Sunny's pov;
"Bakit parang antamlay ng mga estudyante?" tanong ko kay prince rafael. Kumunot naman ang noo niya.
"I don't know." maikling sagot niya.
Naglalakad kasi kame sa hallway ngayon. Parang naglalakad na mga zombies yung mga estudyante, walang ka gana gana teh. Hindi naman mainit. May mga pagkain din namang sineserve. Hmm..
"Anong ngisi 'yan sunny?" biglang sabi ni dio. Ngumiti naman ako ng malawak yung labas ngipin dahil sa naisip.
"Dyan lang kayo ha?" sabi ko at iniwan sila. Pumunta naman ako sa room ni headmaster. Nagulat pa ito ng biglang pagpasok ko.
"Haring peter, maari po ba akong magpatugtog?" biglang sabi ko. Tumango ito ng mabilis.
"Oo naman. Dyan iha pwede kang pumili ng kanta." napa 'yes' naman ako.
Pumili ako ng kanta at pinatugtog ang 'eyy macarena'
LET'S START THE PARTY! HEHEHE
Third person's pov;
Kumunot ang noo ni haring peter sa pinatugtog ng dalaga. Maging ang mga estudyanteng walang kagana-gana
"EY MACARIA MACARIA MACARENA~" sumayaw si sunny at gumiling. Pinatayo naman niya si haring peter na tawa ng tawa sa sinasayaw nito at tinuruan. Bigla namang pumasok sa kwarto sina dio na napanganga ng makitang nagsasayawan ang dalawa.
"P-Pa anong.." nahihiya si prinsepe rafael para sa kaniyang ama. Hinila naman ni sunny ang tatlong kaibigan at pinilit sumayaw
"ANG LAMBOT NG KATAWAN MO DIO! HAHAHAHA!" natatawang sabi ni sunny at lumabas habang nag 'ey macarena dance' napapatingin naman sa kanila ang mga estudyante sa hallway. Huminto sa paglalakad si sunny at sumayaw. May hinila naman itong babaeng estudyante.
"EYY~ HAHAHA!"
Sumabay narin ang iba. Ang kaninang walang ganang mga tao ay nagkaroon bigla ng saya. Puno ng tawanan ang hallway.
Nawala bigla sa isipan nina dio ang gaganaping duelo sa ibang sekyon. Nakita naman ni sunny si cindy na nakangangang tumingin sa mga estudyante. Tinuruan niya ito at sumayaw naman din ito.
"HAHAHAHAH!" tawanan nila dio.
Tumingin si sunny sa likod nya. Nakita niyang sumusunod pala sa kaniya ang mga estudyante habang nasayaw. Maging ang ibang mga guro ay nakisayaw narin.
Nakita naman ni dio ang mga prinsepe. Hinila niya ito at tinuruan ng sayaw.
Hawak sa bandang kanang bewang sa kaliwang bewang at giling!
"Prinsesa vien.." sambit ni prinsepe francis sa harap niyang prinsesa. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa dalaga.
"Marunong ka bang sumayaw, prinsesa vien?" nakangiting paganyaya ni sunny sa prinsesa. Huminto naman ang iba sa pagsayaw at inaabangan ang isasagot ng prinsesa. Alam nilang suplada ang prinsesa kung kaya't baka hindi ito sumayaw.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...