4

156 4 3
                                    

Sunny's pov;

"Ang sarap ng isda!" Tuwang sabi ni felix. Niluto kasi ni Ina matilda ang binili namin. Ang ilan dito ay tinakpan niya para hindi langawin.

"Nagustuhan mo ba iho?" tanong ni Ina matilda kay Dio. Tumango naman ito at ngumiti.

"Anong bayan po pala ito?" takang tanong ko kay Ina matilda.

"Bakit hindi mo alam dito? Ngayon lang rin kita nakita sa bayan na ito. Taga saan ka iha?"

"Hindi ko po alam. Naaksidente po kasi ako at pangalan ko lang ang alam ko opo yun nga hehe" waaah! mommy nagsinungaling ako sorry po. Tumango naman siya.

"Ang bayan na ito ay tinatawag na concolasion. Ito ay isa sa limang bayan na pinakamahirap dahil dito pinatira ang mga alipin o walang kaya sa buhay." Limang bayan? not bad.

"Ano pong sunod ng bayang ito?"

Tumingin sa akin si Dio at siya ang sumagot.

"Ang sunod ay ang bayan ng filomeno. Ito ang pinakamagulong bayan sa lahat. Ikaw ang tumuklas kung bakit" kinindatan niya naman ako.

"Wieee!" naexcite na sabi ko. Napatawa naman si Dio sa akin.

May narinig kaming mga kabayo sa labas ng bahay ni Ina matilda. Nagkatinginan kami.

"Ako na po ang kakausap" prisinta ko. Tumayo na ako at isinukbit ang puting balabal. Nakita ko ang higit sa pitong kabayo na may sakay tig-iisang kawal. Pinigilan ko naman ang pagtaas ng kilay ko.

"Marahil ay ikaw ang tinatawag nilang sunny." Sambit ng heneral ata ito.

"Ako nga. Mawalang galang na pero sino ka?" mahinahon kong sabi at tumitig dito. Kita ko naman itong nangunot ang noo't lumunok.

"Ako si Heneral re. Ibinalita sa amin ang sinabi mo sa isang kawal. Gusto kang makita ng hari maging ang mga prinsepe" Tumaas naman ang kilay ko.

hari lang ang binigyan ko ng mensahe pero bakit kasama ang mga prinsepe?

"Sige." Nagulat ang mga ito dahil siguro hindi ako nagpumiglas.

"S-Sunny.. sasama ako" hinawakan ni Dio ang braso ko. Tumango ako rito.

"Kasama siya, maari ba?"

"Ngunit ikaw lang ang pinapatawag ng hari, binibining sunny."

"Kung hindi siya sasama. Umalis na kayo" pagmamatigas ko

kita ko namang hinawakan ng ilang kawal sila Ina matilda. Nagtiimbagang ako ng makitang mahigpit ang hawak ng isang kawal kay felix na umiiyak. Bumuntong hininga ako.

"Bitawan mo yang mapayat mong kamay sa braso ni felix kung gusto mo pang makahawak ng espada." walang emosyon kung sabi sa kawal. Napaatras naman ito maging ang may hawak kay Ina matilda.

"Sasama ako at sasama rin si Dio. Kung ayaw ninyo, maari na tayong magpatayan dito mismo." pananakot ko. Wala ng nagawa si Heneral re. Hinawakan ko ang kamay ni Dio. Naramdaman kong natigilan ito kaya't hinatak ko na lang.

Kita ko ang pag-alala ng mga tao kanina sa pamilihan. Tinanguan ko nalamang ang mga ito para malaman nilang ayos lang.

Huminto kami sa may tatlong palapag  na kastilyo. Binuksan nito ang malaking pintuan. Maraming mga paintings sa gilid ng dinaraanan namin. Isa sa mga prinsepe siguro ang may gawa.

Huminto kami. Nagbigay galang ang mga ito. Maging si Dio kaya'y yumuko rin ako.

"Mahal na hari narito na po si binibining sunny" sabi ni heneral re.

Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon