CHAPTER 18: THE GAME

28 5 0
                                    

Rhianna's P.O.V

"Wag kang kabahan, kaya mo 'yan.. ok?" sabi ko kay China habang pinapalakas ang loob niya dahil kanina pa siya kinakabahan-Men hindi pa nga nagistart kabado na.

"Ok! I will!" haha parang siyang anime sa ginawa niya. May pagtango at paggalaw pa talaga siya ng kamay niya a.

Were now here standing in starting line. This is the day, the racing game. Junior High are the only included in this game. Apat na tao sa isang grupo and as usual ay kagrupo ko sina China, Troy at Daniel at 'yung natitira ko namang tropa ay nasa kabilang grupo which is parang kalaban na din namin, Taki, Reizon, Bryan and Ryle.

Karamihan ay grade 10 ang sumali samantalang iilan lang kami. Tatlong grupo sa grade 7, lima sa grade 8, at anim naman sa grade 9, then sa grade 10...... mga nasa........ 11.

25 groups, a total of.....

12 + 20 + 24 +44 = .......

One hundred.........

One hundred seventy. Yes 170 students.

Ang kailangan lang namin gawin ay tumakbo ng mabilis at lagpasan ang bawat obstacles at questions sa bawat level na dadaanan namin. Ilang beses na'kong nakasali dito pero never pa kaming nagchampion.

Nagreready na kami, kaming mga players. Nakaready na ang mga paa sa pagharurot.

"On your mark, ready... Get set........"

"GO!"

Pagkapito na pagkapito ay agad kaming humarurot at wag ka, panis.... Ang bilis ko kaya tumakbo. Halos magkasabay na kami ni Daniel. Si Troy kasunod lang samantalang nahuhuli naman si China-ang bagal naman niyang tumakbo.

Once we get to our destination there is one person who would tell what should be our next task.

Mabilis ang grupo ko-pati na ang grupo nila Taki. Isa kami sa mga nangunguna samantalang 'yung ibang grupo naman ay medyo nahuhuli.

And finally we arrived, malapit sa gymnasium. Tinuro ng babae 'yung bulletin board kaya lumapit kami doon at tiningnan 'yung mga papers na nakadikit.

Kinuha namin 'yung isang papel na nasa Category 8-it means pang grade 8 lang ang sasagot. Binasa namin at-

"Hala!" si Daniel. "Bakit may ganto?" oo nga. Bakit may subject dito? Unexpected 'to a?

Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang kilos ay may kontrol at pananagutan sa sarili ayon kay____.

Kaya pala kailangang nakalagay sa damit namin kung anong grade kami...

Hey dude, ang ganda ng jersey namin a. Red with matching black with the number 8 on the middle of it. At naka shorts lang kami siyempre-while the others are wearing jogging pants-ang init kaya? Meeeen.....

"Parang pinag-aralan natin 'to." sabi ko habang kinakagat yung dulo ng daliri ko kakaisip sa sagot.

"Oo nga! Sa Values 'yan." napa-angat ako ng ulo sa sinabi ni Troy. Oo nga no ba't di ko napansin 'yon?

"Anong sagot diyan?" natatarantang tanong ni Daniel habang hindi mapakaling pinapadyak 'yung paa. "Kailangang mabilis tayo, ayokong matalo."

"Hindi ba 'yan kay Max Scheler?" si China.

"Hindi." pagsagot ko habang nag-iisip ng malalim.

Nagsidatingan na 'yung ibang grupo, kanina kasi dalawa lang kami dito.

"Alam ko na! Kay Sto. Tomas De Aquino!" Daniel.

"Hinde hinde."

"Ano? Siya lang naman ang kilala natin, wala ng iba."

Bad Ladies (Don't mess with the Queens)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon