23

86 3 0
                                    

Third person pov;

Kumatok ang carfong hawak ni binibining sunny. Nakatago naman ang mga kaibigan nito sa gilid ng pintuan. Nang bumukas ang pinto siyaka palang maririnig ang sigawan at halakhakan ng mga carfo sa loob.


"Baki---" hindi na natuloy ang sasabihin ng carfo ng mabilis na hinampas ng binibini ang batok nito ng walang ginagawang tunog.


"Tapos na ang agenda mo sa amin. Manahimik ka nalang para mabuhay ka." may bahid ng pagbabantang sambit ng binibini at iniwan ang tulalang carfo


'nakakatakot na babae' isip-isip ng carfo at hinawakan ang leeg nitong may maliit na sugat kung saan mismo tinutukan ni sunny ng patalim


Abala naman sa pakikipaglaro ang isang carfo habang ang kanilang pinuno ay prenteng nakaupo sa kaniyang trono at pinapanood lamang ang mga ito.


"Hindi niyo parin nakikita?" tanong ng kanilang pinuno sa isa niyang taga sunod na may baritong boses na animo'y isang bato.


"H-Hindi pa po, pinuno." hindi makatingin sa matang sambit ng alalay nito.


Kaliwa't kanan ang sigawan ng mga carfo sa loob ng palaruan ng kanilang pinuno.


Tinanggal naman ni david ang balabal na nakabalot sa pusa dahil tila naiinitan na ito. Paikot na itinali niya ang balabal sa kaniyang braso.


"Meow~" isang malakas na pagungol ng isang hayop ang narinig sa loob. Napatingin ang lahat ng mga taong naroon. Nakita nila ang limang bulto ng taong naglalakad. Ang nasa gitna ay isang babae na walang iba kundi ang hinahanap ng kanilang pinuno, si binibining sunny.


"Meow~" ngayon ay mas narinig na nila ang atungal ng hawak hawak na alaga ng isang kasamahan nilang lalaki dahil sa biglang pananahimik ng mga carfo na nasa loob. Maging ang mga naglalaro ng baraha ay napatigil rin.


"P-Pinuno.." gulat na sambit ng taga sunod nito. Binalingan naman ito ng pansin ng kanilang pinuno.


"A-Ang babaeng may dilaw na buhok.. siya iyon.."


Nang makalapit na ng tuluyan sa loob ang mga ito ay ang buhok ng binibining ay pawang isinasayaw ng hangin at ang pagbibigay nito ng isang matamis na ngiti sa lahat ang siyang nakapagpatulala sa kanila. Tumingin naman ang binibini sa pinuno ng mga ito. Napatayo ang pinuno ng walang takot itong kumaway sa kaniya. Tahimik ang mga tao sa loob na tila may dumaang anghel. Nang makabawi sa pagiisip ang pinuno ay nagsalita ito.


"Tignan mo nga naman. Ang siyang pinaghahanap ko ay siya rin palang lumalapit sa lugar ko." isang matigas na boses ng narinig ng mga ito na tila nasasabik sa pangyayari.


"Buti naman nagsalita ka na. Akala ko kase pipe ka hehehe." mahinahong sambit ng binibini. Nakunot naman ang noo ng pinuno. Habang seryoso lamang ang mga kasama ng binibining nakapagdagdag ng tensyon sa loob.


"Bakit nga ba kayo naparito?" wala sa sariling tanong ng pinuno nang nakatingin ito sa dilaw na buhok ng binibini.


"Ikaw ang naghahanap sa amin at ngayong andito na kame tatanungin mo kami kung bakit kame andirito?" sa pandinig ng mga carfo ay parang sinasabi ng binibini na walang kwenta ang pinuno nila. Nandilim ang paningin ng pinuno at dahan dahang pumunta sa gitna kung nasaan may naglalaro.


"Nalaman kong maswerte ang mga kamay mo pagdating sa baraha." pinaalis ng pinuno ang dalawang nakaupo sa silya na kanina ay naglalaro. Dali dali naman itong nagsialisan sa kanilang upuan.

Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon