CHAPTER 3: PARANORMAL ACTIVITY

48 9 1
                                    


Masyado pang maaga para sa sermon pero nasa balcony na ang apat na magkakapatid kasama ang kanilang ina na nag-iinit ang ulo.

"Mommy ano ba ang aga-aga pa." napakamot na lamang si Delan sa kaniyang ulo dahil halos twenty minutos nang nagdadaldal ito. "Its only five a.m. in the morning."

"Tigil-tigilan niyo ko diyan sa kakareklamo niyo." giit ng kanilang ina na nakatayo habang seryosong tinititigan ang kaniyang mga anak.

Halos umangat naman ang kabilang kilay ni Ansherina at sumabat sa nagagalit niyang ina. "E paano ba namang hindi magrereklamo e ang aga-aga mo kaming ginising para lang sermonan."

"O bakit? Sino bang may kasalanan? Hindi ko naman kayo gigisingin kung hindi kayo gumawa ng kalokohan."

"Kalokohan agad? Nagpaparty lang kalokohan na agad?" singhal ni Delan.

"Oo nga, buti nga nagpapatuloy pa kami ng bisita dito para naman magkaroon ng silbi 'tong lawak ng mansyon natin." sabat ni Rhianna habang abala sa pagkalikot ng kaniyang kuko.

Mrs. Vertes folded her arms over her chest dahil sa sinabi nito. "Aba?! And who told you na magpatuloy kayo dito ha? This is not a children's party."

"Wow... maka-children ha? Thirteen years old nako 'no?" reklamo naman ni Ansherina.

"Ni hindi pa kayo nagpaalam na magpapa-party kayo sa rooftop. I already told you girls na hindi dapat kayo nagdedesisyon ng inyo lang-ang titigas ng ulo niyo." sabay napasapo sa kaniyang noo.

"May malambot bang ulo?" bulong ni Ansherina na abala na rin sa kaniyang daliri.

"Nakakapagod na."

"Edi matulog ka, ang aga-aga pa kasi nagra-rap ka na."

"Tumigil ka diyan kakabulong akala mo hindi kita naririnig?"

"Oooooowwwws." agad naman nag-dub si Ansherina kaya nagsitawanan ang kaniyang mga kapatid.

Tiningnan siya ng masama ni Mrs. Vertes "ISA"

"DALAWA" pang-aasar pa niya.

"Di ka talaga titigil?" at lalong sinamaan ng tingin ang kaniyang anak na nang-aasar pa.

"Di ka talaga titigil?" pag-uulit niya bilang pang-aasar sa kaniyang mommy.

"Aba!" akma namang kukutusan niya ito.

"Joke lang!" napaangat siya ng hita at kamay bilang panangga sa paparating na kamay ng kaniyang ina.

Hindi na naituloy ni Mrs. Vertes ang gagawin niyang pagpalo sa kaniyang anak at muli na lamang nagsalita. "Kung hindi pa nabanggit sakin ni Ate Pia hindi ko pa malalaman."

"Hindi ka kase updated Men." si Rhianna.

Sandaling ipinikit ang mata at huminga ng malalim bago nagpatuloy magsalita. "Ayoko ng maulit pa 'to."

"Next year na kapag nag 2020." sabat ni Rhianna.

"Oo nga, susulitin muna namin 'tong year na 'to para next year mabait na kami." pagsang-ayon naman ni Ansherina.

Tumayo ng tuwid si Delan at akma ng aalis "Makaalis na nga para maka-"

"Hep hep hep!" pagpipigil ng kaniyang ina, dahilan para magkatinginan silang magkakapatid. "Where do you think you're going?"

"I'm going back to my room to sleep-"

"Ano? Ganun-ganun lang?" naniningkit niyang mga mata.

Napakunot ng noo si Dwayne. "At bakit na naman?"

"Ginising mo na nga kami ng napaka-aga para sermonan tapos ano na? Ano pang sunod?" reklamo ni Delan.

"Oo nga. Oo nga." pagsang-ayon ng dalawang niyang nakababatang kapatid.

Bad Ladies (Don't mess with the Queens)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon