Sunny's pov;
Sunod na ituturo sa amin ay physical combat. Kaya daw pinahuli itong subject ay hindi alam kung hanggang anong oras ang tapos. Nakabase daw ito sa magtuturo. Naglalakad na kame papuntang battle field. Inayos ko naman ang balabal ko dahil malalaglag na.
"Bakit wala sila vien sa room nila?" biglang tanong ni prinsepe francis.
"Uyy~ sino yun ha~" panunukso ko rito na kinantyawan naman din nila. Ginulo naman nito ang buhok ko at umiling.
"Prinsesa iyon. Sa 1-Teo sila nagk-klase kasama ang ibang prinsepe't prinsesa ng dalawang bayan. Syaka ikaw palang ang napupusuan ko." sabi nito sa akin.
"Ha?" hindi ko kase maintindihan ang bandang huling sinabi niya. Umiling naman ito.
"Baka nasa misyon nanaman. Wala namang bago ron." bored na sabi ni prinsepe gim.
"Hindi ba dapat magkaiba ng ituturo ang iba sa mga prinsepeng tulad po ninyo?" magalang na sabi ko at diniinan pa ang salitang 'po' . Nakita ko namang sumimangot ang mga ito sa sinabi ko. Tumawa naman sila andres.
"Drop that fucking 'po'-prinsepe yelo i mean prinsepe rafael
"Yah." sabay sagot naman ng mga prinsepe.
"Okay po." mas nilakasan kong sabi. Napatawa naman ako. Nakatingin parin sa amin ang mga mangingilan ngilan. Kung nakakamatay ang titig siguradong lasog lasog na ako.
"Teka nga, kanina ko pa napapansin ha. Mga prinsepe kayo tapos kame mamamayan lang bakit kayo sama ng sama samin aber?" nakapamewng kong sabi.
"Trip lang namin." sagot naman ni prinsepe rim.
Nakapunta na kami sa field at masasabi kong sobrang lawak nito. Lalaki na may katandaan ang aming guro. Naglapag ito ng bolang may mga papel.
"So ngayon, magkakaroon tayo ng pangkatang pagsasanay. Andirito sa bolang ito ang magiging kapangkat niyo. May dalawang araw kayo upang magsanay, sa miyerkules (thursday) ay pipili ako ng sampong representado para sa duel sa friday. Ang mga tatawagin ko lang ang siyang bubunot ng mga pangalan at magiging leader rin sa kanilang pangkat. Isinama ko narin rito ang mga bago niyong kaklase." mahabang paliwang nito.
"Hanggang lima lamang ang bawat team. Nagkakaintindihan ba tayo?" tumango naman kami sa tanong nito.
"Alia,Prince rafael, cindy, Prince gim, at Prince rim. Kayo ang bubunot sa magiging kagrupo ninyo. " Nagsitayuan naman sila. Yung cindy ang babaeng nageskandalo sa canteen kanina. Kaklase pala namin 'to? Si alia naman ay may pagka shy type ng dating. Naunang bumunot ng apat si alia. Sumunod si cindy, prince gim, prince rim at ang panghuling bumunot ay si prince rafael. Sabay sabay nilang binuksan ang bawat papel. Napatilig naman si cindy. Bagsak naman ang balikat ni alia. Wala akong nakikitang emosyon sa mga prinsepe.
"Dre, wendy, carl, at kim." sambit ni cindy sa nabunot niya.
Nakita ko rin na yung kim at wendy ay yung dalawa pala niyang alipores. Friendship is real.
"Pip, sam, ysa, at shery." sambit naman ni alia.
"Swerte naman niya nakuha niya si pip"
"Oo nga."
Napatingin naman ako sa pinaguusapan nilang pip. Malaki ang pangangatawan nito ngunit may kaliitan.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasía[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...