"Bakit para kang zombie diyan?" Sinamaan ko ng tingin si Kuya na kay aga aga nambulabog lang naman
"Eh kung sipain kita palabas ng bahay ko? Kuya naman, 5:30 am! Really?!"
"Sorry naman, eh kasi nga may problema ako! Hinahunting ako nung Kate" kumuha ako ng kape bago bumalik kay Kuya
"Yung babaeng pinalayas, sumuntok sayo at gusto mong anakan?" Napangiwi kami pareho ng matandaan namin yon
"Ayun na nga, idedemanda niya ako and I need your help-- may abugado na nga e"
Napakamot ako sa buhok, abugado? Teka bakit si Leander ang pumasok sa isip ko?!
"I need your help, baka magwala si Daddy pag nalaman niya to""Kung tinatantanan mo nalang yang Kate na yan Kuya"
"No, ang ganda niya tapos ano basta. Kung ayaw mo maniwala-- then meet her"
__________"Hi I'm Kate, I'm the designer" nasa boutique ako ngayon nung Kate este Ate Kate-- ang ganda nga niya shocks
"A-ano may pang kasal kayong ready made?" Mas natulala ako ng ngumiti siya sakin, kaya naman pala adik si kuya dito dyosa
"Ikakasal ka na Miss?"
"Ah hindi---" Napayes ako ng tumunog ang pinto, ibig sabihin may pumasok, dahan dahan akong naglakad paalis ng tawagin ako ni Ate Kate
"Miss, ito yung damit" umayos ako at dahan dahang lumingon
"Leanne?" Dun ko napansin ang lalakeng katabi ni Ate Kate
"Magkakilala kayo?" Nagkatinginan kami at di ko maiwasang maalala yung nangyari sa ampunan
"Yes"
"No"Inakbayan ako ni Leander pero todo siko ako sa kanya.
"Teka lang Leanne? May kukunin lang ako sa taas" tumango ako kay Ate Kate at ng wala na talaga siya at sinuntok ko na sa sikmura si Leander"Aray! Ganyan ka ba talaga sakin Mommy?"
"Tigilan mo ko Leander, sinasabi ko sayo yang nguso mo ang isusunod kong tamaan"Natahimik ako ng idikit nito ang bibig niya sa tenga ko, Leanne- saktan mo na
"You know what, di ako makatulog dahil lagi kong naiisip yung halik mo" biglang namula ang pisnge ko sa sinabi niya
"I think, I need that lips again hmm don't you think so?" Natutulalang napatingin ako sa lips niya
"Tell me, ako lang ba Leanne?""Ehem ehem" naitulak ko si Leander dahil don, nakatingin samin si Ate Kate habang may hawak na gown
"Excuse lang ha? Eto yung gown na ginawa ko, and Leander mamaya mo na landiin girlfriend mo"
"Hindi! Hindi ko siya -hmp" tinakpan ni Leander ang bibig ko"Yes Ate, girlfriend ko siya, bakit nga pala nandito ka?" Kinuha nito ang gown kay Ate Kate
"This is a wedding gown Leanne, gusto mo na kong pakasalan? Agad?" Bumalik sa pagka-inis ang nararamdaman ko kay Leander
"Aalis na po ako Ate Kate, balikan ko nalang. Salamat po" Lumabas ako ng boutique, baka makapatay ako don sa loob
"Hey, I'm just joking pero pwede naman kitang pakasalan if you want" kinapa ko kung nasa bewang ko ba yung baril
"Babarilin na talaga kita Leander, at pwede ba, wala lang yung halik na sinasabi mo"
"Threath yan Leanne, alam mo yan.." Nilabas ko ang baril ko at pinakita sa kanya
"Naisip ko din, masasayang yung bala ko kung sa isang malandi at nakakainis na tulad mo lang ko itatanim" mas lalo akong nainis ng lumapit siya sakin at hawakan ang mukha ko
"Ang itim ng ilalim ng mata mo, puyat ka? Naaalala mo din, don't deny it. Gusto mo din Leanne at" binitawan niya ang mukha ko bago umatras
"Kung gusto mo talaga ako barilin or saktan, bakit di mo magawa?" Bakit nga ba? Biglang nawawala sa isip ko na naiinis ako sa kanya, shit g-gusto ko na ba siya??
"wag kang magbiro Leander, hindi dahil sa isang araw na yun magbabago ang lahat. Kiss? Dahil lang don? "
"If wala lang sayo, kiss me prove to me na wala lang talaga sayo" wag Leanne, sinusubukan ka lang niyan kung bibigay ka
"Di ako tanga, at ano mo ba si Ate Kate?"
"Kanina galit ka, ngayon nagseselos na. Leanne sinasabi ko sayo, sakin talaga bagsak mo"Pasimple kong pinakita sa kanya ang baril ko, oh Lord please pengeng pasensya. Ang dami kong mood pag si Leander nakakausap ko
"Pababagsakin kita isa pa, sumagot ka nalang" sumeryoso bigla si Leander kaya nailang ako, ano ba to ?
"Chad Ramirez"
"Anong---" mas sumeryoso si Leander at parang biglang nawala yung malandi at nakakainis na awra niya"Alam kong umaaligid yang kuya mo kay pinsan ko. Paki sabi sa kanya na tigilan niya si Ate Kate dahil magsasampa talaga ako ng kaso"
Sumeryoso din ako, kapatid ko na ang pinagbabantaan dito
"Leander, walang ginagawa ang kuya ko kay Ate Kate"
"Pulis ka Leanne, alam mong pwedeng stalker na ng pinsan ko yang Kuya mo" bakit ba nakalimutan ko yon?
"Seryoso ako dun Leanne.. Pero seryoso din ako sayo. So baka kung maging tayo baka mapalagpas ko ang sa kuya mo"
"Talaga ba?" Sarcastic na sagot ko sa kanya
"Tawagan mo nalang ako pag nakita mong nakakulong na yang Kuya mo" pumasok na sa loob si Leander pero andito pa rin ako sa labas
___________"What? Gusto ko si Kate Sis, wala naman akonh ginagawa sa kanya ah" napahilamos ako sa mukha
"Kuya, ligawan mo kasi ng maayos di yung para kang siraulo" bakit kasi ganon siya mag-approach, anak agad hinihingi
"Seryoso ako kuya, kung aasta kang stalker lagi pwede ka talagang makulong at hindi ako abugado, pulis ako baka ako pa humuli sayo niyan"Tahimik sa kabilang linya
"Thank you sis, ingat ka" binaba na ni Kuya ang tawag, napaupo ako sa stress
"Argh! Bakit kasi di marunong manligaw ng tama? Parang si Leander--" wait! Bakit napasok ang gagong yon?! Pero aminin mo natatameme ka pagmalapit si Leander.
"Tsk, di ako mahuhulog sa patibong niya.. Kaya ni Kuya yan" pero pano kung hindi? Ayaw mo non ang gwapo ng boyfriend mo- argh kakaiba din tong utak ko ah
"Ah basta! Di ako magiging girlfriend ni Leander.. Magdusa siya"
__________________
End of chapter 9Sorry if matagal tapos maikli lang.. Basta babawi ako, busy lang sa buhay at twitter 😅 salamat po.
P.s sorry sa typo.
