Rhianna's P.O.V
HAAAAAAAArrr.....Ang BOOOring-nakakatamad naman ata ngayon?
"Ok cla-WAAAAAw! Ang gagaling ng estudyante ng 8-C halatang hindi ako welcome a...." si Sir, may bitbit pang bag na malamang laptop ang laman. "Mga pakalat-kalat at natutulog na kulang na lang gawin niyo 'tong bahay."
"At nagawa mo pang humiga sa teacher's table," si Gab na tinitingnan tuloy ni Sir. "Anong pangalan mo kuya? At mukhang naistorbo pa ata kita, naalingpungatan ka pa o." galit na si Sir, imbis na ilalapag nalang niya 'yung bitbit niyang gamit kailangan pa niyang mag-sermon dahil hinigaan ni Gab 'yung desk.
'Yan na naman si Sir-magtuturo at magdadaldal ng isang oras na halos wala naman kaming naintindihan. History yayks!
"At dahil diyan sa pinapakita niyong ugali sa akin, mag-lolong quiz kayo."
Takteng 'yan... tinatamad na nga ako ngayong araw tapos sinabayan pa ng history na 'yan-tapos magpapalong quiz pa. Tsk!
"Di bale....kahit patulog-tulog kayo at pakalat-kalat 'yang upuan niyo magtuturo pa din ako, pero mag-kuquiz kayo."
Aaaaaaaaaa......Please naman-another with this boring history? Wala naman ako masyadong maintindihan.
Nakaayos na kami 'yung mga upuan naka-arrange na. So eto na nga nagtuturo na si Sir.
Akala mo naman talaga nakikinig mga kaklase ko-well, hindi lang naman ako ang naboboring sa subject na 'to. Halos lahat kami samantalang 'yung iba napipilitan lang. Mga kaklase kong seryosong nakatingin kay Sir na daldal ng daldal akala mo talaga nakikinig e halata namang tangu lang ng tangu pero wala namang naiintindihan. Mga GREAT PRETENDERS.
'Yung iba ko namang babaeng kaklase ayun, nakikipagdaldalan lang sa katabi. Well, ako lang naman 'tong naiiba. Natutulog lang naman ako-dito mismo sa harap ni Sir, as in nasa tapat niya. Actually hindi naman talaga ako natutulog, nakapikit lang. Sinusubukang makatulog kaso ang daldal talaga ni sir. Kung anu-anong ang pinagsasabi, na siya lang din naman nakakaintindi-bahala na. Try ko paring matulog.
💋💋💋
"Beh""Hey"
"Gising na"
"HUY!" naka-tulog na pala ko, buti naman.
"Mag-lolong quiz na po tayo ha? At patulog tulog ka lang diyan-tingnan ko lang kung may masagot ka." si Sir ang sungit kala mo may period.
"Sorry Sir" ayos upo, tamang inat.
"Get 1/2 lengthwise, one seat apart."
Oh great. Just great
Do I need to move seat? I need source, baka ma-zero ako.
And here we go, one to fifty 'yung test?! "Get one and pass..."
Huhulaan? Babasahin? Huhulaan? O Babasahin....... ok babasahin ko na lang pero huhuluan ko 'yung sagot. Basahin ko na lang bawat question pero hindi ko iintindihin-tamang scanning lang, KATAMAD EH.
Number one...
Tumutukoy sa pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan upang maipatupad ang mga kagustuhan nito sa mga mamamayan.
Anooo? Nakalimutan 'ko na 'to....
Basahin natin 'yung choices baka madaling malaman, minsan sa choices pa lang malalaman mo na agad 'yung sagot-common sense lang.
A. Pamahalaan
B. Teritoryo
C. Soberanya
D. Tao o MamamayanRule no. 2, ang unang mahagilap ng mata 'ko sa choices it means iyon ang tamang sagot or sagot 'ko na mali?
BINABASA MO ANG
Bad Ladies (Don't mess with the Queens)
Teen FictionDaily Lives of Little Angels. The story of four young ladies who's liberated to do all the things they wanted. They had everything. Until the day came, a day they never expect would totally happen. Everything seemed to changed, when their mother: Va...