CHAPTER 7

795 11 0
                                    

Pagkalabas ng pinto ni Joy nakita niya agad si Nhila na naghihintay sa kanya. Parang mas mukha pang tense ito kesa sa kanya.

“Joya girl! Ano? How are you? Ano bang nangyari sa inyong dalawa ni sir Gerald kanina? Parang pareho kayong nabigla nung nakita n'yo ang isa’t isa?” tanong nito sa kanya habang sinundan siya nito papunta sa pwesto niya.

Hindi alam ni Joy kung anong unang sasabihin sa kausap niya. Ang dami kasing gumugulo sa isip niya ngayon. Una na dun ang pagreresign na lang. Pangalawa yung pagkainis niya sa mayabang niyang boss at kung ano ano pa.

“Huy girl! Ano!? Ok ka lang ba?” sabi nito sa kanya pagkatapos tapikin ang braso niya.

“Ahh ate Nhils! Haaay.. Di ko alam kung anong una kong sasabihin pero.. Ahhmm… Haay..” sagot nito kay Nhila tapos ay sinubsob niya ang mukha sa table.

“Ano Joya girl!? Grabe katense ka ha!!” pag-aalalang sagot nito at tinapik na naman siya sa braso.

“Ate!! Haaay.. Si sir Gerald kasi yung sinasabi ko sayong lalaki na nambwisit kanina sakin sa coffee shop!” waring iiyak na sagot ni Joy.

“HUWAAAAT!??” gulat na sagot nito na napatakip pa ang kamay sa bibig pagkatapos maalalang nasa loob nga lang pala ng office ang boss.

“Naku Joya girl! Halika nga dito!” hinila siya ni Nhila sa pwesto niya para pumunta naman sila sa pwesto ni Nhila. Dun siya dinala ni Nhila para makapag-usap sila ng malayo sa office ng boss.

“You mean Joya girl si sir Gerald yung lalaking natapunan mo ng hot chocolate sa damit, sinigawan at tinarayan mo ng bongga sa coffee shop?” nagtataka pa ding tanong ni Nhila sa kanya nagbabakasakaling hindi ang isasagot ni Joy sa kanya.

“Yeess ate! Siya nga! Kaya nga halos mahimatay ako kanina nung nakita ko siya eh! Waaahh!” parang batang sagot niya kay Nhila.

“Oh ehhm! Joya girl! My gaaash! Woooh!!” sagot ni Nhila habang hinihimas ang dibdib pagkatapos ay uminom ng tubig sa tumbler nito.

Nang mahimasmasan si Nhila kinausap niya ulit si Joy. “Kaya pala natagalan sa pagpasok niya kanina dito sa office. Nagpalit pa siguro siya ng damit. Hmm.. So anong nangyari sa pag-uusap nyo ni sir? Did he fire you?” nag-aalalang tanong sa kanya nito.

“Yun nga ate ang hindi ko maintindihan sa kanya eh! Sabi ko sa kanya maiintindihan ko naman kung tatanggalin na niya ako kaagad pero sabi niya hindi daw. Sa ginawa ko daw kanina sa kanya sa coffee shop, hindi daw ganun kadali na tanggalin niya na lang ako sa trabaho!” kwento niya sa kausap.

“Anoooo!?? Di ka nya tinanggal? May gaaash again! Alam mo sa pagkakakilala ko kay sir Gerald ha? Sa ginawa mo na yun kanina sa kanya sa coffee shop. Malamang sa malamang ngayon ay nagpapaalam kana sakin dahil last day mo na ngayon. Bakit ganun? Anong nangyari?” pagtatakang sabi ni Nhila.

“Talaga ate Nhils? Ehh bakit nga ganun? Sabi niya pa nga sakin bago ako lumabas ng office niya, sasabihin niya daw sayo na ibigay mo sakin yung mga documents na kailangan niya mamaya sa meeting niya, ayusin ko daw yun at kailangan niya daw yun before 3pm!”

“Haay di ko alam Joya girl! Parang may mali e.. Hmmm..” nag-iisip na sinabi ni Nhila sa kanya ng biglang magring ang intercom phone ni Nhila.

“Yes hello AAC’s office! Goodmorning!” bati ni Nhila sa tumawag.

“Ahh yes sir! … Alright sir! … Ok sir I will! … Thank you sir!” sunod sunod niyang narinig  na sagot ni Nhila sa kausap. Alam na niya agad na si sir Gerald ang kausap nito.

JOY: “Oh ano daw ate Nhils?”

NHILA: “Ayun nga! Yung sinabi mo kanina. Ibigay ko daw sayo yung mga documents na aayusin mo.”

JOY: “Talaga? Hay akin na nga yun. Asan ba?”

NHILA: “Kukunin ko pa yun sa Finance Department eh. Tara samahan mo ko!”

Lumabas ang dalawa ng opisina at pumunta kung saan kukunin ang mga documents na tinutukoy ng boss nila.

--------------------

(Gerald’s Office)

Nakapangalumbabang nakaharap si Gerald sa laptop niya pero wala dun ang isip niya. Nasa bagong EA niya pa din. Hindi pa din nagsisink-in sa kanya ang mga nangyari. Yung nangyari sa coffee shop at yung nangyari sa pagkakaharap at pagkakausap nila ng babaeng nagtaray sa kanya.

Pagkalabas ni Joy kanina ng office niya ay tinawagan niya agad ang HR para hingin ang kopya ng records nito. Dun niya nabasa ang lahat ng informations na pwede niyang malaman about sa bago niyang EA. Hindi rin maintindihan ni Gerald ang sarili kung bakit ginagawa niya mga ito ngayon. He was supposed to be busy working now.

“She’s my new EA! Damn!! Balak ko pa naman sanang ipahanap siya sa magiging EA ko yun pala siya na yun mismo! Why does she not know me?! She graduated at UST, I’m only one year ahead sa kanya, why the hell she doesn’t know the King Eagle, the star player of Ateneo na laging dahilan ng pagkatalo ng school niya sa UAAP?!” pagtatakang sinasabi ni Gerald habang nakatingin lang sa harap ng laptop.

Gerald didn’t notice that his brother was already at the door, leaning on it, crossed arms on his chest and quietly observing him.

Narinig ni Ken lahat ng sinabi ng kuya nya kaya nakangiti siyang tinanong ito.

“Hey bro! What’s up!?” panggugulat na sinabi ni Ken sa kuya niya.

Nagulat si Gerald sa kapatid. Kunot noo nyang tinanong ito. “Ken!? Kanina ka pa ba dyan?”

“What the?! Narinig kaya niya ko?!” bulong ni Gerald sa isip niya.

Nakangiti lang ang kapatid niya na lumapit sa harap ng table niya at naupo.

“Hmm.. Why bro?! Is there any problem ba kung kanina pa ko dito?”

“And what is that smile all about?!” Gerald asked his brother.

Ken was still giving Gerald a silly smile. “Nothing bro! Hehe..”

“So why you’re still smiling at me? God damn it Ken! What’s wrong with you?!” naaasar niyang tanong sa kapatid.

“Relax bro! I think I should be the one to ask you that question bro, what’s wrong with you?” nakangiti pa din ang kapatid sa kanya.

Gerald couldn’t utter any words. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kapatid. Pakiramdam niya kasi ay narinig ng kapatid ang mga sinabi niya kanina. Ayaw man niyang malaman ng kapatid ang nangyari pero wala na siyang nagawa kundi ikwento ito sa kapatid.

After Gerald told everything that happened to Ken, his brother laughed loudly while holding his tummy.

Gerald glared at him. “What the hell are you laughing at?!”

“Nothing!” Ken answered while trying to surpress his laughs.

“So bro! That’s the reason why you’re here now in the front of your pc reading your EA’s records!” Ken said.

"Why? What's wrong if I checked her records? I have to this! I am his boss!"

Ken softly laughed. "Kuya! Stop pretending! I am your brother, you forgot? Kilalang kilala na kita, Bro!"

Gerald creased his forehead. "What? Me? Pretending?"

“Look kuya! Yah you’re right! There’s nothing wrong to check your EA’s records but c'mon bro! Its your first time to do it. In your past EA’s you don’t give just a little time man lang nga to check kung what school sila grumaduate eh!” Ken said while grinning.

Gerald shook his head. Alam niya sa sarili niya na tama ang sinabi ng kapatid.

“So tama ako bro di ba? Hehehe.. Oh sige na bro! Dumaan lang naman ako to check if you’re busy and para ayain ka na din mag lunch pero mukhang di ka na naman sasama, so I’ll go ahead na!” Ken said then he stood up and walked towards the door.

Tinanguan at tiningnan na lang ni Gerald ang kapatid hanggang makalabas ito ng opisina niya.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon