Sunny's pov;
Nang makapunta na kame sa gitna ng tahimik at dikit dikit na bahayan ay umabante ang pinuno ng carfo papaharap. Nasa likod lang kami nito.
"Mga walang kwentang nilalang magsilabas kayo." matigas na tono ng pinuno. Napatikhim naman ako ng malakas.
"Ayusin mo ang mga isinasaad mo." seryosong sambit ko rito. Saan ba kayo nakakakita na manghihingi na nga lang ng tawad e manlalait pa?Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat nito na parang wala na itong matatakasan pa.
"Mga ginoo at binibini. Narito ako, ang pinuno ng mga carfo upang humingi ng paumanhin." luminga-linga ito sa paligid ngunit ni isang tao sa kani-kanilang bahay ay walang lumabas. Tila hindi naniniwala sa sinasambit ng pinunong ito.
"Alam kong hindi ko na mababawi ang mga naputol na kamay ng bawat tao sa bawat pamilya na narito ngunit andirito ako upang humingi ng kapatawaran." isang malakas na buntong-hininga muli ang inilabas nito.
"Alam kong sobra sobra ang pagkakasala ang nagawa ko sa inyong lahat. Naglahad ang bawat ikinikilos ko ng takot at pangamba sa inyong lahat na sa una'y hindi ko naman intensyon." unti-unti itong bumaba hanggang sa lumuhod na ito. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya.
Sa harap ng kaniyang mga kauri, lumuhod ang kinakatakutan nilang pinuno.
"N-Ngayon, alam kong ang mga nais niyo ay mamatay ako o hindi naman kaya'y magdusa. A-Andirito na ako, nasa harapan ninyo. Gawin niyo na ang gusto niyo." nanginginig na bigkas ng pinunong ito. Napatingin naman ako sa unang pintuang nagbukas ng pinto. Nakita ko roon ang tumulong sa amin kung pa-paano pumunta sa kuta ng mga carfo.
Ilang saglit pa ay may sumunod ring pamilya na lumabas sa kanila-kanilang tahanan. Kita ang pangamba,naguguluhan at kasiyahan sa bawat mukha ng mga taong nandirito habang nakatingin sa pinunong nakaluhod at nakikiusap.
"Batid ko ang sinseredad sa bawat salita mo ginoo." napatingin ako sa isang ginoo na naglakas loob na magsalita. Napababa ang tingin ko sa kamay nitong putol
"Sapat na sa aming pamilya na lumuhod ka at manghingi ng tawad sa lahat ng ginagawa mo." isang ginang ang nagsalita na may bitbit na batang babae sa kaniyang mga bisig.
"Kung papatayin namin ang mga kauri mo para mabuhay ka, gagawin mo ba?" buong tapang na sambit ng ginoong nasa pamilya ng tumulong sa amin.
"A-Ang aking m-mga kauri? H-Hindi k-ko hahaya--" napatigil ito sa salita ng sabay sabay na lumuhod ang mga carfong nasa likuran namin. Nakaluhod ang mga ito at ang dalawang kamay at nasa harapan na nakapatong sa kanilang mga hita.
"Para sa aming pinuno, ibubuhos ko ang aking buhay." sambit ng nasa kalayuang carfo na rinig parin hanggang sa kinatatayuan namin ang kaniyang boses.
"Para sa aming pinuno."
"Para sa pinuno."
Buong tapang na sambit ng mga ito.
"Gagawin nila ang isang hindi makapaniwalang desisyon para lamang sa kanilang pinuno." sambit ni kyle sa aking tabi.
"Hindi imposibleng gawin ko rin iyan para sa inyo." wala sasariling sambit ko habang nakatingin sa mga carfong nakaluhod. Naramdaman ko naman ang paninitig ng mga ito.
May isang taong naglakas loob na lumapit sa pinunong nakaluhod. Inilahad nito ang kanyang kamay. Umangat naman ang ulo ng pinuno.
"Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito, carfo." sambit ng taong naglahad ng kamay para sa pinuno. Ilang sandali pa ay iniabot na ng pinuno ng mga carfo ang kamay nito sa nakalahad na kamay para sa kaniya. Nagpalakpakan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasia[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...