Sunny's pov;
"Paano mo nakikita ang pagpapalit ko ng baraha?" sambit ni romi, ang carfong nakalaban namin kani-kanina lang.
Nasa lugar niya kami ngayon at nagpapahinga. Eto ang kapalit ng hindi pagputol sa dalawang kamay niya kahit pa wala naman talaga akong planong putilin ang kaniyang kamay.
"Sabihin nalang natin na ang ibang nakasagupa kong manloloko ay mas mabilis pa kesa sayo." Nanlaki ang mata nito.
"Ibig bang sabihin 'non ay nagsusugal ka sa inyo?" tanong ni romi sa akin.
"Nako kagagalitan ako ng papa ko kapag ginawa ko iyon." natatawang sambit ko.
"Paniguradong hindi kayo makakatakas sa pinuno namin." parang nangangambang sambit ni romi.
"Pinuno?" tanong naman ni dio
"Pinuno ng carfo. Mas magaling iyon sa mas magaling." sambit ni romi habang nakangiti.
"Ganiyan ba talaga ang mga kamay ninyo? may bughaw na kulay?" tanong ni andres rito. Tumango naman si romi.
"Gaya nga ng sinabi ko kanina, hahanapin kayo ng pinuno namin. Alam ko sa ngayon ay hindi iyon makapaniwala dahil natalo lang ako ng isang binibini. " ngumisi ito
"Edi maganda. Hahanapin din namin siya hehehe." sambit ko na ikinanganga ni romi. Tinapik naman ni dio ang balikat ni romi.
"Ganiyan yan ginoo, lahat ng bagay ay nahahanap niya ng interes paminsan-minsan ay ginaganahan pa." natatawang sambit ni dio.
"Tama." -andres at kyle
"Grabe hindi naman lahat." nakangusong sabi ko.
"Napansin ko lang binibini, tila kalmado ka lamang lagi." sambit ni romi. Ang daldal pala ni romi no?
"Tama."-andres at kyle
"Alam ko naman kasi kung keylan ako seseryoso o hindi. Hehehe." sambit ko
"Tama."-andres at kyle
"Tatamaan kayo saking dalawang baliw kayo." sambit ni dio.
"Tama." si andres na lang ang nagsalita.
Binatukan ito ni kyle.
"Ikaw na bulinggid k--"
Binatukan siya ni dio.
"Bakit ba batok kayo ng batok ha!" nagtago ito sa likod ko. Kawawa naman si andres sa dalawa nato. Natatawang pinapanood lamang kame ni romi..
"Ginoong andres, paano mo nga pala natanggal ang posas na iyon?" natigilan ako sa tanong ni romi. Maging ang mga kaibigan ko at tumingin sa akin.
"Hindi naman kase ganon kahigpit iyon hehe." si kyle ang nagsabi. Lumandas ang mata ko sa namumulang pulsuhan nito. Kumunot naman ang noo nito sa naging sagot ni kyle na tila hindi kumbinsido.
"Ginoong romi may nais makipagusap sa inyo." isang katulad niya ang nagsalita na nasa pinto. Tumango naman rito si romi.
"Oh paano, maiwan ko muna kayo diyan ha?" tumango kami rito.
Tila nakahinga naman kami ng maluwag ng umalis ito.
"Bakit tila may pakiramdam ako na hindi natin dapat ipagsabi kong anong meron tayo?" wala sa sariling sambit ni dio.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasía[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...