter, “T-bone steak. Medium rare for me, well-done for the lady. Then fresh pineapple juice for her and scotch, double for me.”

Hindi na makatiis si Joy kaya nagtanong na siya sa boss. “Ahm, sir? Sorry for questioning po pero nasaan po yung mga kameeting nyo?” she asked him with a smile.  

“Uh oh! Here’s the smile again! Damn!” bulong ng isip ni Gerald.

“They arw on their way Ms. EA! They have told me that they will be late, so much better if we will take our dinner first.” kalmadong sagot ni Gerald.

Pinipilit ni Gerald maging casual. Hindi siya sanay magsinungaling pero mabuti na lang kahit paano ay marunong siyang magtago ng nararamdaman.

Tahimik na kumain ang dalawa pero tahimik ding pinagmasdan ni Gerald ang EA niya habang kumakain. Natuwa siyang isipin na she is not a typical girl na hindi nakakakain kapag kaharap siya. Yung iba ngang nakasama niya halos hindi man lang ginagalaw o nauubos ang kinakain, masyadong pines ang kilos, pero iba Joy dahil naubos nito ang nasa plato niya. Bahagya siyang napangiti dahil sa naisip.

“Maybe she was so hungry dahil paghihintay sakin.” bulong niya sa isip.

Nang matapos silang kumain ay nag-isip na agad si Gerald ng paraan kung paano niya sasabihin sa kasama na ang kunwaring meeting ay cancelled bago pa siya ulit tanungin nito kung nasaan na ang mga kameeting. Buti na lang at biglang may tumawag sa kanya, tiningnan niya kung sino ang tumatawag, si Clarisse ito. Ayaw niya sanang sagutin pero kailangan niyang gawin para ito ang magsilbing kunwaring tawag sa kanya na cancel na ang meeting.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon