CHAPTER 17

831 13 2
                                    

Kinausap ni Joy ang pinsan at ang mga kaibigan, dahil na din sa kanina pa sila nasa mall ay pagod na din ang mga ito. Bago pa kasi sila nagkita ng boss niya ay nakanood na sila ng sine at nakapamasyal na din sila ng mga kaibigan.

Nagdesisyon na ang mga ito na umuwi na din kaya sama sama na silang pumunta ng parking area ng mall.

Pinakuha na lang ni Gerald ang kotse kay Jalal para hindi na sila pumunta pa sa lugar kung saan nakapark ito. Nakikita kasi niya na medyo pagod na ang EA niya sa pagkarga sa anak.

Pagdating ni Jalal agad bumaba ito ng sasakyan at lumapit kay Joy para kunin ang natutulog na si Cobbe. Pero bago makalapit si Jalal ay hinarangan na ni Gerald ng kamay ito.

“Ako na Jalal!” mariing sabi nito sa kaibigan.

Napakamot ng ulo si Jalal at nginitian na lang ang siya, but he gave him a warning look.

“Hehe, sorry!” bulong ni Jalal sa kanya.

Maingat na ibinibigay ni Joy si Cobbe kay Gerald, pero nagising pa din ito at umiyak. Nagkatinginan na lang silang dalawa. Mukhang ayaw talaga ng bata na humiwalay kay Joy.

"Ms. EA can you come with us? Ihahatid ka na lang namin pauwi kapag naiuwi na natin si Cobbe sa bahay. I don’t want to wake him up na kasi dahil baka mag-iiyak lang sya ng mag-iiyak.” pakiusap ni Gerald kay Joy.

Lumingon si Joy sa mga kasama niya. “Guys? Ok lang ba?” tanong niya.

“Ayy ate Posh! Ok na ok! Ok na ok lang sakin este samin pala!” nakangiting sagot ng pinsan niya tapos hinarap ang mga kasama.

“Di ba guys ok lang satin noh?” tanong nito sa mga kasama na para bang kinikilig. Naintidihan naman ng mga ito ang ibig ipahiwatig ni Perly.

“Ahh oo ate! Ok lang sabay ka na lang sa kanila, kami na maghahatid kay Perly sa bahay!” nakangiting sabi ni Jharrel.

“Talaga? Thanks guys! Ahh wait ito na pang taxi nyo.” sabi ni Joy at dumukot ng pera sa bulsa para ibigay sa mga kaibigan.

“Hindi na ate Joy ok lang, kami na lang.” sabi ni Marlon.

“Sure kayo ha? Pasensya na guys ha? Bawi ulit ako next time..” sagot ni Joy sa kaibigan pagkatapos ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya.

Nang makaalis na si Perly at ang mga kaibigan niya ay hinarap n niya si Gerald. “Sir ok na po. Tara na.” sabi niya pagkatapos ay lumakad na siya papunta sa kotse.

Naisip ni Jalal na pag-tripan si Gerald. Binuksan niya ang backseat door ng kotse at umaktong aalalayan na naman si Joy pagpasok ng kotse.

Gerald gave him a warning look again, pasimple na lang siyang ngumiti at dumiretso ng pumasok sa driver seat.

“Effective! Nice one Jalal! 1point! Mamaya ulit! Haha!” sabi ng isip ni Jalal.

Si Gerald ang umalalay kay Joy pagpasok ng kotse, hinawakan nya ang likod ni Joy at ulo ni Cobbe habang pumapasok ng kotse. Sa mga oras na yun ay ang gaan at masaya ang pakiramdam niya pero hindi siya ngumingiti, pilit pa din niyang itinatago ang nararamdaman.

Tatabihan niya sana ang mga ito sa backseat pero nakita niya si Jalal sa rearview mirror na nangingiti at umiiling kaya nagdesisyon siyang sa harap na lang umupo katabi si Jalal.

Dahil holiday ng araw na yun, maraming tao ang namamasyal kaya naipit sila sa traffic. At dahil sa pagod sa pakikipaglaro at pagkarga kay Cobbe, nakatulog si Joy. She was still holding Cobbe who was sleeping on her lap.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon