Lock: 26- No more running

404 21 7
                                    

"So tinakbuhan mo si Leander ?" uminom ako ng tubig bago pagod na umupo sa table ko. Pagdating ko kasi kanina ay nandito na ang baklang to

"Dedma? ikaw ha, dapat kausapin  mo si Leander. Di ka ba naawa don?" napatulala ako ng maalala ko ang mukha niya kanina

Flashback

"leanne" kung di lang may bumusinang sasakyan ay baka tulala lang akong nakatingin kay Leander. Tinulak ko siya at nagmamadaling tumawid. Nagulat ako biglang may humawak sakin at hinatak ako payakap

Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko, ang init ng yakap niya di ko namalayang sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya kung saan amoy na amoy ko ang pabango niya... 

"i miss you" nag-init ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hiniwalay ko ang sarili ko at tinitigan siya sa mata. Bigla kong naalala ang kasalanan namin sa kanya.. 

"I'm sorry" agad akong tumakbo papalayo sa kanya. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa presinto. Tumingin ako sa likod, he's still there--- di ko namalayang umiiyak ako kung di pa nag-alok ng tissue si Manong driver.

End of Flashback

"Okay na ko dun sa nayakap ko siya. Sam, alam mo kung anong kasalanan ko sa kanya? pano ko siya makakasama ng hindi ko naiisip mga paghihirap niya ng dahil sa pamilya ko?"

Niyakap niya ko

"Ang kasalanan, humihingi ang kapatawaran Bes. Sa kaso niyo, kinukulong niyo ang sarili niyo sa posibilidad na di maging masaya. Mahal mo ba si Leander?" dahan dahan akong tumango

"then maybe, start accepting na nangayari na ang nangyari. unlock yourself"

___________________________

"haggard ka bro" sinamaan ko ng tingin si Robert na ngiting ngiti sa harapan ko

"Hulaan ko, si Leanne no? kausapin mo na kasi"

"you think I didn't try? tinakbuhan niya ko kanina" ah naiinis siya. Dapat pinosasan ko yon para di nakatakbo.

May binabang folder sa harap ko si Robert, ang kaso laban sa tatay ni Leanne. "2 days from now ang hearing. Pupunta ka "

Tinitigan ko lang iyon. "Ayoko for sure nandon si Leanne, ayokong makitang nasasaktan siya dahil sa kagagawan ko"

"wala kang ginawa bro, wala din siyang kasalanan. Ang may kasalanan ang Daddy niya. Di lang naman ang pagsaksak niya sayo ang krimen  ni Mr. Ramirez"

Nang walang makuhang sagot sakin ay naglakad na palabas ng office ko si Robert, but he said something that hits me

"Masyado ng matagal nakalock yang love story niyo mula pa sa past, wala namang masama if i-unlock niyo ang mga sarili niyo don at harapin ang ngayon"

Nakalabas na si Robert ng mapatingin ulit ako sa folder na nasa desk ko. Binuksan ko yun at binasa.. 

_________________

"Kate, nasan ang pinsan mo?" nasa isang bahay kami ng client ko, nag-uusap kami tungkol sa wedding  na magaganap, may sakit ang bride kaya ako nalang ang dumayo at makalayo kay Chad, kaso ang lalaking to hindi talaga ako hinihiwalayan.

"Chad, please shut up" nakangiti lang samin ang couple na kausap ko

"sungit" sinamaan ko siya ng tingin dahil narinig ko ang binulong niya

"Ang cute niyo, sweet din ng boyfriend mo sinasamahan ka sa work"

bago pa ko makasagot agad na umakbay sakin si Chad at ngiting ngiti "Naman, wala ng mahahanap na katulad ko tong si Baby" siniko ko siya

"No we're not a--- excuse me" agad akong tumayo at sinagot ang tawag ni Leander

"hello?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin pa ko kay Chad ng maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko na agad kong inalis

"Ate Kate, you will help me right?" ahwwww tinawag niya kong Ate!

"Sure Cous, kailan ba ?" after ng tawag, pinipigilan kong tumili. 

"Stop smiling like that, you look so creepy" mas lalong lumaki ang  ngiti ko sa kanya at lumapit

"Tutal ayaw mo kong lubayan, why not di kita gamitin ng may pakinabang ka naman" nailing ako ng takpan ni Chad ang dibdbib niya 

"Kate, m-may tao. tyaka virgin pa ko" naitakip ko sa mukha ko ang brochure na hawak ko.

_______________

"Sigurado ka bang di tayo mapapatay ni Ma'am Ramirez?" kausap ko ang dalawang alalay ni Leanne.

"Kung mapapatay niya kayo, ako bahala sa paglilibigan" napatingin ako kay Sam na kasama namin dito

Wala si Ate Kate dahil kasama daw  nito si Chad na sumang-ayon sa plano ko. Well kahit naman di pumayag si Chad itutuloy ko pa din. 

Tama na ang takbuhan at taguan. Matagal na tong laro na to, tinignan ko isa-isa ang mga taong tutulong sakin makuha si Leanne. 

"Grabe ka! ikaw kaya unahin namin?" -Dela Rama

"Malalagot kayo kay Leanne! bff kami non!" hinayaan ko nalang sila at dinial ang number ng babaeng namimiss ko gamit ang unknown number, after 3 rings ay narinig ko na ang boses niya

"Hello?"

____________

"sasagot ka ba o hindi? papatayin ko na tong tawag" gumagawa ako ng report ng biglang may tumawag na naman tas di ulit magsasalita

"bahala ka" I ended the call at bumalik ang mata ko sa monitor, kanina pa ko dito nakaupo pero di ko matapos tapos dahil laging bumabalik sa isip ko ang mukha  ni Leander.. sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata ko

Namimiss ko na talaga siya--pero hindi ko pwedeng unahin ang nararamdaman ko. May tatay akong nakakulong dahil sa mga krimen niya, at nahihiya akong magpakita kay Leander dahil alam kong kasalanan ko

kinapa ko ang cellphone ko ng magring ulit, pikit matang sinagot ko ang tawag

"Sis! pwede ka bang pumunta dito sa condo ko" napakunot ako ng noo, alam ko walang condo si Kuya dahil may sariling bahay  na yon

"I can't, may tinatapos akong report" nakita ko sila Dela Rama at Porton na pumasok sa presinto, diretso silang dalawa sakin.

"Coke float Ma'am, galing Jollibee yan" pagkatapos ibaba ni Dela Rama ang dala ay nagbaba naman ng pagkain si Porton

"Ma'am galing Mcdo.." nakangiti silang dalawa sakin, tatanungin ko sana sila ng magsalita si Kuya sa kabilang linya. nilagyan nila ng straw ang cokefloat at inilapit sa bibig ko

"di ka talaga pwede? kung ganon kumain ka nalang muna diyan" 

"Kuya---hmmp!" sinamaan ko ng tingin ang dalawa, agad kasing sinubo sakin ang burger. after ko manguya at malunok ay uminom ako sa coke float.

"Mga hayop! papatayin niyo ba ko ha?!" imbes matakot, nag-apir pa yung dalawa. Napahawak ako sa ulo ng parang nahilo ako

"shit" bago pa bumagsak ang ulo ko ay agad na may sumalo, para ding lumulutang ako.

"anyare diyan?" medyo humihina na ang naririnig ko, Inaanktok ako

"Masama pakiramdam, andyan sa labas yung Kuya  niya" natahimik ng ilang saglit

"Nagawa na namin, pag kami napagalitan" ipinasa ako sa iba dahil nag-iba ang amoy  ng may dala sakin

"Don't worry akong bahala, thank you again"pamilyar sakin ang amoy niya, wala akong takot na nararamdaman... bakit parang kilala ko kung sino to

Bago tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa ang huling sinabi ng may dala sakin


"Ayaw mong madaan sa maayos na usapan. Now no more running... Leanne"

________________________

a/n: may load na wifi ahahhaha

Pic-ctto




Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon