Third person pov;
"WOOOH!" sigawan ng kuponan nina sunny.
Lumulundag-lundag ang binibini kasama nina dio. Pumunta naman amg mga ito sa kanilang tagaturong si roberto at hinahagis hagis sa hangin ang kanilang taga-turo. Sumali narin ang iba nilang kagrupo.
"Ano ba naman kayong mga bata kayo ibaba niyo nga ako!" natatawang sambit ng kanilang tagaturo. Maya-maya ay ibinaba din nila ito.
"Maraming salamat sainyo binibini."
"Maangas ang pagsipang iyon!"
"Hindi kame mananalo kung wala kayo!"
Papuri ng mga kasamahan nina sunny sa kanila. Nakangiti ang mga ito na parang hindi napagod sa ginawa nilang laro.
"Roberto." seryosong sambit ng ginoong si eric na nagalakad palapit sa kuponan.
"Eric." nakangiting sambit naman ni ginoong roberto. Nag-abot ng supot si ginoong eric na may lamang sampong ginto. Kinuha naman ito ni ginoong roberto
"Sa susunod ko nalang ibibigay ang kulang." tila nahihiyang sambit ni ginoong eric na hindi makatingin sa mata ni ginoong roberto
"Hindi na." naguluhan ang mga ito sa naging sagot ni roberto. Kinuha nito ang limang ginto at inilagay sa nakabukas na palad ni ginoong eric. Naguluhan ito sa ikinilos ni ginoong roberto.
"Bakit mo ibinigay sa akin ang kalahati?" naguguluhang sambit ni ginoong eric
"Dahil may utang ako sa iyo. Gusto ko ring ipaalam sayo na kahit keylan hindi kita itinuring na kalaban." nakangiting sambit ni ginoong roberto. Napangiti si ginoong eric at niyakap ang kaniyang kaibigan.
"Wieee bati na silaaa!" magiliw at pumapalakpak pa na sambit ni sunny. Napatawa naman ang mga kasamahan niya.
"Uwi na tayo?" bulong ni andres sa kaniyang mga kasamahan. Tumango naman ang mga ito.
"Sandali." sambit ni ginoong roberto
"Bakit tagaturo?" si dio ang nagtanong
"Gusto niyo bang sumali sa grupo namin?" nakangiting sambit ni ginoong roberto. Nagkatinginan ang apat na magkakaibigan.
"Sa susunod na lamang po."-andres
"May mas nakakaabang pa kameng gagawin hihi." sambit ng binibining si sunny.
Tumalikod na ang mga ito at nagsimula ng maglakad.
"Simula kaninang umpisa ng laro may nararamdaman akong kakaiba sa apat na magkakaibigan na iyon." sambit ni ginoong eric. Tumango naman ang ilan.
"Malakas at hindi nagpapatalo." sambit naman ni ginoong roberto.
"Lalo na sa binibining iyon." naalala ng ginoo ang pagtaas ng binibini sa kaniya ng kilay. Ang maitim nitong mata ay hinding hindi niya malilimutan.
-----------
Dio's pov;
"Ang gagaling niyo naman pala e!" papuri sa amin ni binibining sunny. Naglalakad kami ngayon papunta sa tahanan ni ginoong romi."Nahiya naman kame sa pagsipa mo mula sa ere." sambit ko. Nakangiwing napatingin naman ito sa akin
"Hmp!" saglit akong natawa sa tinuran nito.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...