CHAPTER 71

630 12 3
                                    

Author's Note: Hello po sa mga readers.. Just want to say thank you sa mga nananatiling nakaka-appreciate ng story.. a big THANK YOU po.. This story is about to end na po.. May new concept na po kasing nabubuo ang imahinasyon ko! Kaya medyo natatagalan ako sa pag-update.. Sorry po.. Hehe.. :)) Ahm, medyo malungkot po ang mga susunod na chapters. Please bear with me.. Alam nyo naman po na in real life ay hindi palaging masaya di ba? But dont worry I will give you a happy ending pa din naman.. Standby lang po.. Salamat po ulit! :)

---------------------------------------- 

Naging successfull ang project ng advertising company kaya dahil dito ay nasundan pa ito ng isa pang big project. Kapartner pa din ng Anderson’s Advertising Company ang kumpanya ng mga Dela Vera. Lalong naging busy si Gerald. Twice a month kung mag-out of the country sya. At the first three months ay sumasama pa si Joy kapag nagbibiyahe sya pero when Joy reached her 6th month on pregnancy ay hindi na sya sumasama dahil sobra syang napapagod at ayaw na nyang makaistorbo pa kay Gerald.

“Bax! Tumataba ka na ha.. Baka mahirapan kang manganak nyan?” sabi ni Benjie habang nasa loob sila ng taxi.

Si Benjie ang sumama kay Joy ng araw na iyon sa check up nya. Hindi na din pinasama pa ni Joy si Jalal para may maiwan na magsusundo kay Cobbe.

“Ehh kasi naman ayaw naman akong pinakikilos ni Gerald eh.. Tapos lagi pang ang daming pagkain.. Sobrang taba ko na ba?”

“Hindi naman bax.. Hindi lang ako sanay kasi ngayon lang kita nakitang ganyan..”

 

“Ang pangit ko na ba?” parang batang tanong nya sa kaibigan.

“Gaga! Ano ba yang tanong na yan? Bakit ka naman papangit? Eh ang gandang mo ngang buntis eh! Ano kayang gender nya noh? Excited na kong malaman mamaya!” sagot nito habang hinahaplos pa ang tyan nya.

“Hmm.. Baka sinasabi mo lang yan Benj dahil bestfriend kita ha?”

 

“Ewan ko sayo! Nagdrama ka na naman! Tigilan mo nga ako ng ganyan mo..”

 

“Si Gerald, baka napapangitan na sya sakin kaya....”

“Kaya ano? Hay naku! Pordyosporsanto naman bax! Pwede ba alisin mo na sa katawan mo yang insecurities! Don’t tell me hanggang ngayon pinagseselosan mo pa din si Beatriz!!!”

“Hindi naman.. Alam mo naman kung gaano kaganda yun diba? Nung una nga natin syang makita dati parang dyosa lang sya sa paningin natin eh!”

“Heh! Magtigil ka! Napapraning ka na naman!”

“Anong napapraning.. Hindi naman eh! May basis naman ako.. Tignan mo nga nung isang araw.. Hindi man lang nagalit or nainis si Ge nung sinabi ko sa kanyang kasama natin sina Luigi, Marlon at Jharrel!”

“Eh lukaret ka pala talaga eh! Kala ko ba ayaw mo yung sobrang pagkaseloso ni Gerald?”

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon