25

86 4 0
                                    

Sunny's pov:

"Atching! Achu!" paulit ulit na bahing ko habang nakahiga. Napagdesisyonan ko na lamang na gumising na. Mukhang ako ang nahuling magising sa aming lahat.
Sa likod pala ng kwebang nagsisilbing bahay nila michael ay may kubo na pinagtutulugan nila. Doon narin sila kumakain.


"Oh gising ka na pala." sambit ni michael. Nagluluto ito ng makakain.


"Nasaan sila dio?" pagtatanong ko rito


"Naghanap ng maibabaong pagkain." natatawang sagot nito. Umupo lamang ako sa gilid at pinanood itong magluto ng almusal.


"Bakit namamalagi pa kayo sa kweba kung may kubo naman kayong matitirahan?" pagtatanong ko rito


"Ang sabi kasi ni tiya sa akin, nung nabubuhay pa raw si tiyo, doon ang paborito nilang puntahan. Kung kaya't lagi lagi siyang naroon. Sinasamahan ko na lang siya upang hindi siya malungkot. Magisa rin lang naman ako." pag kwe-kwento nito sa akin.


"Ang ibig mong sabihin wala na ang mga magulang mo?" tumango ito at umupo sa tabi ko.


"Wala na sila. Kung paano? Hindi ko rin alam. Tanging mensahe lang ang nagsabi sa akin na wala na ang mga magulang ko." malungkot na alintana nito


"Kinaya mo?" tumango itong muli habang nakatingin sa harapan


"Kinupkop ako ni tiya. Humingi sya ng pabor na kung aalagaan niya raw ako ay dapat kayanin kung mabuhay ng wala na ang mga magulang ko. Siyaka bata pa kasi ako ng mawala sila kaya hindi ko alam ang gagawin ko sa panahon na 'yon." punong puno ng emosyon ang bawat salitang sinasabi nito.


"Eh kung ikaw ang mawalan ng magulang? Anong gagawin mo?" tanong nito sa akin. Napahaplos ako sa kaliwang braso ko.


"Katulad mo, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko ang mommy este ang nanay at tatay ko. Isama na natin ang dalawa kong kapatid. " mahinang napahalighik ako.


"Nakikita ko nga."


"Ano bang ula--aching! aching!" tinakpan ko ang ilong ko gamit ang dalawang kamay ko.


"Ayos ka lang binibini?"


"Oo. Iinom lamang ako ng gamot." pagpapaalam ko rito at pumunta kung saan ko inilagay ang bag ko. Ayaw na ayaw ko ang magkasipon buti na lang talaga naglagay ng gamot si mommy dito sa bag. The best!


Magtatanghali na ngunit wala parin sina andres. Pinauna ko ng kumain ng almusal sina ginang esme at michael.

"Bakit tila antagal naman nila?" tanong ni michael ng matapos itong kumain.


"Sinabi ko naman kahapon na pagkatapos nating mananghalian ay aalis na tayo pero nasan na ang mga iyon." nagaalalang sambit ko


"Hindi kaya ay napano na ang mga iyon?" sambit naman ni ginang esme. Napatingin naman ako rito.


"Hindi niyo po ba kayang hulaan kung nasaan sila?" napatawa naman ito sa tanong ko.


"Nanghuhula lamang ako ng maaring may malaking epekto sa magiging kinabukasan ng isang tao iha ngunit hindi ko kayang manghula ng lukasyon." natatawa paring sambit nito.


"Ay pasensya na po hehe." nag peace sign na lamang ako rito at tumingin sa magubat na kagubatan.


"May sinabi ba sila kung saan sila pupunta?" pag tatanong ko kay michael.


Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon