Third person pov;
Pumwesto na sina sunny at nagumpisang maglagay ng panananim. Bagama't ngayon lamang ito nagsaka ay agad niyang natutunan kung papaano ang mag-tanim.
Lumipas ang ilang oras ay nakaramdam si sunny na ang ginoong nasa gilid niya ay pagod na.
"Ayos lang po kayo?" tanong ng binibini.
"Oo ayos lang. Mabilis lang akong mapagod dahil may katandaan na ako." may halong tawang sambit ng ginoo.
"Sino ang kasama mo, mario?" tanong ng isang lalaking mukhang magsasaka rin. Hindi makasagot si mario dahil nagsisimula nanaman siyang magkatangkraso. Inabutan siya ng tubig ng kaniyang anak na nag-aalala
"Ako po si sunny!" ang dalaga na lamang ang nagpakilala sa kaniyang sarili ng hindi lumilingon sa ginoo. Walang pasabing binuhat nito ang ginoong nagngangalang mario at inilapag kung nasaan ang anak nito.
"N-Nagtatanim ka?" gulat na sambit ng may katandaang ginoo. Nakita niya ang katapangang pagharap sa mga pinuno ng mababangis na hayop kung kaya't mas nagulat siya na ang kaninang ang inosente nitong mukha ay marunong magtanim. Tumango si sunny na may ngiti sa labi.
"Ako na lamang po ang magpapatuloy nito. Magpahinga lang po kayo riyan." hindi na nakatanggi si mario ng maglakad na si binibining sunny sa napagiwanan niyang pwesto.
"B-Bakit ka nagtatanim?"
"Dahil gusto ko po. Wala naman pong masama roon diba po?" abot tengang ngiti na sambit ni sunny na ikinailing ng dalawang ginoo. Nagsimula na itong yumuko at magtanim. Walang kaso sa kaniya kung mainit na ang sinag ng araw ang importanteng isip isip niya ay matapos ang pananim ng mag-ama.
Nagtanim rin ang dalawang ginoo. Nakita ni binibining sunny ang napadaang estrangherong may hawak na gitara. May naisip itong maaring makatulong sa kaniya maging sa kanila.
"Manong na may instrumento!" sigaw na sambit ni sunny. Napatigil sa paglalagay ng pananim ang dalawa nitong kasamang may edad na.
"A-Ako?"
"Maari mo ba akong handugan ng tugtog?" nagulat ang estranghero.
Galing ang estranghero sa isang paligsahan yun nga lang ay hindi ito nanalo dahil kinunsyaba ng kalaban niya ang mga hurado. Hindi naman ito nagreklamo dahil isang hamak na may kaya ang kaniyang kalaban habang siya ay kalahok lamang.
"Anong klaseng tugtog binibini?" hindi alam ng ginoo kung bakit hindi manlamang ito tumanggi sa alok ng binibini.
'Isang dalagang nagtatanim?" isip isip ng estranghero
"Yuong may tempong mabilis at masigla!" kumunot ang noo ng estranghero na ilang salit pa ay nag simula na iting tumugtog.
Tuwang tuwa si sunny ng gayang gaya ng tunog na ito ang tono ng 'magtanim ay di biro'
"Mapapadali ito! Basta't maniwala lamang kayo sa kapangyarihan ng musika!" may kung anong ipinapahiwatig ang binibini. Yumuko na ito at kumuha na ng madaming butong itatanim.
"Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko.
Di man lang makaupo,
Di man lang makatayo. ~ ~"Nagsimula itong kumanta na ikinagulat ng mga kasama nito. Habang nakanta ito ay nakangiti rin nitong inilalagay ang bawat pananim. Napahanga ang lahat ng kasabay ng tono nito ang paglalagay ng pananim!
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...