Nasa opisina ng kumpanya si Valestine at abala sa mga papeles ng tumunog ang telepono sa kaniyang lamesa. Huminto siya at sinagot ang tawag.
"Ma'am, si Mr. Santiago po-"
"Mr. Santiago.." she closed her eyes frustatedly. "I'm busy right now ang dami ko pang inaasikaso na mga papeles."
"But this one is really important po talaga e."
"Maybe later there's still-"
"About po ito sa anak niyo."
Pagkasabi na pagkasabi ay nagmadali siyang tumungo sa surveillance room at iniwan ang ginagawa. Pagkapasok niya ay sinalubong agad siya ng tumawag sa kaniya.
"What is it Mr. Santiago."
"Hindi ko po alam kung matutuwa or matatawa kayo dito. Ang anak niyo po nakaraan habang iniwanan niyong mag-isa sa office. Ganito po ang pinagkakagawa."
"Bakit?" tila kinakabahan niyang tanong. Natatakot sa kung anumang ipakitang footage sa kaniya nito. Sinimulan nitong iplay ang video kung saan makikitang nag-iisa si Rhianna sa kwarto.
Gulat na gulat at hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. "What. The. Hell." halos matulala siya sa pagtitig sa monitor. "Anong ginagawa niya?"
"Saan po niya natutunang gawin 'yung mga bagay na ganyan? Masyado pa po siyang bata." tugon ng kausap. Imbis na maabala ay nagagawa pa nitong matawa.
"Sa tingin mo anong ginagawa niya?" halos walang ideyang tanong ni Valestine. Nagtataka sa kinilos ng anak ng iwanan niya itong mag-isa.
"Nagpaparkour po."
💋💋💋
Padabog na tumungo si Dwayne sa kaniyang locker at galit na binuksan ito. Walang ibang tao sa hallway kaya malayang nagagawa ang gusto niya. Naka gym suit siya dahil kagagaling lang nila sa pagvovolleyball kung saan isa sa physical activities ng klase nila."She slammed her locker door shut and puts her school uniform in her skinny arms." kilala niya ang boses kaya masama siyang tumingin dito at sandaling napahinto sa paghalungkat ng mga gamit.
Lumakad ang lalaki papunta sa kaniya habang nakapamulsa. "Wanna join me in lunch?" sumandal ito sa katabing locker at ngumisi ng nakaloloko.
Seryosong tinitigan lamang niya ito bago nagpatuloy sa pagkuha ng mga gamit. "No thanks. Kasabay ko sila Karla―maayos sila, MATINO. Hindi kagaya mo."
"Ouch!" umasta siya na parang nabaril sa dibdib at tila nasaktan. "Kahit magkaaway kayong apat?" pagtayo nito ng tuwid.
Muli na naman siyang napatigil. "Paano mo nalaman?"
"Handsoooooome~ knows...... best!~" pagkanta nito.
She smirked. "Hmp!" padabog niyang isinara ang locker at saka bumulong. "Jerk." akma na siyang aalis ng hatakin siya nito pabalik sa locker. "Arck!" sa pagkakataon na iyon ay nakaharang ang kaliwang braso nito sa kaniyang leeg. "What?! What's the matter with you?"
"Jerk? Sinong Jerk?"
"Ikaw!" hiyaw niya. "Ano ba? Bitawan mo nga 'ko. Get your filthy hands off me."
"Ayaw mo bang makasabay ang pinaka gwapo at heartthrob na lalaki dito sa school?" patuloy nitong pag-ipit sa kaniya.
"Excuse me? You? Handsome and Heartthrob? Saang parte?"
"Grabe ka talaga a."
"At hindi ko kailangang sumabay sa isang asungot na kagaya mo. Talagang pinanindigan mo 'yang statement mo a, may nalalaman ka pang October-October 1 unang araw, bleh bleh bleh. Hmp!"
BINABASA MO ANG
Bad Ladies (Don't mess with the Queens)
Teen FictionDaily Lives of Little Angels. The story of four young ladies who's liberated to do all the things they wanted. They had everything. Until the day came, a day they never expect would totally happen. Everything seemed to changed, when their mother: Va...