5

141 6 0
                                    

Dio's pov;
Nakatingin lang ako sa dilaw nitong buhok. Sa bawat paglundag niya ay parang isinasayaw ito ng hangin.
Siya palang ang nagsabi sa akin na isa akong mapalad na tao. Siya rin ang bukod tanging gusto akong makasama. Lumingon ito sa akin at ngumiti ng malapad. Ang ngiting hindi magagawang mang-iwan ng kung sino. Ang ngiting nagsasabi sa'iyo na habang may buhay, may pag-asa.



Sunny's pov;
"Ina matilda. Nais ko pong magpasalamat sa pagpatuloy po ninyo sa akin dito. Hinding hindi ko po kayo malilimutan. " niyakap niya naman ako. Lumuhod ako ng magkapantay kami ni felix.


"Ate, dito ka nalang po" hagulgol na sabi nito sa akin. Pinapatahan naman ito ng kaniyang ina.


"Shh. Tahan na felix. Bibisitahin kita dito kaya wag ka ng malungkot."


"Talaga po? pangako 'yan ate ha" itinaas niya ang kamay niya na parang nanunumpa. Tawang tawa naman akong ginaya siya.


"Sigurado ka bang pupunta tayo sa filomeno?" Tanong ni Dio habang tinatahak namin ang daan. Tumango naman ako rito.


Ang sabi ni Ina matilda, bago makatapak sa lugar ng filomeno ay may madaraanang ilog. Isang maduming ilog.


"Eto na ba 'yon?" turo ko sa harap namin.  Tumango ito.


Sobrang labo, tubig pa ba 'to?


May napansin ako sa ilalim ng tubig. Hindi ko alam kung paano ko nakita sa kabila ng sobrang itim ng ilog na ito.


"Nakikita mo ba ang batong iyon?" Turo ko pa rito. Tinignan naman niya ito at kumunot ang noo.


"Wala naman binibining sunny ah."


Akmang hahawakan ko ang ilog ng pigilan ni Dio ang kamay ko.


"Binibini, madumi ang ilog na iyan."


"Alam ko." ngiting sabi ko rito. Mukhang hindi talaga siya papayag.


"Kumuha ka ng prutas na pwede nating makain. Magpapalipas tayo rito ng gabi" nagisip naman ito bigla.


"Kung ang pinaplano mo ay papalayuin ako mula rito ay hindi maari, binibini" ngumuso naman ako sa tinuran nito.


"Dio, nagugutom na ako." gulat pa itong nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.


Ang kulet


"Kung iyan ang nais mo binibini" ngiti nitong sabi. Madami pa siyang ipinagbabala sa akin bago umalis.


Tinignan ko naman ang batong nakita ko. Tinanggal ko ang jacket ko. Itinira ko lamang ang itim na sando pati narin ang may kaiklian kong pangibaba. Napahawak ako sa aking nga tattoo na kitang kita. Tumingin ako sa gilid kung may tao ba at huminga ng malalim bago sumulong sa ilog.


mas makulet ako



Nagulat ako na itim lamang ang tubig ng ilog na ito ngunit wala ni isang basura ang nasa ilalim nito. Kumikinang ang bato kung kaya't madali ko lamang makukuha ito. Akala ko ay mababaw lamang ang kinalalagyan nito ngunit may kalaliman pala. Buti na lamang dahil marunong akong hindi huminga ng mga minuto.


Bago ko nahawakan ang bato at nakita ko ang isang lalagyanan na may roong mga isda. Pinatitigan ko pa ito. Tinanggal ko ang takip nito at pinalaya ito. Bago makalayo ang mga ito ay nakita kong lumaki ito isa isa. Isinawalang bahala ko na lamang baka guni guni ko lang.


Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon