CHAPTER 66A

666 7 0
                                    

2months had passed. Walang naging problema ang pagsasama nina Gerald at Joy. Nawala na ang pagiging workaholic ni Gerald. Mas gusto pa nga nyang mag-stay sa bahay kasama ang pamilya nya, pag wala syang mayadong importanteng gagawin sa opisina ay hindi sya umaalis ng bahay, either nakikipag bonding sya kina Joy at Cobbe or namamasyal silang pamilya. Kapag naman may trabaho sya, sinisugurado pa din nyang uuwi sya sa tamang oras at sabay sabay silang nagdidinner.

Si Joy naman ay paminsan minsan na lang din pumunta sa studio nya. Nag-hire na lang sila ni Gerald ng manager, pumupunta lang sya dun kapag may mga kailangan syang icheck at para kamustahin ang mga staff nya. May mga araw din na dumadalaw silang tatlo sa bahay ng Tita nya. Kapag nasa bahay naman sya ay sinisigurado nyang naaasikaso nya pareho sina Gerald at Cobbe. Kahit may mga maids sila ay sya pa din mismo ang nag-aasikaso sa mga kailangan ng dalawa. Ayaw man ni Gerald ay nagpupumilit pa din syang gumawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto.

Nagpasya silang i-enroll si Cobbe sa isang school kung saan mate-train ang bata bago pa ito pumasok sa talagang school level. Kahit si Manang Cora ay natutuwa kay Joy, dahil hindi nito katulad ang nasirang asawa ni Gerald na busy din sa trabaho. Minsan ay sya pa mismo ang naghahatid at sundo kay Cobbe.

“Oh hija! Saan ka pupunta? Maaga pa para sunduin si Cobbe ha?” tanong ni Manang Cora kay Joy nang makita ito sa kusina.

“Manang tumawag po kasi sakin yung teacher ni Cobbe. Umiiyak daw po yung bata, hindi daw po nila alam kung bakit basta hinahanap daw po ako at nagpupumilit umuwi. Pupuntahan ko na lang po muna Manang baka po kasi may masakit lang kay Cobbe e..”

“Ganon ba? Gusto mo bang tawagan ko na si Jalal para ipag-drive ka? Inutusan ko kasi sya saglit sa grocery e..”

“Wag na po Manang, magtataxi na lang po ako, baka po kasi matagalan pa po si Jalal, kawawa naman po si Cobbe..”

“Oh sige hija, mag-iingat ka ha? Ano kayang nangyari dun sa bata.. Tawagan mo ako kapag nakarating kana dun ha?”

“Okay po Manang, si Gerald nga po pala Manang uuwi mamayang tanghali, kayo na po magsabi sa kanya ha? Babalik din po ako kaagad Manang, sige ho alis na po ako.” paalam ni Joy at tuluyan ng lumakad para lumabas ng bahay.

--------------------

Bago mag alas dose ng tanghali ay nakarating na si Gerald ng bahay nila. Gaya ng bilin ni Joy ay sinabi ni Manang Cora ang nangyari, gusto sanang sunduin ni Gerald ang dalawa ngunit sabi ni Manang sa kanya ay baka pabalik na ang mga ito kaya maghintay na lang.

Nagpapalakad lakad na lang si Gerald sa garden habang naghihintay sa dalawa. Hindi sya mapakali dahil hindi sinasagot ni Joy ang mga tawag nya. “RJ, huminahon ka nga hijo! Baka naman nakasilent ang cellphone ni Joy kaya hindi naririnig at isa pa baka busy yun sa pag-aasikaso kay Cobbe..” sabi ni Manang Cora sa kanya dahil nakikita nito na aligaga na si Gerald.

“Oo nga Ge! Relax ka lang mamaya nandito na din yun!” singit ni Jalal. Hindi naman sumasagot si Gerald, patuloy pa din syang palakad lakad habang hawak hawak ang cellphone.

Maya maya ay nagring na ito at dali dali nyang sinagot, “Babe! God! Kanina pa ko tumatawag--” sabi ni Gerald sa pag-aakalang si Joy ang nasa kabilang linya ngunit hindi pala. “What?! But my wife said earlier na pupunta sya dyan to pick up our son dahil tumawag daw kayo dito telling her na umiiyak ang anak namin..”“God I can’t believed it! Eh sino yung tumawag sa asawa ko!?”“Okay! I will be there in 15minutes! Please kayo muna pong bahala sa anak ko.. Thank you!” nadinig nilang sabi ni Gerald sa kausap na ipinagtaka nila.

“Ge sino yun? Anong nangyari?” tanong ni Jalal.

“Si Cobbe daw kanina pa naghihintay ng sundo, nagtaka na yung teacher kaya tumawag na sakin dahil hindi rin daw sumasagot si Joy sa tawag nila.” kunot noong sagot ni Gerald.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon