CHAPTER 15

804 11 0
                                    

Nang matapos kumain sina Joy at ang mga kaibigan niya ay agad na silang lumabas ng Jollibee pero nagpaalam sa kanila si Perly na magpupunta sa CR kaya hinintay nila ito sa labas. Nakakapit si Joy sa balikat ng kaibigang si Luigi habang nagbibiruan silang tatlo at naghihintay.

Nakatayo naman si Gerald sa likod nila dahil nasa CR naman si Jalal kasama si Cobbe.

“Kanina she was clunging on the other guy sa counter ngayon sa iba naman? Is she flirting with these guys?” hindi maiwasan ni Gerald mag-isip ng mag-isip.

Naiinis na siya sa sarili dahil sa nararamdaman. Hihintayin niya muna sanang makalayo ang EA niya at ang mga kasama nito bago sila lumabas ng fastfood chain pero nag-aya na si Cobbe. Hindi na makatiis si Gerald kaya lumapit siya kay Joy at sa mga kasama nito.

Gerald fake a cough when he was behind them. “Ms. EA!” he called.

Joy swallowed hard when she heard that voice from behind. She turned her head to look who was it and she widened her eyes. She was not mistaken. It was her boss' voice.

Humarap si Joy sa boss niya pero dahil sa nakakapit siya sa balikat ng kaibigan, pati ang kaibigan niy ay napaharap na din sa boss niya.

“Sir Gerald?” pagtatakang nasabi niya.

“Yes! Are you surprised ms. EA?” tanong nito sa kanya.

“Ahm, hindi naman po.. Hindi ko lang po expected na nagmo-malling din po pala kayo.” sagot ni Joy.

“Why Ms. EA bawal ba? And aren’t you going to introduce me to your?” tanong ni Gerald habang tiningnan isa isa ang mga kasama ni Joy lalo na ang lalaking kinakapitan niya.

Bumitaw si Joy sa pagkakakapit sa kaibigan niya at ipinakilala ang mga kasama sa boss. “Ahh sir, this is

Luigi, Marlon and Jharrel, mga friends ko po.”

“Friends??” nagtatakang tanong ni Gerald pero parang napayapa ang pakiramdam niya sa narinig.

“Yes sir, friends ko po sila. Ahm, guys meet my boss! Mr. Gerald Anderson.” sabi ni Joy pagkatapos ay isa isa namang nagtanguan ang mga kaibigan niya kay Gerald.

Maya maya pa ay dumating na ang pinsan niyang si Perly. Nang makita nito ang kasama ni Joy ay dali daling tumabi ito sa kanya at kinalabit kalabit siya. Naintindihan naman na ni Joy ang ginawang iyon ng pinsan niya.

“Ahm sir, by the way this is Perly, my cousin.” pakilala niya sa pinsan habang inakbayan niya ito para pigilan sa pagkakilig.

“Oh hello Perly!” Gerald said and he offer Perly a handshake.

“Hi po! Its so nice to finally meet the ever gorgeous King Eagle of Ateneo!” Perly said to him while wearing a big smile.

Pasimpleng siniko ni Joy ang pinsan. “Ahh.. Hehe pasensya na po kayo sa pinsan ko sir!” sabi ni Joy at pasimple rin niyang tinapunan ng mataray na tingin ang pinsan.

Gerald saw that her cousin was giggling and smiling at him, and he was used to that. He has that power to make any girl admire him by simply looking at them.

“Yeah right! But you don’t have that power over your EA, Mr.King Eagle!” he teased himself.   

Nasa ganong sitwasyon sila ng dumating si Jalal kasama si Cobbe, nagulat si Gerald at Jalal ng tumakbo si Cobbe papunta kay Joy at nagpakarga ito sa kanya. Nagulat man din si Joy, pero kinarga pa din niya ang bata.

“Hi tita Joy!” Cobbe greeted her and gave her a kiss on the cheek and hugged her.

“Naunahan ka pa ng anak mo pare! Haha!” tumawang bulong ni Jalal kay Gerald.

Siniko naman niya si Jalal dahil sa sinabi nito. “Shut up Jalal!” bulong din niya.

Tumawa na lang ang kaibigan sa kanya at siya naman ay bahagyang tinapik si Cobbe na nakayakap sa EA niya.

“Hey Cobbe baby, you know her?” tanong niya sa bata at kukunin niya sana ito pero hindi ito bumibitaw kay Joy.

“Yes daddy I know tita Joy, she is your assistant diba? I met her at your office.” pabulol bulol na sagot ni Cobbe sa kanya.

Naalala ni Gerald yung araw na nagpunta ang anak at mommy niya sa office, kaya naisip niyang baka dun nakilala ng anak ang EA niya. Nagulat din si Gerald sa nakitang attachment ng anak sa kanyang EA. First time niyang makitang ganun si Cobbe sa ibang tao lalo pa’t isang beses pa lang naman nito nakita si Joy.

“Daddy can tita Joy join us there?” tanong ng bata habang nakaturo sa amusement area na pinanggalingan nila kanina.

“No baby she is with her friends eh. Tayo na lang ang pupunta dun and we will play basketball again.” paliwanag niya sa bata habang kinukuha na niya ito kay Joy.

Pero hindi talaga bumitaw sibCobbr kay Joy. “No daddy! I want to play with tita Joy, please daddy? Please?” pamimilit ni Cobbe sa kanya habang nakayakap pa din kay Joy.

“Cobbe, baby wag makulit ok? Let’s go na, nahihirapan na siya sayo oh.” sabi ni Gerald sa bata habang inaalis na ang mga kamay na nakakapit sa EA niya.

Pero biglang humarap ang bata kay Joy at hinawakan siya nito sa mukha.

“Tita Joy please tell daddy that you are going to play basketball with me, please Tita Joy?” pagmamakaawa ng bata sa kanya habang kiniss siya nito ng kiniss sa magkabilang pisngi.

Joy’s heart melted sa ginawa ng cute na bata sa kanya. “Aww baby! Hmm.. Ok baby Cobbe I’ll join you!” sagot ni Joy sa bata dahil nakita niyang parang iiyak na ito.

“Yehey!! Thank you tita Joy!” natuwang sagot ng bata sa kanya kaya kiniss siya ulit nito sa pisngi ng madiin pagkatapos ay yumakap ulit sa kanya.

Wala ng nagawa si Gerald, kaya tinanong na lang niya si Joy. “Are you sure Ms. EA? Ok lang ba sa mga kasama mo?”

Tiningnan na lang ni Joy ang mga kaibigan niya at tumango naman ito sa kanya. Sinyales yun na ok lang sa kanila na samahan niya ang mga ito sa amusement area, buti na lang ay mahilig din magpunta dun ang mga kaibigan niya.

“Ahh yes sir, ok lang po! Dun din naman kami papunta eh!” sagot ni Joy sa boss niya.

“Ok then, let’s go!” sabi ni Gerald.

Lumakad na sila papunta sa amusement area, naunang maglakad ang mga kaibigan ni Joy at ang pinsan nito kasunod si Joy na karga karga pa din si Cobbe.

Humabol naman si Jalal sa tabi ni Joy para hawakan sana ito sa likod para maalalayan dahil alam nitong mabigat si Cobbe, hindi pa man dumadampi ang kamay niya sa likod ni Joy ay tinapik na agad ito ni Gerald.

“Aw! Aalalayan ko lang pre eh!” mahinang sabi ni Jalal sa kanya habang pinapagpag ang kamay na nasaktan sa pagkakatapik niya.

“No need!” kunot noong bulong ni Gerald sa kaibigan.

Nangingiting umiling na lang si Jalal sa kanya.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon