Sunny's pov;
Napabalikwas ako ng may narinig na pagsabog. Dali dali akong lumabas ng kwarto at nakita kong kakalabas lang din nila andres. Tumakbo kami palabas. Hindi namin alintana kung nakapantulog pa kami. Nakita namin ang mangilan-ngilan na estudyanteng nakikipaglaban sa itim na bandido. Mahirap mang aminin ngunit magaling ngang makipaglaban ang mga ito. Susugod na sana kami upang tumulong ng may narinig kaming isang tunog ng trompeta. Wala pang limang minuto ay nagsitakbuhan nalang paalis ang mga ito. May lumapit sa aming babaeng sugatan at may iniabot na papel.
"P-Para raw ho sa inyo mahal na prinsepe." hinang-hina na sabi nito. Kinuha naman nito ng prinsepe at binasa. Nakita kong umigting ang kaniyang panga. Nakita ko naman sa gilid niya ang paparating na sina prinsepe gim at pinabasa rin sa kanila. Kumunot ang noo ko ng ganon rin ang naging expression ng mga mukha nila.
"Ano yan?" tanong ko sa mga ito. Binaling nila saglit ang paningin sa akin at biglang nagkatinginan silang mga prinsepe na parang naguusap. Ibinigay naman ni prinsepe rafael ang papel.
"I haven't even started yet, prince
of teodoro. If you want to stop it immediately. Give me my beautiful queen." bigkas ko rito. Nangunot naman ang noo ko. Tinaslate naman ni prinsepe francis ang nakasulat kina dio upang maintindihan nila."Sinong babae ang tinutukoy niya?" takang tanong ni dio.
"Baka nobya mo?" tanong naman ni andres. Umiling naman si prinsepe rafael.
"Wala pa akong naging nobya." malamig na sabi nito.
"Beautiful.." biglang nasabi ni prinsepe rim at may pagaalala sa kaniyang mata na tumingin sa akin. Maging sina dio at mga prinsepe ay nanlalaking matang napatingin sa akin.
"Y-You must be kidding me.." may halong pag aalala sa boses ni prinsepe gim.
"Ha! sa tingin niyo ba ay ako ang tinutukoy niyan? madami rin namang magagandang babae rito ah?" pagtatanggol ko sa sarili.
"Ikaw ang nakikita kong pinakamaganda rito." sabi ni prinsepe francis.
"Ganiyan rin ako/ Same." sambit naman nila. Umiling-iling naman ako.
"Baka prank lang ito. Wag niyo ng alalahanin. Tignan niyo oh, nakapantulog lang tayo!" turo ko pa sa mga suot nila. Parang nahiya naman ang mga ito at tumakbo papuntang dorm. Ako naman ay naglakad lang. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Kung ako man ang tinutukoy niya.. bakit ako?
Ng makapasok na ako sa kwarto ay agad kong binabad ang sarili ko sa tubig. May nararamdaman pa akong kakaiba ngayong araw. Hindi ko talaga maintindihan. Maganda ba o hindi. Nang matapos akong maligo ay agad akong nag ayos. Kumuha muna ako ng isang lollipop at sinubo iyon bago lumabas. Pampabawas lang ng iniisip hehe. Seryoso ang mga ito habang naglalakad.
"Bakit ba ang lapit niyo masyado sa akin ha?" pinigilan ko namang matawa sa sinabi ko. Habang naglalakad kasi kame ay kada isang hakbang ko isang hakbang rin sila. Sina andres at dio ay nagkakadikit na ang mga braso habang naglalakad.
"Pinoprotektahan ka." simpleng sabi ni andres. Umiling naman ako at ginulo ang buhok nito.
"Kaya kong protektahan ang sarili ko. Sarili niyo ang protektahan niyo wag ako." sambit ko pa sa kaniya. Kita ko namang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko ngunit lumuwag naman ang paglakad nito sa pagitan namin. Habang naglalakad ay nakarinig kami ng announcement.
"Calling all student, please go in the battle field. I repeat, all student, go in the battle field." Tatlong beses na umulit ang sinasabi non. Tumingin naman kami kay prinsepe rafael.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...