"What took you so long?!" bulalas ni Delan sa kababa lang na si Dwayne. Nakapwesto sila ngayon sa couch malapit sa mahaba at malawak nilang hagdan.
"Sorry I woke up late."
"Daig ka pa ni An na tatamad-tamad, kanina pa kami dito." nakatayo si Delan habang hindi maialis ang brasong nakacross sa ibaba ng kaniyang dibdib.
Tumingin si Ansherina sa kaniyang ate na kadarating lamang. "Where's Rhianna?" tanong niya.
"Ay Ma'am," pagsingit ng gwardiya na kadadaan lang sa kanilang pwesto. "Kanina pa po umalis." ani nito ng marinig ang tanong ng anak ng amo.
"Ano?!" bulalas nilang magkakapatid.
"Kanina pa po siyang umaga, mga four o'clock."
"ANO?!"
Rhianna's P.O.V
I lifted my head down as I feel the presence of my classmates entering our classroom—kunwari tulog ako. Sa ngayon naiilang pa 'ko na kausapin sila dahil sa nangyari kahapon.
Kanina pa akong five o'clock dito nakakainip din pala. Lagot ako neto mamayang first subject at lalong kapag nagsidatingan na lahat ng mga kaklase ko, sa malamang iinterviewhin ako ng mga 'yon na akala mo'y artista ako. Superstar be like?
May dumating na 'kong kaklase pero ilang minuto palang ng nandito siya. Six fifteen palang, mamayang seven o'clock pa ang start ng class.
"Si Riri ba 'yan?" tanong ng kaklase kong babae sa kaklase kong lalaki na kani-kanina lang dumating.
"Ang aga a."
'Yan na nagtataka na sila bakit ang aga ko ngayon lalo na't sanay silang late akong pumasok.
Hala kinakabahan nako....
Nagtutulug-tulugan parin ako para makaiwas sa kanila—kunwari puyat. Marami-rami na kami ngayon dito.
Antagal.....
Feeling ko seven o'clock na pero wala paring professor na dumadating, Thursday ngayon kaya first subject namin ay values which I find so boring.
Marami na sila, pero nakaubob parin ako—ang ingay.
Naramdaman kong may lumapit sa pwesto ko. "Hoy bumangon ka diyan, alam kong gising ka." its China, she knew me well.
"Yup girl pretending to be asleep." isa pa 'tong si Troy.
Hay sige na nga...
"You got me!" I flashed them my mischievous smile habang ibinabaling ang ngawit kong leeg dahil sa kakaubob.
"Rhianna!"
"Riri"
Ah, sinasabi na nga ba. Heto na nagtakbuhan na mga kaklase ko para tanungin ako ng sandamakmak.
"Hey what happened to you?"
"Siraulo ka"
"What did you do?"
Ok kumpul kumpulan na po sila...
"What happened to you yesterday?"
"Is it true?"
"We've already watched the video."
"You're with your sis."
I frowned as I waved my hands towards them.
"Teka isa-isa lang," and chuckled. "Ok?"
Nanahimik naman sila habang nakatitig sa'kin para abangan 'yung sagot ko.
BINABASA MO ANG
Bad Ladies (Don't mess with the Queens)
Teen FictionDaily Lives of Little Angels. The story of four young ladies who's liberated to do all the things they wanted. They had everything. Until the day came, a day they never expect would totally happen. Everything seemed to changed, when their mother: Va...