Sa bawat araw na lumilipas ay lagi kaming isinasanay ng hari. Nakakatuwa kapag nakikita mo ang mga kaibigan mong humuhusay sa kanilang sariling espesyal na kakayahan. Halos araw-araw rin ay may sugat kami sa aming mga katawan.
"Hindi ka pa ba pagod, mahal ko? kanina pa tumigil ang mga kaibigan mo at ikaw na lamang ang nageensayo." sa bawat araw narin na lumipas ay bumabawi sa akin si augustus sa mga na sayang na oras naming dalawa. Akalain mo ba namang makakabingwit pala ako ng prinsepe sa isang mall. Huminto ako at naghabol ng hininga. Mabilis nitong pinunasan ang noo't likod ko na lagi niyang ginagawa. Napangiti ako.
"Asan na sina dio?" tanong ko rito. Agad na nagsalubong ang kilay nito
"Pinagseselos mo ba ako?" lumawak ang ngiti ko sa sinabi nito.
"Hindi po. Bawal po bang magtanong, mahal na prinsepe?" mahinhing ani ko at inilagay pa ang dalawang kamay sa harapan. Sabay kaming natawa sa ginawa ko. Ilang saglit pa ay napagisipan na naming pumasok sa loob. Siya narin ang nag-asikaso ng sugat na natamo ko.
"Binibini? Nakita mo ba si dio?" patingin tingin na tanong ni kyle. Agad akong umiling at kumunot ang noo.
"Nawawala ba?" tumango ito
"Sa tingin ko,binibini. Kanina lamang ay nagpaalam ito sa aking magpapahangin lamang ngunit dalawang oras na ang nakakalipas ay hindi ko na mahanap ito." lumapit narin sa amin sina andres. Tumayo ako at sinabing hanapin na si dio.
Paikot-ikot kami sa palasyo ng hari hanggang sa makarinig kami ng parang nag-uusap.
"Dio!Dio!" sigaw ng mga kasamahan ko. Hindi manlang kami tinapunan ng tingin ni dio at seryoso lamang nakatingin sa harapan. Hindi ko makita ito dahil natatakpan ng mga puno. Nang makalapit na kami rito ay siyaka niya pala kami napansin.
"Sino siya?" agarang tanong ni michael.
"Ang nagbigay sa akin ng espesyal na kakayahan." gulat kaming napatingin rito. Matanda na ito kung titignang mabuti. Nanlaki ang mata ko ng may lumilipad na maliit na taong may pakpak na biglang lumitaw sa likuran nito. Hindi katulad sa mga napapanood ko, hindi ito kapansin-pansin dahil wala naman itong kumikinang na pakpak. Para lamang talagang isang normal na paru-paro.
"Nagagalak akong tama ang pinagbigyan ko ng kakayahan na iyan."
"Pinagbigyan?" tanong ni david
"Ako ay isang tagapagpabago. Ang mga nasa taas o ang aking mga pinagsisilbihan ay inatasang ibahin ang magiging tagapangalaga ng kakayahang magpalutang ng mga bagay."
"Ang ibig sabihin ba ay hindi dapat si dio ang magkakaroon ng kakayahang iyan?" tumingin ito saglit sa akin at magalang na tumango
"Ang batang pagbibigyan sana ng kakayahan na iyan ay hindi masama ngunit mahinang makipaglaban gamit ang isip at puso."
"Papaano napunta sa kaniya ang kakayahan na iyan?"
"Dahil sa isang pakiusap."
"Kung ganon ba ay katulad rin kami ni dio kung paano nagkaroon ng ibang kakayahan?" umiling ito sa tanong ni andres
"Iba. At kung tatanungin ninyo ako ay hindi ko masasagot iyan dahil kahit ako ay hindi ko rin alam." saglit na katahimikan ang namayani sa amin.
"Kaya ako nandirito ay para balaan kayo." sa ikli ng isinambit nito ay agarang kumabog ang dibdib ko.
"Para saan?"
"Darating na siya. Ano mang oras ay andirito na siya. Humanda na kayo dahil dadanak ang dugo sa bawat sulok ng bayang ito." Nang sambitin niyang iyon ay agad itong nawala maging ang maliit na paru-paro.
Habang pabalik ay tahimik kaming nakikinig sa isinasambit ni dio. Napapansin niya na pala noon ang pagsunod sa kaniya ng isang paru-paro kung saan man siya naroon ngunit hindi niya lang daw ito malapitan dahil agad nawawala ito sa paningin niya. Hindi na namin namalayan na nasa loob na pala kami ng palasyo. Agad kaming sinalubong ng mga kamahalan.
"Anong nangyare? Ayos lamang ba kayo?" tumango ako sa itinanong nito sa amin.
"Lulusob na siya." seryosong mabilisang ani ko na ikinagulat ng reyna. Ang hari't nga prinsepe naman ay bigla naring sumeryoso.
"Maghanda na kayo." mabilis na napunta ako sa kwarto't nagpalit ng espesyal na damit na ibinigay pa ni mama. Kinuha ko narin ang espada. Tahimik ang buong sulok ng palasyo.
"Nagpalit ka?" takang tanong sa akin ni augustus. Tumango tango ako.
"Espesyal ito kaya wag mong pagdudahan." ngumiti ito sa akin. Ilang saglit pa ay nagsilabasan narin ang mga kaibigan ko.
Ang mga kaibigan ko...
"Asan na ang reyna at hari? pati na ang kapatid mo??" tanong ko kay augustus.
"Nasa taguang lugar na. Marami rin ang nagbabantay sa kanila kung kaya't medyo nabawasan ang kawal rito."
"Sasama ka ba talaga? Hindi naman sa ipinapahiwatig kung tuwag ka pero kasi.." bumuntong hininga na lamang ako at hindi na tinapos ang sasabihin ko. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko
"Oo nga't prinsepe ako pero ikaw ang buhay ko. Hindi ko hahayaang maghintay na lamang roon at iniisip kung ano ang mangyayari sa'yo." seryosong ani nito't hinalikan ang likod ng palad ko. Muli akong bumuntong hininga at hinarap ang mga kaibigan ko. Mabilis ko silang niyakap na para bang ayoko na silang isali pa rito.
"Tandaan ninyo na andirito kayo sa puso ko. Kayo ang isa sa mga nagbibigay lakas sa akin. Kung kaya't sana kung anong bilang ng mga kaibigan ko ang nakikita ko ngayon at ganon din sa dulo." nanginginig ang mga kamay ko.
"Para ka namang namamaalam." natatawang ani ni michael kung kaya't tumawa narin kami. Agad na naputol ang tawanan namin ng may narinig kaming mga nagsisigawang tao sa labas ng kastilyo.
"Eto na." mahigpit ang kapit ko sa espada ng hari. Nasa tapat na kami ng malaking pintuan ng palasyo't may mga kawal sa likuran namin.
"Mahal kita." mabilis na hinalikan ako nito sa labi.
"Mahal na mahal din kita." isang matamis na ngiti ang iginawad ko bago sumeryosong humarap at agarang binuksan ang pintuan.
Nagulantang ako sa nakikita. Tila naging iba ang lugar ng sterlina sa dati kung nakita rito.
"Dugo.. ang daming dugo.." mahinang sambit ko't nakatingin ngayon sa ibaba kung saan ay maraming mga patak ng dugo.
"Sa wakas. Nakita ko narin kayo." walang buhay na humalakhak ito. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Nakipagtagisan ako ng titig rito hanggang sa lumusot ang tingin ko sa likuran nito. Mga taong may ibang aura. May itim na pinturang linya sa kanilang kanang pisngi. Ano ito?
"Hindi manlang ba kayo magsasalita? Ang mga ipinagpala. Malapit na kayong mapasaakin." Humalakhak muli ito at agarang sumeryoso
"Paano ka nakakasigurado? Maraming namamatay sa akala, alam mo ba yun?" isang ngisi ang ibinigay ko rito na tinumbasan niya ng isang halakhak.
"May katangi-tangi kang aurang hindi ko pa nakikita."
"Salamat naman kung ganon." pang-aasar ko pa.
Tumahimik ang paligid at tila nagaantay kung sino ang unang susugod.
Sumenyas ito sa kaniyang mga kasamahan at patakbo kaming isinugod. Mabilis ring pumunta sa gilid namin ang mga kawal.
Nagumpisa na.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...