Sunny's pov;
Napamulat ako ng mata sa tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Nagunat muna ako at inayos ang hinigaan ko. Inayos ko ang sarili ko at napagpasyahang bumaba.
"Magandang umaga sainyo!" bati ko ng makita kong kumakain na pala sila.
"Magandang umaga rin." si andres ang bumati sa akin. Umupo ako katabi niya.
"Bakit naman hindi niyo ako ginising?" nakangusong sabi ko sa mga ito. Si Dio naman ay kain lang ng kain kung kaya puro 'hmm' lang ang naririnig ko samantalang parang donya namang nakaupo si prinsepe rafael.
"Baka raw kasi manapak ka kapag ginising ka." naka ngising sabi ni prinsepe rafael.
"Hmp!" napangangang napatingin sila sa akin ng biglang pagsabi ko non. Anong problema?
Kinalaunan ay nagsibalikan sila sa pagkain at nagpuntahan na sa kaniya kaniya nilang kwarto. Siyempre ako rin hehe. Naligo na ako at nagayos.
"Sunny, tara na." rinig kong boses ni dio sa labas. Wala akong balabal ngayon dahil mamaya ko na kukunin kila kyle. Nakita kong ako nalang pala ang inaantay nila. Nginitian ko ang mga ito at nagaya ng lumabas. Habang naglalakad ay hindi maiwasang may mapatingin at may maibulong sa amin.
"Ang ganda niya talaga ano?"
"Totoo. Ang tapang pa."
"Pare, binigyan ko yan ng letter. Hindi na ako torpe dre!"
Napakunot naman ang noo ko sa narinig at bumaling kay prince rafael.
"May locker ba kame rito?" tanong ko.
"Meron. Nakalimutan kong sabihin. Halikayo at ituturo ko sa inyo." tinahak namin kung saan nakalagay ang mga locker namin. Nakita naming parang puputok na ang apat na locker namin kabilang ang locker ni prince rafael.
"Bakit parang mas malaking pagkalobo ng lockir mo sunny?" tanong ni andres. Napatawa naman ako ng mahina
"Locker andres." pag tama ko rito. Tinuruan naman sila ni prinsepe rafael sa pagbukas. Nanlaki ang mga mata namin ng tumambad ang madaming mga papel sa bawat locker nila.
"Omg girl!"
"Baka mabasa na niya ang mga sulat natin!"
bulong ng mga manonood na hindi ko napansin kanina hehe.
"P-Paano ko babasahin ang mga ito?" may pagka hiyang sambit ni andres. Kumuha naman si prinsepe rafael ng lalagyan at kaniya kaniya silang lagay ng mga mensaheng ibinigay sa kanila. Tumingin naman ang mga ito sa akin.
"Bakit hindi mo pa binubuksan ang iyo?" tanong naman ni dio.
"Baka may ahas sa loob HAHAHA" Nakitawa rin ang iba sa sinabi ko. Nahirapan pa akong buksan ang locker ko dahil parang gusto ng kumawala ng kung anomang meron ang loob ng locker ko. Napaatras at nanlaki ang mata ko ng maglabasan ang mga letter at mga pagkain! Umabot ang mga ito hanggang bewang ko! Napakamot naman ako sa batok dahil sa hiya. Hinahawakan at Binasa ko ang ilang nandirito. Ang ibang nakasulat ay naiinggit at may galit sa akin pero mas lamang ang may gusto raw at humahanga raw sa akin.
"Shit! Binasa niya ang letter ko!"
"Pasapak ako pre ngayon na!"
"WAAAA! EMEGED EMEGED!" hiyaw ko ng may nakita akong marshmallows! Kinuha ko naman ito at may nakita akong sulat kung kanino galing.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...