16

83 4 0
                                    

Sunny's pov;
  Hawak ko ngayon ang bag ko. Ngayong araw kasi ay aalis na kame at pupunta na sa bayan ng oson.




Gaya ng ipinangako ko




"Nasa labas na si kyle." sambit ni owen. Natulog siya sa dorm namin. Wala naman kasi rito si prinsepe rafael sayang nga dahil baka hindi kame makapag-paalam sa kaniya.




Kinuha ko ang balabal sa bag ko at itinali muna sa leeg. Na miss ko ang balabal ko huhu.




"Hindi halatang nakapagimpake ka ng madami ah?" pabirong sabi ni andres.




Dalawang bag kasi ang dala-dala ni kyle.




"Wag ka nga! Dapat nga magpasalamat ka pa saken dahil puro pagkain ang laman ng isang lalagyan diyan ano."




Nanlaki naman ang mata ni andres at dali daling kinuha ang dalawang bag ni kyle




"Ako na mag dala baka nabibigatan ka e hehe." Napatawa naman kami kay andres. Basta pagkain talaga.




Pumunta muna kami sa loob kung nasaan si haring peter. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.




"Oh binibini, bakit kayo naparito?" tumingin muna ito sa amin bago itinigil ang tingin sa akin.




"Aalis na po sana kami, haring peter."




"Bakit naman biglaan iha?"




"Uhm..dahil gusto ko at kaya ko? hehehe." wala lang talaga akong maisagot sa tanong niya huhuhu. Saglit na kumunot ang noo ni haring peter na kinalaunan ay ngumiti. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.




"Oh siya siya, bukas' parin ang aming akademiya para sa inyo at kung kakailanganin ninyo ng tulong ko ay handa akong ibigay iyon." Ngumiti kame rito at nagbigay galang. May mangilan-ngilang estudyante ang nakatingin sa amin.




"Halatang nagtataka sila." sambit ni dio. Tinanguan naman namin siya.





"Pasensya na kung hindi dahil sa akin ay---" pinutol ni dio ang sasabihin ni owen.




"Tandaan mo ang sinasabi ni sunny, gusto niya at kaya niya." tumingin naman si dio sa akin. Ginulo ko ang buhok nito. Sanay na siya sa akin hehe




Nasa gate na kami ng akademiya ngayon. Naglakad na kami palabas. Ang sarap langhapin ng hangin sa labas ng akademiya. Mas naging malinis at maganda na ang hangin na nalalanghap ko dahil siguro sa pagkabati nila haring peter at tandang pedro.




Napatigil kame sa pagalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lahat ng estudyante pati narin ang mga prinsepe ng teodoro, consolacion at filomeno ay nasa tapat ng akademya at nakatingin sa amin.




"Paalam!"


"Sana'y makita namin kayong muli!"


"Ipinagmamalaki kong nakilala kita binibining sunny!"




May mangilan ngilan na estudyanteng umiiyak. Aww.




"Magkikita pa ba tayo?" sigaw na tanong ni prinsepe rafael. Tumango naman ako rito at kumaway.  Kumaway narin sina dio rito. Tumalikod na kame at nagsimulang maglakad.




Ay teka may nakalimutan ako.




Tumingin akong muli sa mga estudyante at mga prinsepe. Nag flying kiss ako sa kanila. Napatawa ako ng tumahimik sila ng ilang segundo at nagingay rin.




Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon