8

122 4 0
                                    

Andres pov;

Nakatingin ako kay sunny. Ang dilaw nitong buhok ay tila nagkaroon ng buhay na parang sumasayaw. Ang ngiti niyang kaya kang pahintuhin. Ang mga salita niya na kahit may kaguluhan, maiintindihan mo parin ang ipinupunto niya. Hindi ako mabilis magtiwala sa iba, ngunit ang babaeng ito.. nakuha agad ang tiwala't kalooban ko.



"NAHUHULI KA NA ANDRES! HAHAHA!" sambit ni Dio na pumapangatlo sa karera.



Si Dio na laging kasama ni sunny. Batid kong may kakaiba rin sa kaniya. Ngunit ang hindi ko maintindihan ang ibang ora at presensya sa binibining iyon.



Sunny's pov:

"Bakit ka tumigil?" tanong ko sa prinsepe. Tinignan ko naman ang tinitignan niya. Isang kawal na nakakulay berde ang suot. May saksak ito sa tagiliran. Dali dali kaming bumaba at nilapitan ito.



"M-Mahal na prinsepe.." umubo ito ng dugo. Pumunit ako sa babang short ko sapat na para matakpan ang sugat nito.



"Hingang malalim. Masakit ito." seryosong sabi ko. Mabilis kong pinulupot ang tela sa sugat nito. Umaray naman ito.



"Sinong gumawa nito?" malamig na sambit ng prinsepe.



"A-Ang m-mga itim na b-bandido." habol paghinga nitong sabi. Nakita ko naman ang pagiging seryoso ng mga kasamahan ko.



"Sino ang mga iyon?" mahinahon kong sambit.



"Ang mga dating kabalyerong pinapangalagaan namin na inilihis sa landas ni pedro para sa kaniyang sariling mithiin na maging tagamuno." umigting ang panga ng prinsepe.



"Anong nangyare?" tanong ko sa kawal.



"N-Nagsasanay kami ng kaibigan k-ko rito ng b-biglang inatake kame ng i-itim na bandido. S-Sinabi niya na k-kung hindi magmamakaawa ang mga p-prinsepe't prinsesa maging ang hari at reyna ay s-susugod sila sa a-akademia. Kukunin a-ang lahat ng m-magaaral."



Mabuti na lamang ay laging dala ni dio ang bag ko. Kinuha ko roon ang boteng may laman ng tubig at pinainom ito sa kaniya. Binuhat ko ang kawal na parang pangkasal. Gusto akong tulungan ni andres ngunit pinigilan ko ito at sinabing hawakan nalamang ang mga kabayo. Habang hawak ko ang kawal, sinusuri ko ang sugat nito. May napansin ako.



"Isip bata. " sambit ko habang nakatingin sa sugat na nito.



"Kailangan ba talagang ipamukha na sila ang gumawa ng sugat mo na iyan?" seryosong sambit ko.



Ang sugat niya ay may paletrang 'P' hindi kapansinpansin iyon dahil sa dugong lumalabas sa sugat.



"Anong meron sa akademia ninyo?" may pagkakuryusidad na sabi ni dio.



"Ang teodoro de akademia ay isang paaralan kung saan nagsasanay ang ilan upang maging magigiting na kawal o tagaprotekta. Diyan rin nagaaral ang iba pang prinsepe't prinsesa ng iba't ibang bayan ng white hathaway. Kung minsan ay tinuturuan rin kaming magengles, ngunit para sa aming mga prinsepe't prinsesa ay sisiw nalamang iyon." pagmamalaki ni prinsepe rafael.



"Pinapangarap kong magaral diyan. " sambit ni andres. Napatingin naman kami sa kaniya. Nakita kong ngitian siya ni prinsepe rafael.



"Anong pangalan mo?" baling ko sa kawal na hawak ko na kanina pa nakatitig sa buhok ko.



"T-Tim..mo.." nanginginig na sabi nito.



"Gusto mo bang hawakan ang buhok ko, timmo?" sambit ko rito. Wala pang segundong tumango ito ng maraming beses. Hahawakan na sana nito ang buhok ko ng pinigilan ito ni prinsepe rafael na malamig ang tingin.



Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon