13

98 3 0
                                    

Sunny's pov;

Nagmulat akong nakangiti dahil napaginipan ko ang magandang nangyari kahapon na nagkabati na sila haring peter at si tandang pedro. Nagayos na ako at bumaba. Nakita kong kakadating palang ng kanilang almusal ngunit wala pa ang mga kasama ko.



Ginising ko naman ang mga ito. Ganon parin si andres, Makulit parin sa higaan. Kumatok naman ako sa kwarto ni prinsepe rafael. Napangiti ako ng makitang dito rin pala natulog si jack.



"Magandang umaga mga señorito, magsibangon na po kayo diyan." magalang na sabi ko ngunit may kalakasan. Bumangon ang mga ito at nagunat unat pa. Gulo-gulo ang buhok ni jack habang si prinsepe rafael ay parang disiplinado paring bata hanggang sa matulog at magising.



Pumunta naman na ako sa sala. Ramdam kong nakasunod narin ang dalawa sa akin. Umupo kami at kumain.



"Hoy! akin yan!" sambit ni dio ng biglang kunin ni andres ang tinapay nito.



"Ibalik mo yan akin yan ano b---" pinasok ni andres ang buong tinapay sa bibig ni dio. Sinamaan naman niya ito ng tingin. Tinignan ko naman ang magpinsan. Nakangiti ng dalawa habang nagkwekwentuhan.



"Oh sunny, saiyo nalang." naglagay ng pritong itlog si dio sa plato ko. Ngumiti naman ako rito at nagpasalamat.



Ilang araw na ba akong nandirito? hindi ko na mabilang. Masaya ako ng kaibigan 'ko na ang dalawa sa sinasabi ng libro. Hindi talaga ako makapaniwala na may ganito pala. May ganitong mangyayari sa buhay ko.

Nasa kwarto na ako ngayon at nagbihis. Iba ang susuotin namin ngayon dahil ito nga ang araw na kukuha na ng 10 representado si sir sa amin. Naka dark green na loose T shirt kame, at pantaloon sa ibababa. Hanggang braso lang ang haba ng t- shirt.



Lumabas na ako sa kwarto.



"Bagay sa inyo." bakit parang nasabi ko na'to?



"Lagi mo na lamang kaming binibigyan ng papuri, binibini." namumulang sambit ni andres.



"Eh kasi nga, totoo." sabi ko. Tinahak na namin ang daan papuntang unang subject at nagklase roon. Napansin kong kaklase pala namin si jack. Nakita kong nakatingin ito sa akin kaya kinindatan ko ito. Nanlalaking matang napatayo ito sa upuan. Pinipigalan ko namang matawa sa nagawa nito.



"Is there any problem, Mr. Jack?" Sabit ni sir kay jack.



"N-Nothing sir." umupo naman na si jack.



Natapos ang klase at pangalawang klase. Ngayon naman ay nasa loob na kame ng cafeteria. Sina prinsepe rim at gim ang nagorder sa mga kakainin namin. Bumalik rin ang mga ito di'katagalan.



"Ready na ba kayong matalo?" sambit ni prinsepe rim na may ngisi sa labi.



"As if naman na matatalo mo ako." sabi naman ng kaniyang kapatid.



"Tsk Tsk tsk." iling iling na sambit ni prinsepe rafael.



"May pagkamahahangin pala ang mga prinsepe ano?" bulong ni andres sa akin. Tumango tango naman ako at sinenyasan na tahimik-at-baka-may -makarinig. Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Payabangan ang tatlong prinsepe sa harap namin. Habang si prinsepe francis na nalate sa pagpunta dahil natulog raw siya. Pagkadating nya ay sya ang  umaawat sa tatlong prinsepe na nagyayabangan. Nang matapos na kame sa pagkain ay pumunta na kami sa field. Nakita namin na ang mga prinsepe na kasama ko na lamang pala ang hinihintay ng iba nilang ka-myembro habang nakita ko naman sa hindi kalayuan si kyle na malalim ang iniisip.



Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon