Sunny's pov;
Nagising ako sa huni ng mga ibon. Napatingin ako sa labas. Maaga pa ata. Napagpasyahan kong maghilamos at bumaba. May mga pagkain ng nakahanda. Tinignan ko naman ang sticky note na nakalagay sa takip nito.
Almusal ninyo ito. Umalis muna ako saglit para kunin ang mga susuotin ninyo at ang magiging oras ng pagaaral ninyo
-prinsepe rafael
Ngiting inayos ko naman ang mga pagkain at pinuntahan si dio. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Mahimbing na natutulog ito.
"Gising na, dio." malambing kong sabi rito. Nagmulat naman agad ito ng mata na siyang ikinagulat ko.
Hindi niya ba alam ang dahan-dahang magmulat ng mata? kakaloka
"Magandang umaga, dio." ngiting sabi ko rito.
"M-Magandang umaga rin."
"Maghilamos ka na at bumaba. May pagkain na roon. Gigisingin ko lang si andres." tumango naman ito sa sinabi ko. Magkatapat ang kwarto ni andres at dio kaya mabilis ko lang malapitan ito. Kumatok muna ako at pumasok. Napahawak naman ako sa sentido ko ng makitang ang gulo ng kama ni andres at nasa lapag na ito nakatulog. Siya marahil ang narinig ko kagabi na malakas ang pagbagsak. Niyugyog ko naman ito para magising.
"Magandang umaga andres!" Sigaw ko sa tenga nito. Bigla itong tumayo at nakalagay ang dalawang kamay sa gilid na parang pangsundalo. Napatawa naman ako.
"Ayusin mo na ang sarili mo at kakain na tayo roon." sabi ko rito at lumabas. Nakita ko naman si prinsepe rafael na nakaupo roon. Ang uniform nito ay may pagkadark ang green. Iba sa ibang mga estudyanteng nakita namin kahapon.
"Bagay sayo ang uniporme mo." sabi ko rito na ikinamula ng dalawang tenga niya. Umupo narin ang dalawa at kumain na rin.
"Eto na pala ang magiging uniporme ninyo. Ang oras at kung saan kayo papasok ay ako na ang bahalang magsabi sa inyo. Magkapareho naman tayo ng oras at lugar kaya hindi naman siguro magiging problema iyon. " sambit nito. Pagkatapos ay nagsipagligo na kame.
Tinignan ko naman ang uniform na ibinigay niya. Mukhang sakto lang ito sa akin. Binigyan niya rin kame ng sapatos. Naligo na ako at nag-ayos. Naglagay ako ng onting lipbalm at nagspray ng favorite kung pabango. Strawberry ang flavor nito. Isang linggo daw ang tinataggal ng pabangong it kahit maligo ka. Nakakaloka diba? Hinayaan ko lang na nakalugay ang dilaw kong buhok. Buti na lamang ay binigyan ako ng tatlong plastic na may lamang lollipop ni mommy. Alam niya kasing paborito ko ito. Naglagay ako ng sampong piraso ng lollipop sa loob bg maliit na bag na ibinigay ni prinsepe rafael. Sabi niya ay hindi naman gaanong kailangan magsulat kaya maliit lang ang bawat bag ng mga estudyante rito. Kinuha ko naman ang puting balabal ko. Kakalaba ko palang nito kahapon kaya amoy strawberry din ito hehe. Nilagay ko muna ito sa bandang leeg ko. Mamaya ko nalang itatakip pag aalis na. Lumabas na ako. Nakita kong nagtatawanan ang mga ito.
"Mukhang maraming mga kababaihan ang aaligid sainyo ah." sambit ko. Tumingin naman sila sa akin.
"B-Bagay sayo." sambit ni Dio. Nginitian ko naman ito.
BINABASA MO ANG
Sunny Adelson: The journey
Fantasy[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod naman ito. "S-Sino ka ba talaga?" Nanginginig na sabi nito sa akin. "Ako si sunny. Ordinaryo lamang. Mabait na masama. Hindi ko ugaling duma...