Sunny's pov;
Nagmulat ako ng may nagyuyog-yug sa akin. Nakita ko ang hindi maipintang mukha ni andres. Umaga na pala at mataas na rin ng sikat ng araw. Mukhang napagod ako sa kwentuhan namin kahapon.
"Anong problema andres?" tanong ko rito. Maging si dio ay ginising na rin nito
"Nawawala si kyle."
"Sus si kyle lang pala.. ANO?!" napasigaw ito kung kaya't nagising ang mahimbing na natutulog pa na si owen. Nakarinig kame ng mga taong naguusap sa labas ng bahay na tinutuluyan namin.
"Anong nangyayare?"
Nasa labas ang mangilan-ngilan na tao at kinakausap ang ina ni owen.
"Isa-isa lamang ang magsasalita, pakiusap." paulit ulit na sambit ng ina ni owen na nahihirapan sa dami ng taong nagsasalita sa kaniyang harapan.
Lumabas na kame upang malaman ang nangyayare
"Mama ano po ang nangyayare?" tanong ni owen sa kaniyang ina.
"Hindi ko labis na maunawaan ngunit ang isa lamang na naintindihan ko ay nakilala nila ang kumuha sa isa sa mga kaibigan ng binibini." napatingin ang ina nito sa akin.
"Sabihin ninyo, sino ang kumuha sa kaibigan ko?" pasigaw na tanong ni dio na rinig ng lahat. Madilim ang mukha nito, maging si andres ay ganon rin.
Sabay sabay na nagsalita ang mga ito. Napakamot naman ako sa aking kilay.
"Itaas na lamang ang kamay sa gustong magsalita." seryosong sambit ni andres habang ako ay nakatingin lamang sa kanila.
Ngayon ko lamang silang nakitang madilim ang mukha na parang papatay ng kung sinong may hindi nagawang tama sa kanila.
Nagtaasan ang mga kamay nito. Itinuro ni andres ang isang binibini. Nakita ko pang saglit na natigilan ito na siya ang itinuto ni andres
"K-Kinuha siya ng mga carfo."
"Ano ang carfo?" tanong ko rito. Nanlaki ang mata nito at parang takot na hindi makatingin sa mga mata ko
"A-Ang carfo ang tawag sa mga taong walang pasabing kumukuha ng mga taong nais nilang makalaro. Kapag natalo ito ay hihiwain ang isa s-sa mga kamay ng n-batalo. Sinasabi ring nandaraya ang m-mga carfo kaya't hindi sila natatalo. "
"Laro? Anong laro?" si dio naman ngayon ang nagsalita. May nagtaas ng kamay. Itinuro naman ito ni andres
"Ang kanilang laro ay baraha." sambit ng ginoong itinuro ni andres.
"Saan sila matatagpuan?"
"Sa pangalawang lugar ng bayan na ito. Kung maglalakbay na kayo ngayon ay mararating niyo iyon mamayang hapon." ang lola ni owen ang sumagot sa tanong ko.
"Buti naman ay may gagawin na tayo." bulong ko sa katabi kong si dio.
."Tama magpasalamat tayo kay kyle mamaya." nabawasan ang pagkadilim na mukha nito.
"May saysay na ang pagpunta natin dito." mahinang sambit rin ni andres
Para kaming tangang nagpapasalamat pa dahil may kumuha sa aming kaibigan
Nagpasalamat kami sa mga ito at pumasok na sa loob ng tinutuluyan naming kubo. Nag-ayos na kame. Kinuha ko na ang bag ko.
"Mag-iingat ka binibini." sambit ng ina ni owen. Tumango ako. Yumuko ako rito bilang paggalang na pamamaalam.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...