17

88 3 0
                                    

Third person's pov;

Isiniksik ni binibining sunny ang fluta sa pagitan ng balabal niya upang maihipan ito.




Habang naglalakad ay sinimulan na ni binibining sunny ang pagpapatugtog ng kaniyang insturumento. Nakuha nito ang atensyon ng lahat. Maging ang mga winglong at mga oso ay tumingin sa binibini.




Ang pagtugtog nito sa pluta ay sadyang nakakahanga. May bahid ng lambing at parang humihinahon ang sino mang makakarinig nito.




'buti na lamang talaga hindi ko nakalimutan ito' isip isip ni sunny




Ang tunog na may mababang tempo na bigla na lamang tataas ang siyang nakakapaghanga sa iba. Ngayon lamang sila nakarinig ng ganoong klase ng tunog.




Sa hindi malamang dahilan ay napakaganda sa tinig ng pinapatugtog ng binibini para sa mga winglong at oso.




Ilang sandali ay natapos na ang pagtugtog nito. Yumuko ng bahagya si binibining sunny bilang paggalang sa kaniyang mga kaharap na ngayon ay nakatitig sa maamo niyang mata.




Sunny's pov;

  Magkakabeke ata ako grabe huhuhuhu.




Dahan dahang lumapit sa akin ang pinuno ng oso. Kahit pa man mukhang galit ang mata nito ay makikita mong mahinahon ito at may isinasabi.




Napasinghap ang ilan ng sumabay ring maglakad ang winglong sa pinuno ng oso. Nanatili lamang akong nasa pwesto ko. Nagulat lamang ako ng parang asong hinihimas ng oso ng ulo niya sa akin. Mas malaki pa siya keysa sa akin kaya naman natatawang hinagod ko ang ulo ng oso.




"Salamat naman at nagustuhan mo." malambing kong sabi rito. May malaking kamay naman ang kumakalabit sa akin. Parang naiinggit ito kung kaya't hinimas ko rin ang nakayuko niyang ulo. Wala pa sa kalahati ng ulo niya ang kamay ko.




Mas nagulat ako ng nagsiyukuan ang mga oso at mga winglong na nasa harapan ko na pala. Na para bang nagbibigay galang sa nasa harapan nila.




"Mukhang ikaw na ang taga pangalaga nila." sambit ni owen na nasa likudan ko na pala kasama nina andres.




"....."




"Marahil ay nagustuhan nila ang pagtugtog mo ng puno ng may pagmamahal at napakalalim ng mga salita sa likod ng tono." sambit ng lola na inaalalayan ng lalaking hiniraman ko ng fluta. Ibinalik ko naman ito sa kaniya at nagpasalamat.




Ilang sandali pa ay isa isang nagsialisan ang mga winglong at oso. Ang natira na lamang ay ang kanilang pinuno na nakadikit parin sa akin.




"Gusto ko sanang ilagay kayo sa lalagyanan ko para kasama ko na kayo sa bawat paglalakbay ko ngunit hindi maari." natawa naman sina dio sa sinabi ko.




"Kung ako man ang napili ninyo, ang gusto ko ay magsama kayo at protektahan ang lahat ng tao sa lugar man na ito o sa ibang bayan."




Pinaglalaruan ng oso ang balabal ko. Pfft~




"Kaya niyo bang pagalingin ang sarili ninyo?" tumango ang dalawang naglalakihan kong kaibigan na pawang naiintindihan talaga ang sinasabi ko.




"Aalis na ba kayo?" tanong ko sa mga ito. Umiling naman ang oso.




"Kailangan muna nila ang ilang hibla ng buhok mo,binibini." sambit ng lola. Bumunot naman ako ng tig iisang hibla ng buhok ko.




Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon