26

95 4 0
                                    

Ngayong araw na ang pagpunta namin sa bayan ng sterlina, ang may pinakamakapangyarihang bayan sa lugar na ito. Sa mga kwento palang ng mga kasamahan ko ay alam ko ng napakagandang lugar nga ito. Hindi ko maipagkakailang gusto ko ng makita ang lugar na iyon.

Lumabas ako ng makita ko si dio na malalim ang iniisip. Tinapik ko ito. Napahawak naman siya ng dibdib ng tumingin ito sa akin.

"Nakakagulat ka naman binibini!" singhal nito sa akin.

"Ano ba kasing iniisip mo?" tumabi sa amin sina michael.

"Ikaw." kinunutan ko ito ng noo.

"Ha?"

"Ang ibig kung sabihin, kompleto na kami di'ba? Iyon ang sinabi mong misyon sa akin noong una tayong nagkita. Ano na ang balak mo?" natigilan ako sa tanong nito at tumingin sa mga kaibigan kong nakatitig sa akin na hinihintay ang sagot ko.

"Kung anong gusto niyo. Ngayon kasing nakumpleto ko na kayo ay ang gusto ko na lamang hilingin ay makita pa ang isang natitirang bayan dito sa bansa niyo. Wala rin akong planong pilitin kayo sa ayaw niyo." napatingin nalamang ako sa kanila ng tumahimik ito at tila nagiisip.

Noong una ay ang gusto ko lamang talaga ay makita o makilala sila. Wala na akong plano pagkatapos 'non. Ngunit ayoko rin namang ibalewala lang ang mga kakayahan nila, lalo pa't mababait ang mga kaibigan ko.

"Kamahalan! K-Kamahalan!" napatingin naman ako sa kawal na takot na takot. Mabilis na napunta ang mga hari't reyna sa kaharapan nito.

"Anong problema?" tanong ng hari. Lumapit naman ako upang malinaw na marinig ang pinaguusapan nila. Naramdaman kung nakasunod sa akin ang mga kaibigan ko. May ibinigay na papel ang kawal sa hari. Kumunot ang noo nito at binasa.

"Hindi ito para sa akin."

"Para kanino, hari?" tanong ko rito. Tumingin naman ito sa akin at inilahad ang sulat.

"Para sa'yo." seryosong sambit nito. Agad kong kinuha ang sulat.

"Natagumpayan mong makuha ang dapat ay nasa kamay ko. Kinuha mo ang limang mga taong tutulong sa akin para harian ang bansang ito. Humanda ka, binibining araw. Magpakasaya ka na sa sandali ng iyong buhay dahil maaring bukas ay iniiyakan ka na." walang emosyon kong basa sa sulat. Death threat. Naging tahimik ang atmospera ng matapos kung basahin ito.

"Mula kanino ang sulat na iyan binibini?" tanong sa akin ni dio.

"Mula sa maghahari." muli kaming binalot ng katahimikan.

"A-Ate, natatakot po ako." sambit ni prinsesa verity at yumakap ng mahigpit kay prinsesa veronica.

"I-Isa lamang ang kilala kung gustong maghari-harian sa bansa maging sa mundo. Ngunit ang isinambit ay ang limang makapangyarihan, ang ibig bang sabihin ay..." nanlalaking mga matang napatingin ang hari sa mga kasama ko at tumigil ang mata sa akin. Isang tanggo ang ibinigay ko sa nangwengwestyong mata nito.

"Sila nga. Ang may malakas na kamay, nakakapagpalutang, naglalabas ng karayom, kapag tumitig ay magiging bato at nakakagawa ng proteksyon para sa atake." mukhang maging ang mga kamahalan ay nagulat narin.

"Nanganganib nga ang buhay mo, binibini."

"Sandali, kilala niyo ba kung sino 'yon?"

"Sumunod kayo sa akin." naguguluhan man ay sumunod kame sa hari. Hanggang sa makarating kami sa isang kwartong punong puno ng libro, sana all. May kinuha itong gintong libro na hindi manlang kumalawang ngunit may ilang mga dumi. Umupo ito at kumuha ng salamin.

Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon