'The plan'
Nagsasanay ako sa ilalim ng puno ng may maramdaman akong taong papalapit sa akin. Huminto ako sa ginagawa ko at tumayo ng tuwid. Papalapit ng papalapit ang naririnig kung mga hakbang hanggang sa huminto na ito. Agad akong Lumingon ngunit wala namang tao. Sa pagbalik ng tingin ko sa harapan ay doon ko nakita si kuya rain at kuya cloud na nakalambitin sa sangga. Kumaway ang mga ito sa akin.
"My sister! How are you?" agarang tanong sa akin ni kuya cloud pagkababa nila ng puno. Tumingala naman ako para makita ito. Tumanggad sila hindi gaya ng inaasahan ko.
"As if naman hindi niyo alam ang mga nangyayare sa akin diba?" Kuya cloud just rolled his eyes while kuya rain laughed. Napatingin naman ako sa paligid.
"Hello there, our fellow combatant." napatawa ako ng mahina sa tawag ko sa mga ito. Wala pang isang segundo ay nagsilabasan ang mga ito at nakayuko.
"It's nice to see you again, young deity." sabay sabay na sambit nito. Tumango lamang ako sa kanila at ibinalik ang tingin sa mga kuya ko. Asan sila mommy?
"Paparating na sila." tila nabasa ni kuya rain ang iniisip ko.
Nagkwento ang mga ito kung papaano sila nakapasok at ano ang mga nangyare sa kanila. Sinabi rin nito na limang buwan na pala simula noong nakaalis ako sa pilipinas na ikinagulat ko. Ikinwento ko rin ang mga pangalan ng mga kaibigan ko at inilarawan ang mga kakayahan ng mga ito.
"You grew up, sweety." tumingin ako sa kadarating lang na magulang ako. As usual, hawak hawak parin ni daddy ang pagmamay-ari niya, si mommy. Agaran kung niyakap ang mga ito.
"Bakit wala kaming yakap kanina? Unfair princess." nalulungkot na tono ni kuya rain. Bago ko pa man ito hinila ay sumali na sila sa group hug namin.
"Wala ka manlang bang ipapakilala sa amin?" may tonong panunukso ni kuya rain habang nakangisi. Napanguso naman ako at pinaglalaruan ang daliri ko.
"Hug back while watching the moon. How romantic." mas lalo akong napanguso ng si daddy na ang nanukso sa akin.
"Let's go inside. Bago niyo pa ako dumugin ng mga panunukso ninyo." nahihiyang ani ko. Tinap lang ni mommy ang ulo ko.
Habang naglalakad ay maingay na namamangha ang kuya rain ko. Sinabi niya kay daddy na bumili rin ng fountain para i-decorate sa bahay.
"Binibini!" mabilis na lumapit sa akin sina dio at takang tumingin sa likod ko. Mabilis nila akong hinigit at inilagay sa likod nila
"Sino kayo?" mahinahong ani ni david. Napatawa ako ng kaunti
"Huminahon kayo. Pamilya ko sila." Nanlalaking tumigin ang mga mata nila sa akin bago muling ibinalik sa mga magulang ko na pinapanood lamang kami. Umalis ako sa likod ng mga ito at ipinakilala isa-isa ang mga magulang ko.
Tuwang tuwa sina mommy sa mga ito. Nagtatawanan agad ang mga ito na parang close agad sila.
"Anong nangyayare rito?" ani ni augustus kasama ng mga hari't reyna. Kumunot naman ang noo ng hari. Mabilis na lumapit sa akin si augustus at pinoteksyunan ako. Napakagat ako ng labi sa ginawa nito. Napa 'hmm' naman ang daddy ko na ikinanguso ko.
"Ah augustus.." hinawakan ko ang braso nito. Daglian tumingin ang seryoso nitong mga mata sa akin.
"Bakit mahal ko?" kagat labing napangiti ako sa ginawa nito. Si mommy naman ay parang uod kung gumalaw.
"Sila ang pamilya ko." malaking mata at dahan dahan itong lumingon sa pamilya ko. Nakita ko pa ang ilang paglunok ng laway nito. Pinipigilan kung tumawa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...