CHAPTER 21: CHORES

21 3 0
                                    

"What now mommy?" maarteng tanong ni Ansherina kasama ang mga kapatid na nakatayo. "Bakit mo kami pinababa? At dito pa talaga sa kitchen, lalo na't ang dumi at ang kalat. Ang baho baho pa ang langsa! What was that smell? Bakit amoy fish? Nagluto ka ba? Yaya-"

"Hep hep" usal ng kanilang ina na nakatayo sa kanilang harapan habang ang mga braso ay nakacross.

"Don't you see mommy? Ang kalat kalat, nasaan na yung mga katulong?"

Saglit na napapikit ang mata bago nagsalita. "Kaya ko kayo pinatawag dahil uutusan ko kayo-"

"NO!" magkakasabay nilang bulalas, tila may ideya na sa tinutukoy nito.

"NOT AGAIN OH PLEASE!" tila lumukot ang mukha ni Rhianna.

"AYOKONG MAGLINIS! ITS A NIGHTMARE!" Delan.

"Nakita niyo," isinantabi ang reklamo ng mga anak at muling nagsalita. "Ang kalat diba?"

"Sa ngayon, tuturuan ko na kayong maglinis." mahinahon niyang saad.

"Nababaliw ka na..." si Rhianna na tila nanghihina at halos mapakapit na sa stool ng kanilang kusina. "Kailangan mo ng magpadoctor."

"Pinaglinis mo na kami." si Dwayne.

"And when was the last time I asked you to-"

"Dati!" sabay nilang asal.

"Pinaglinis mo kami ng kwarto mo, halos himatayin na'ko that time dahil sobrang nakakapagod, pero ngayon feeling ko ay mamamatay na'ko sa sobrang dumi at kalat na ipalilinis mo sa amin ngayon." maarteng wika ni Dela na napasapo sa kaniyang noo.

Tumangu-tango naman ang kaniyang mga kapatid na tila sumasang-ayon sa sinasabi niya.

"Once in your lifetime," sagot ni Valestine sa mga anak. "Don't be so exaggerated na akala niyo'y kanal ang lilinisin niyo. Hindi lang kayo sanay na maglinis kaya kung makapag-react kayo ay akala niyo'y napaka kalat at dumi ng kusina kahit hindi naman talaga."

"Ayoko kayong lumaking batugan at walang alam sa gawaing bahay. Hindi sa lahat ng oras ay ibibigay ang lahat ng gusto niyo. Hindi rin dapat kayo puro luho at pasarap sa buhay." muli niyang pag-aalala. Ang kaninang mataray at strikto na awra ay tila naglaho na. "Kaya ngayon simulan niyo ng-"

Natigilan naman siya sa pagsasalita ng biglang umiyak ng malakas ang bunsong niyang anak. "WHAhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu."

"Problema mo?" paglingon ni Rhianna sa kaniyang likuran. Nagtataka sa inaasta ng kapatid.

"Anong iniiyak-iyak mo?" nagtatakang tanong ng kaniyang ina at tila hindi maiwari ang pagkunot ng noo.

"Ayoookong magliiiniss ng bahaaaay....... Whaaaahuhuhuhuhuuhu....." mas lalo pang lumakas ang iyak nito at nagsimula ng magmaktol.

"Ako din!" pagsinghal ni Rhianna at saka natatarantang nagpabalik balik ng lakad kasabay ng paghawak sa kaniyang noo. "A-a... ayokong maglinis ng bahay, hindi ako marunong maglinis ng bahay wala akong alam sa paglilinis. Baka mabaliw na'ko at hindi ko na uli makita ang 5 SECOND OF SUMMER lalo na ang love of my life ko na si Michael Clifford." pagpapanic niya. "Hindi, hindi 'to maari... Pati narin ang baby ko na si Billie Eilish..."

"Mommy ayokong maglinis ng bahay....." pagtakbo ni Ansherina sa kaniyang mommy at saka niyakap ng mahigpit ang beywang nito kasabay ang pag-iyak ng parang bata.

Agad namang nakuha ang awa ni Valestine kaya ipinatong niya ang palad sa bunbunan ng bunsong anak. "Ok ganito na lang. Toka toka na lang kayo."

Tiniro niya ang dalawa. "Rhianna, ikaw sa pagpupunas ng mga plato't baso habang ikaw naman maglilinis ng tiles at lamesa An."

Bad Ladies (Don't mess with the Queens)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon