CHAPTER 32

930 15 2
                                    

Pagkatapos nilang kumain ay nagsabi si Joy na maliligo na sya at mag-iimpake ng mga gamit na dadalin nya sa Hong Kong. Gusto sana nyang pauwiin muna si Gerald para makapag-pahinga muna dahil nakikita nyang mukhang pagod na ito at kulang sa tulog. Ayaw naman umalis ni Gerald. Hihintayin na lang daw sya nito sa sala. Nagmadali na lang syang maligo at mag-impake para hindi maghintay ng matagal si Gerald. Pero pagbaba nya ng sala, nakita nyang nakatulog na si Gerald ng nakaupo sa sofa.

Pinatay ni Joy ang TV pagkatapos ay nilapitan nya si Gerald. Iniayos nya ang mga paa nito para makahiga ng diretso sa sofa. Tinitigan ni Joy si Gerald habang natutulog. Dahan dahan nyang pinadaan ang daliri sa ilong nito, “Hmp! Gwapo mo! Kainis ka! Hahaha..” bulong ni Joy sa isip habang pinisil ng konti ang ilong nito.

Unti unting dumilat ang mga mata ni Gerald at napangiti nang makita si Joy, hinila nya ito para yakapin at hinalikan sa noo, “Babe, let’s sleep..” bulong nito sa kanya habang humihiga sa sofa nang nakayakap sa kanya.

“Ge, hindi pwede.. Anong oras na oh! Hindi ka ba uuwi para makapagprepare man lang?” sagot naman ni Joy sa kanya.

“Manang Cora already fixed our things Babe, kaya ok lang..” sabi ni Gerald. Wala namang nagawa si Joy dahil niyakap na sya nito. Hinayaan na lang nya si Gerald matulog dahil gusto nya din makapag pahinga ito kahit saglit lang.

Maya maya ay narinig nyang nag-ring ang cellphone ni Gerald. Ayaw man sana nyang gisingin si Gerald pero mukhang importante ang tawag dahil matagal ang pag-ring nito. Hinaplos nya na lang ito sa mukha para gisingin, “Ge.. May tumatawag sayo..” bulong nya. Gumalaw ito ng bahagya, “Don’t mind it Babe..” bulong na sagot nito. “Ge, mukhang importante e.. Kanina pa yan nagriring..”

Kinapa na lang ni Gerald ang phone nya sa bulsa para sagutin ang tumatawag sa kanya. “Yesss.. Who’s this?” namamaos na sagot ni Gerald sa tumawag. “Dad!? Ooh sorry Dad! Why Dad?” biglang sagot ni Gerald nang malaman kung sino ang nasa kabilang linya. “Really? Okay… Alright Dad! Copy..” huling sagot ni Gerald bago tapusin ang tawag. Dahan dahang bumangon si Gerald kasama si Joy.

“Daddy mo Ge? Anong sabi?” tanong ni Joy kay Gerald nang pareho na silang nakaupo sa sofa pero si Gerald ay nakayakap pa din sa kanya at parang gusto pa ding matulog.

“Daddy said that the schedule of the conference has changed. Instead of 3days, naging 2days na lang sya then the last night became a gathering, hmm.. kinda party..” he answered.

“Ahh.. Edi may party pa pala sa last night.. Tawagan mo na si Manang Cora para may mailagay na sa bagahe mo na susuotin mo sa party.” utos ni Joy.

“I’ll do it Babe, and you too.. You will be my date at  the party..” Gerald said then he kissed her on the cheek.

“Ha??!! Wala akong damit para sa mga ganyang gatherings Mr.Anderson! Kaya wag mo na lang akong isama.. Isa pa hindi ako sanay umattend sa mga ganyan..”

“Babe, If you will not join me, I will not go to that party..” Gerald said. “Ano ka ba naman! Eh tumawag pa nga sayo Daddy mo para sabihin sayo yun, kaya ibig sabihin importanteng pumunta ka dun.” she answered.

“Your’re right! That’s why you need to come with me.. Hehe.. So ano you will be my date ha? Don’t worry about your dress.. Hmm.. Let’s go Babe, we will meet someone..” Gerald said then hinila na sya nito para lumabas. Pinigilan ni Joy ang paghila sa kanya ni Gerald. “Teka sandali! San tayo pupunta? Pwede ba kong magbihis muna? Haller! Nakapam bahay lang ako oh!” Gerald softly laughs, “Ooppss.. Sorry Babe.. Ok sige bihis ka muna, I’ll wait you at the veranda.”

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon