Sunny's pov;
"Ang sarap po ng luto niyo Ina matilda!" saad ko habang may pahawak sa tiyan.
"Kabayaran narin iyan sa pagtulong sa aking anak." Nakangiting sabi ni Ina matilda habang nakatingin sa kaniyang anak na naghuhugas habang nakembot. Pfft~
"Si felix ay isang masunuring bata. Mabait rin ito. Nakakalungkot nga lang dahil ang mga aliping tulad namin ay hindi pwede makipaglaro sa ibang bata kung kaya't ako nalang ang nakikipaglaro rito." Kwento ni Ina matilda habang may inaalala. Hindi ko maiwasang malungkot para sa mga batang pinagkaitan ng kasiyahan
"Bakit po bawal?" nginitian naman niya ako. Isang malungkot na ngiti
"Mula ng namatay ang Hari ng bayang ito, pumalit rito ang kaniyang masamang kapatid na si Ruthor. Si haring ruthor na kinamumuhian ng lahat ng alipin dito. Dahil pinagkaitan niya kami ng kalayaan. Hindi kami umangal ng taasan niya ang buwis ngunit hindi na kami nakapagtimpi ng galit nang pinagkaitan ng kasiyahan ang mga anak namin. Ayaw niyang may nakikitang naglalarong mga bata sa daan. Ang iba ay sumusuyaw at patagong pinapayagan ang paglalaro ng kanilang anak sa iba pang mga alipin. Ang ilan sa mga ito ay naikulong dahil may nagsumbong. Ang pagsumbong ay may matatanggap na dalawang pilak. Kahit na ayaw namin ay wala kaming magagawa. Dahil Hari siya at alipin lamang kami." puno ng hinanakit na kwento ni Ina matilda.
Pinunasan ko naman ang mga luha nito gamit ang likod ng palad ko. I hate seeing people cry.. in pain. Pinatahan ko naman ito. Napabuntong hininga naman ako
"Ang Hari ang siyang namumuno.." salita ko. Naramdaman ko namang tumingin sa akin si Ina matilda.
"Ang kaniyang pinamumunuan ang dahilan kung bakit may trono siyang pinanghahawakan. Kung wala ang pinamumunuan.. walang haring mapagsisilbihan." Tingin ko kay Ina matilda na para bang namangha sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kaniya.
"Isang ngiti ng pag-asa.." wala sa sariling sambit niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ina! tapos na po akong maghugas!" Patakbo nitong punta sa amin. Akala ko ay ang kaniyang ina niya lamang ang yayakapin laking gulat ko na pati ako ay isinama niya. Ginulo ko ang buhok nito at maingat na pinisil ang kaniyang pisngi.
"May pamilihan po ba kayo rito?" tanong ko at isinuot ang puting balabal ko. Tumango naman si Ina matilda.
"Meron iha. Medyo malapit lang rin dito. Gusto mo bang pumasyal roon? Felix, ipasyal mo ang ate mo roon" bilin ng sa kaniyang Ina. Tumango naman si felix at masayang hinila ang kamay ko. Kumaway naman ako kay Ina matilda bilang pag paalam.
Pagkapunta namin rito ay isang maingay na pamilihan ang sumalubong sa amin. Napapikit ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa akin. Dinama ko ang simoy ng hangin na tila isinasayaw ang buhok ko. Napadilat na lamang ako ng wala akong marinig na kahit na ano. Laking gulat ko ng makita silang lahat na nakatingin sa akin.
"Magandang buhay! hehe" basag ko sa katahimikan. Akala ko ay babalik na sila sa kaniya kaniya nilang gawain ngunit ang kaninang may mga gulat na mata ay mas lalo pang lumaki. Ang iba naman ay nakatakip pa ang kanilang palad sa bibig.
"N-Napagandang dilaw na buhok.."
"Kaigandang boses"
"Sino ang binibining may dilaw na buhok na ito?"
Hindi ko na lamang pinansin dahil alam ko namang iingay rin sila. Kaya naman hinila ko na si felix na halatang aliw na aliw sa mga reaksyong nakita. Tinignan ko naman ang tinititigan ni felix. Tindahan ng isda. Pumunta kami roon.
"Anong gusto mo?" tanong ko kay felix. Napauwang naman ang bibig nito na parang walang masabi.
"Gusto mo ba lahat?" tanong ko pa na ikinagulat niya. Tumango ng napakabilis si felix. Cutie.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...