Sunny's pov;
Naglalakad kame ngayon kung saan mapapadpad ang mga paa namin. Parang gubat ang dinadaanan namin.
"AAAA!" rinig kong sigaw. Tumakbong pumunta ako sa lugar na iyon at nakita ko ang nakalambitin na si david. Wala ang salamin nito.
"Kumapit ka." nakatingin lamang ako sa mga kamay nito. Nang maabot ko ang mga kamay nito ay dali dali ko itong binuhat paitaas.
"Anong nangyare?" sambit ni dio ng makapunta sila sa lugar namin. May kinuha ako sa bag ko. Pang summer eyeglass ko.
"Eto oh, gamitin mo." nakangiting sambit ko rito at inilahad ang salamin ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtigil nito at dahan dahang kinuha ang nasa kamay ko.
"Mukhang bangin ang muntik ng sumalo sa iyo." sambit ni kyle ng tignan niya ang muntik ng pagbagsakan ni david.
"P-Pasensya na. H-Hindi ako nagingat." tinanguan lang namin ito
"Halina kayo."
Habang naglalakad kame sa pupuntahan namin ng maalala ko ang sinabi sa amin ni romi bago umalis
"Sigurado ba kayong sa pangatlong lugar kayo ng oson pupunta?" tanong nito sa amin. Tumango naman ako
"Baka roon ay mahanap namin ang isa panghinahanap namin." napatingin naman ako kay david.
"Basta's tandaan ninyo, kung mandaraya ang mga katulad kong carfo rito ay mas matinik pa ang mga carfong nasa pangatlong lugar." sambit nito sa amin.
"Tatandaan namin iyon." sambit naman ni dio rito
"Nalaman ko rin na pinaghahanap na kayo ng pinuno namin. Dagdagan ninyo ang pag-iingat. " pag papaalala nito sa amin.
Napabalik ako sa wisyo ng may marinig akong mga kaluskos. Sinenyasan ko ang mga kasama ko na wag gumawa ng kahit na anong ingay.
"Baka naman ay hindi babae ang nakatalo kay romi?" rinig kong tinig ng isang carfo. May kasama pa ito.
"Maging ako rin ay hindi makapaniwala." sambit namn ng isa pa.
Nanlaki ang mata ko ng makatapak ako ng kahoy at biglang nabali. Napatingin sa direksyon namin ang mga carfo. Ibinaba ko ng kaunti ang ulo ko upang hindi mapansin.
"May tao ba riyan?" naghakbang ang mga ito papunta sa amin. Dahan dahan ang bawat paghakbang ng mga ito.
"Sinong tao diyan?" tanong ng isa pang carfo. Palapit sila ng papalapit.
"Meow~" isang pusa ang biglang sumulpot sa gilid ko. Kinuha ko naman ito at hinimas ang makapal na balahibo nito. Kulay puti ito na may bughaw na mga mata.
"Meow~" muling atungal ng pusa
"Pusa lang pala mga kasama." hindi na lumapit ang mga carfo at mabilis na nawala sa aming paningin. Lumabas naman na kame sa pinagtataguan namin.
"M-Muntik na tayo roon." sambit ni david at pinunasan ang noo nitong pawisan. Napatingin naman ako sa pusa ng hawak hawakan nito ang dulo ng buhok ko.
"Maraming salamat." sambit ko habang nakatingin sa pusa.
"Meow~" muli nitong pinaglaruan ang buhok ko
"Mukhang gusto ka niya." sambit ni andres habang nakatingin sa pusang hawak ko.
"Gusto ko rin siya. Ngunit hindi ko siya pagmamay-ari." nakangiting sambit ko. Napansin ko ang onting panginginig ng pusang hawak ko. Tinanggal ko ang balabal na nakasabit sa aking leeg at inilagay sa katawan ng pusa na parang damit ngunit nakikita lamang ang mukha,kamay at paa maging ang buntot nito.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...