ANG PAKIKIPAGLABAN at KATAPUSAN
Kalansing ng espada't pagtagas ng mga dugo. Iyan ang unang mapapansin sa labang ito. Hindi ko narin makita kung nasaan ang mga kasamahan ko sa dami ng mga taong naglalabanan.
"Shit." pikit matang iniwaksi ko ang espada sa tyan ng kalaban ko. Talagang mahina ako kapag sandata ang labanan. Sa ngayon ay oonti pa lamang ang sugat sa mga braso ko.
Mabilis kong isinasanggi ang espada sa armas ng dalawang kalaban ko. Paatras ako ng paatras ay sila naman ang abante ng abante. Ibinending ko aking katawan at pasalubong na pinagsasaksak ang tyan ng mga ito.
Hindi pa man ako nakakasampong hakbang ay apat na agad ang sumalubong sa akin. Isinanggi ko ang katawan ko sa apat nilang mga espada at tumalon gamit rin nito. Patalon na hiniwa ko ang leeg ng mga ito. Mariing napapikit ako.
Pumunta ako sa pwesto ni dio na pinapalipad at pinaguntog ang dalawang kalaban nito. Sinaksak ko ang dapat magsaksak sa likod ni dio. Puno na ng dugo ang mukha ng kaibigan ko.
Napatingin naman ako kay andres na kamao lang ang gamit. Hindi na nakakagulat pa na nababali niya ang mga armas ng mga ito. Si david, hindi ko pa nakitang ginamit ninto ang kapangyarihan niya. Takot siguro parin ang nananaig sa isipin nito. Si michael naman ay isa-isa na lamang na pana ang nakikita kong lumalabas rito. Habang si kyle ay hindi ko nakita
Bawat minuto ay nababawasan ang bawat humihinga sa kinatatayuan ko.
Dugo.. mga katawan.. dugo..
Ilang saglit pang pakikipaglaban ay nanlaki ang mata ko ng may dalawang malaking canong umaandar ang nagpakita.
"Ibigay mo lang sa akin ang limang espesyal na iyan ay hindi ko na gagamitin pa ito." tila baliw na sambit nito.
"Hindi." madiing ani ko at tinititigan pa ito.
"Kung gayo'y pasensyahan nalang tay--" natigil ito ng makitang bumunot ako ng isang hibla ng aking buhok at hinayaang hanginin ito. Ilang saglit pa ay may tunog ng oso ang narinig sa paligid at tunog ng pagpapagaspas sa hangin.
"Surprise, scatterbrained."
Hinagod ko ang ulo ng pinuno ng mga oson. Kahit hindi ko man sabihin ay alam kung ramdam na nila ang dapat nilang gawin. Isang tango ang ginawa ko bago hambalusin at sirain ng mga oso at winglong ang canon na idinala nila. Nagpatuloy rin ang labanan sa paligid. Gulat at tila natuod sa kaniyang pwesto si darth habang nakatingin sa mga oso at winglong na sinisira ang canon nito. Nanatili lamang rin ako sa aking kinatatayuan at pinoproteksyunan ako nina andres, dio at augustus. Habang ang iba ko pang kasamahan ay hindi ko pa nakikita.
Nang matapos bugahan ng apoy at pipiin ang canon ay gumalang ako sa pinuno ng mga oso't winglong. Hindi ko sila maaring isali pa rito dahil sila na lamang ang taga proteksyon ng bawat bayan.
Humalakhak si darth at parang wala lang sa kaniya ang mabilis na pagputol ng kamay ng isang kawal. Mariing pumikit ako.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...