It was quiet and peaceful in Vertes's Mansion since it still seven in the morning. Wala pa sa magkakapatid ang bumabangon marahil linggo at sinusulit ang pagtulog ng mahaba."Mmm... blueberry pie, blueberry pie and cheescake...."
Nabaling ang atensyon ni Rhianna sa kapatid niyang si Ansherina na nagsasalita habang tulog. She grinned at mukhang may kalokohan na namang naisip, inilinga ang paningin at animo'y may hinahanap. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng drawer, na nakatabi sa kanilang hinihigaan.
Bumati muna siya at kumaway sa camera bago itinapat sa mukha ng natutulog na kapatid.
"Gray.... Gray Fullbuster..... My love, My Love and my Life... I love you." bulong ng bunsong kapatid habang mahimbing na natutulog.
Nagpipigil ng tawa at halos napapapikit pa sa sobrang tuwa habang kinukuhanan ng video ang kapatid. "Hihihihihi" ngisi niya na patuloy ang pagpokus ng camera dito. "Meeeeen you're dead." matawa-tawa niyang sinabi.
"An?"
Agad na hinablot ang kumot na nakabalot sa kanilang katawan, at nagmamadaling ipinalibot sa buo niyang mukha at akmang nagtulug-tulugan pa.
Patuloy sa pagtawag ang kanilang ina habang papasok sa kwarto ng bunso niyang anak na si Ansherina.
"Ansherina you awake already?" tanong nito.
Lumakad ito papunta sa higaan ng kaniyang anak. "An?" tanong niya na nakakunot pa ang noo.
"An!" bulalas niya ng mahablot ang kumot.
"What?!" galit na tanong ni Rhianna at may papikit-pikit pa na akala mo'y bagong gising pa lamang.
Nabawasan ang pag-aalala base sa ekspresyon ng kanilang ina. "I thought someone is beside her, why are you with her room?"
"We watched anime last night and fell asleep here. E ikaw ba't nandito ka?" asal niya sa ina niyang seryosong nakatingin sa kaniya.
"Nevermind" sagot nito at saka tuluyang umalis sa silid.
Habang papalisan sa silid ay ganoon din ang pagsunod ng tingin ni Rhianna sa kaniyang ina na bawat lakad ay maririnig ang yabag dahil sa suot nitong high heels.
"Gray.... gray..... gray." muli na namang nagsalita ang bunso dahilan para maibalik ang atensyon ni Rhianna.
Idinulas ang likuran sa uluhan ng kama at saka pinantayan ang kapatid na nagsasalita habang maimtim na natutulog. "Ano bang napapanaginipan mo?" tanong niya habang hinahanda ang pagrerecord ng video dito.
"Hihihihihi ano 'yon? Gray? Who's Gray?" natatawa niyang tanong na halos bulong nalang ang ginagawa para maiwasang magising ang kapatid.
"My love.." mahinahon nitong sagot habang pikit ang mga mata.
Patuloy parin siya sa pagvivideo ng sa isang iglap ay dumura ito at tumalsik lahat sa pagmumukha niya. Halos ikagulat niya na akala mo'y nakakita ng masamang espiritu.
"YAAAAAAAAAAAAAAAK!" napasigaw siya dahil pati na ang likod ng cellphone niya ay nalagyan.
Mabilis siyang tumayo at tumakbo papuntang banyo at agad na naghilamos.
"YAK! YAK! YAK! EW!" sigaw niya habang hinihilamusan ang mukha na natalsikan ng kung anong galing sa bunganga ng kapatid.
"MEN! KADIRI!"
Natapos siya at pinunasan ang basang mukha at saka sinilip ang kapatid na masarap padin ang tulog.
"Dumudura ng tulog? Kadiri naman." pagtataka niya habang kinakausap ang sarili sa harap ng salamin na nakasabit sa loob ng banyo.
BINABASA MO ANG
Bad Ladies (Don't mess with the Queens)
Teen FictionDaily Lives of Little Angels. The story of four young ladies who's liberated to do all the things they wanted. They had everything. Until the day came, a day they never expect would totally happen. Everything seemed to changed, when their mother: Va...