Sunny's pov;
"Naglagay na ako ng mga paniguradong kakailanganin mo. Ikamusta mo nalang ako kay tandang pedro." Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi ni mommy. Sino si tandang pedro?
"I thought umalis napo kayo agad?"
"Bago ako umalis, naincounter ko muna si tanda."
Bumaba na kami at nakita kung nakacross ang mga braso ng mga kuya ko.
"Psh" singal ni kuya rain.
"Bakit kasi ayaw pa akong ipasama e" nayayamot na sabi ni kuya cloud sa akin at inirapan pa ako. OMG
"Boys." may warning tone na sambit ni dad.
Niyakap ko naman ang mga ito at hinalikan sa kanilang mga pisngi. Rinig ko pa ang mumunting bulungan ng mahal kong mga kuya. Nakasimangot parin ang mga ito.
"HAHAHAHAHA" Tawa ko ng batukan ni mommy ang mga ito.
"Okay fine. Be safe okay? Magpadala ka lang ng message kung kakailanganin mo na kami ha?" sabi ni kuya cloud. Tango naman ang binigay ko.
"Umalis ka ng buo, babalik ka ng buo. Got it?" Mabilis na tango ang ibinigay ko kay kuya rain. Napakaprotective as ever.
"Bye byeee po! magcocommute ako papuntang company hehe" Aangal sana sina kuya ng bigyan sila ng matalim na tingin ni mommy. Kumaway naman ako at binuksan na ang pintuan. Pang-limang beses ko ng magcommute. Hindi naman porke may kaya kami ay araw araw na kaming sasakay sa mga kotse namin. Oo, NAMIN.
Habang naglalakad may nakita akong manong na pasekretong dinudukot ang wallet ng matandang babae. Naglakad naman ako sa gilid ng magnanakaw at hinampas ang batok nito. Bumagsak ang katawan. Kinuha ko ang wallet sa kamay ng magnanakaw at ibinalik sa tulalang matandang babae. Ngumiti ako dito
"Ah lola ninakaw niya po kasi wallet niyo e kaya pinatulog ko po hehe" napakamot ako sa batok ng hindi manlang ito nagsalita at tulalang nakatingin sa akin.
"Lola?" tanong kung muli.
"A-Ah salamat. Pasensya na. Napakaganda mo lang kasi" Papuri sa akin ni lola. May ibinigay pa ito sa akin. Nagpaalam na ako at sinabing magiingat siya. Sumakay na ako sa jeep. Sa katabi ng driver ako pumwesto. Makikichika muna ako hehehe.
"Manong bayad po oh." abot ko na bayad kay manong driver. Natulala ito sa akin. Napakamot naman ako sa batok. Buti na lang talaga ay medyo traffic baka madisgrasya pa kame.
"A-Anghel.." bulalas nito. Kinalaunan ay bumalik na sa wisyo at kinuha ang bayad ko. Tinulungan ko naman si manong na magbigay ng sukli sa mga pasahero. Sabi niya ay wag na daw pero nagpumilit ako. Hehe.
"Salamat po manong! Sa uulitin po! hehe" paalam ko dito ng bumaba na ako. Ngumiti ito sa akin.
Pumasok na ako sa loob ng building. Adelson company. Ang mga magulang ko ang nagmamayari nito maging ang street na pinagbabaan ko kanina. Kung paano? they have their own ways.
"Magandang umaga, Maam sunny"
"Napakaganda talaga ng anak nila Madam ano?"
"Kung hindi sana ako matanda ngayon at maputi ang buhok, liligawan ko na iyang si maam."
Ang ngiti ko ay napangiwi dahil sa huling narinig ko. Nagelevator na ako at ng makarating ako ay saktong pagbaba ng chopper.
"Good morning maam" sabi ni kuya rox, ang pilotong mahigit limang taon ng nagtratrabaho sa amin.
"Good morning din po."
Lumipad na ang sinasakyan namin. Ang sabi sa akin ni kuya rox ay may kalayuan raw ito sa pilipinas ngunit ang lugar na'yon ay mas malaki pa raw sa pilipinas. Mas lalo naman akong ginaganahan.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...