"Sam! Pupuntahan mo ko o pupuntahan mo ko?!"
Kanina pako naiinis sa baklitang to, sabi pupuntahan niya ko tapos malalaman kong may kasamang boylet
"Eto na nga oh, on the way na ang beauty ko"
"Ayusin mo lang dahil kahit nakadress ako sasapakin kita"
"Ang brutal nito. Oo na po" pinatay ko agad ang tawag at umupo sa sofa at nanuod nalang muna ng tv, nang tumingin ako sa orasan ay 5:00 pm na pala. 6:30 ang inaasahang start ng reunion pero mukhang malelate ako dahil kay Sam..
Inayos ko ang dress ko, kulay red or maroon ba to? Ay ewan si Sam ang pumili
___________
"SIR, 5:00pm na po. 6:30 po ang start ng Reunion niyo" napatingin din ako sa oras"Salamat, pakilock nalang ng office mamayang 6 pag out mo. Wag kang mag-oovertime Cindy"
"Yes Sir.. And Sir sabi po pala ng asawa ko, birthday po ni Ash next week. Invited po kayo"
"Sure, I'll be there" inaanak ko actually si Ash, at classmate ko nung college ang asawa ni Cindy pero di nagpatuloy sa Law at nagbusiness adminstration nalang
Pagkalabas ko ng Law firm ay agad kong sumakay at pinatakbo ang kotse sa isang boutique, dun nalang ako magpapalit ng damit
Nang magring ang cellphone ko ay sinagot ito, nakabluetooth naman ako
"Leander! Malapit na magsimula ang reunion bilisan mo"
"I'll be there in 30 minutes I dont know, hayaan mo ng malate ako, di naman ako presidente ng Pilipinas"
"Basta Bilisan mo ha?" Saktong nakadating ng boutique ni Angela
"Oh! Andito kana, nakaready na yung suit mo"
"Thank you" nakita ang suit ko na red at black ang magiging inner"
Wow, you look so Gorgeous Leander"
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya, pati buhok ko pinakialaman na din nito