Lock: 24- Encounter

360 15 7
                                    

Next week na sisimulan ang hearing sa kaso ni Daddy. Ni minsan hindi siya pinuntahan.

"Tulala na naman. Hoy babae ano na? Galaw galaw" tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto ko.

"Leanne, may pasok ka." Tumingin ako sa oras, may 2 oras pa ko. Naghain naman ng almusal si Sam.

"Bakit ba nandito ka pa? Di naman sa ayaw kong nandito ka. Pero diba may trabaho ka sa Manila?"

"Girl, may sweldo pa rin ako. Tyaka concern ako sayo eh. Sige na kumain kana at magready" magdadalawang linggo na sa apartment ko si Sam na hindi ko alam kung saan galing ang mga ginagastos kasi di naman din siya humihingi sakin

"Nga pala, itutuloy mo yung pagbabalik kay Leander ng ari-arian niyo? Eh diba binigay niya sa inyo" kumuha ako ng tubig bago umupo para makakain na.

"Sam, sa kanya yon. Nakakadagdag ng konsensya na samin niya pinangalan" lagi ko pa rin naiisip kung nasan siya, kung anong ginagawa niya-- at kasama non ang guilt mula ng malaman ko ang lahat.

Sabi ko na, mula ng bigla siyang bumalik may kakaiba eh. Yung biglang ligaw niya sakin at pangungulit imposibleng bigla lang yon. Ngayon napakalinaw, gumaganti siya ng mga panahong yon samin.

"Mahal ka naman niya" isa pa yan. Sinabi niya sa video na mahal niya ko.. Na hindi na daw niya matuloy ang plano dahil sakin, dahil sakin na sinaktan lang naman siya noon.

"Alam mo yung feeling na parang pinagtagpo lang kayo para magkasakitan?"

"Girl, magkakasakitan kayo kung iyon ang pipiliin niyo. Ah basta mahal ka non, hintayin mong bumalik pero ngayon maligo kana!"
_____________

"Wag mong tatanggapin ang ibabalik ni Leanne, Cindy" nakatayo ako sa balcony at kausap ang secretary ko.

"Yes Sir. Pumunta pala dito kahapon ang kapatid niya-- si Chad tinatanong kung nasaan ka" napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Yan din ang di ko alam, magpapakita pa ba ko sa kanya?

Alam na niya lahat.

"Hayaan mo lang siya. Sige Cindy Salamat"

Kinuha ko ang isang cellphone at nagdial.

"Kakapasok lang niya ng trabaho. Ibabalik pa rin niya yung binigay mo. Leander ha, ginagawa ko to kasi naniniwala ako sa pangako mo" humiga ako sa kama at tumitig sa kisame

"Thank you Sam" binaba ko ang tawag at nagpasyang maligo.

Pagkabihis ko ay agad akong  lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. San ba ko pupunta?
____________

"Ma'am, hindi nga ko nagnanakaw" hawak ko sa kamay ang isang teenager na nahuli kong nangungupit.

"Magrarason ka pa. Ano tingin mo sakin bulag? Hala umayos ko kundi kakaladkarin talaga kita ang likot mo"

Medyo malayo ang tinigilan ko ng motor ko. Tinawagan ko sila Porton para sunduin kami dito sa labas ng Mall.

"Ma'am, nagawa ko lang yon kasi nagugutom na yung kapatid ko"

"Bakit di ka nalang magtrabaho. Nag-aaral ka pa ba?" Umiling siya sakin, mga 15 palang yata tong lalakeng to eh

"Nasan ba kapatid mo?" Gumilid kaming dalawa, yung di kami agaw atensyon.

"Iniwan ko sa bahay namin. Barong barong lang po iyon" may nagsasabi saking totoo ang sinasabi niya.

"Sasamahan kita sa inyo. Gusto ko malaman kung totoo ang sinasabi mo, totoy pag ikaw nagsisinungaling lagot ka sakin" nag-abang kami ng sasakyan ng bigla akong itulak at natumba dahilan para mabitawan ko siya

"Hoy! Tigil!" Humabol ako sa kanya, bwiset tong mga tao, kita ng hinahabol di pa hinaharang

Di ako pwedeng magpaputok lalo na at madaming tao. Nagmamadaling tumawid ang lalake, napatingin ako sa kotseng palapit don

"Tigil!" Gulat na gulat at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng muntik na siyang masagasaan.

Natulala ako sandali bago tumakbong lumapit sa kanya.

"Naman kasi! Bakit ka tumakbo?!" May sugat ito sa tuhod at kamay. Inalalayan ko siyang tumayo

"K-kasi ikukulong mo ko!"

"Sabi ko sasamahan kita diba? Kung namatay ka dito, konsensya ko pa?!" Busy ako magsermon ng bumukas ang pinto.

"Dalhin kita sa hospital, teka" lalapit sana ako sa driver ng makita ko kung sino ito.

Nagkatitigan kaming dalawa, napakusot ako ng mata. Mas lalong kumabog ang puso ko..

"Kailangan niyang dalhin sa hospital" yun ang lumabas sa bibig ko. Lumapit naman siya samin at inalalayang teeanager na hawak ko makapasok sa kotse niya

"Hindi ka sasama?" Nagdadalawang isip ako. Ang awkward, di ako prepared sa pagsulpot niya

"Hoy! Nakakaabala na kayo! Ano ba?!" Napatingin ako sa likod ng kotse niya, nakatigil ang ibang kotse.

"Pumasok kana" wala kong nagawa kundi ang pumasok sa backseat.

Lahat ng galit ko kanina biglang nawala. Naging estatwa yata ko buong byahe papuntang hospital.

"Papagamot kita. Tas pupunta tayo sa bahay niyo, wag kang tatakas ikukulong talaga kita"

Kahit na pwede namang di bantanyan habang ginagamot ito ay di ako umalis. Ayoko lumapit sa lugar kung nasaan siya
____________

Nakaupo ako at hinihintay na lumabas siya. Sinong mag-aakala na ngayon kami pagtatagpuin ang tadhana.

Nakauwi na ko matagal na. Di lang ako lumalapit at nagpapakita sa kanya dahil di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tinatanong ko pa kanina kung magpapakita pa ba ako, pero mukhang ito ang sagot.

"Okay na po siya Ma'am, kailangan lang laging linisin ang sugat po" napatayo ako ng lumabas siya kasama ang nurse.

"Hmmm ayos na ba siya?" Di siya makatingin sakin, ni hindi nga makaharap

"O-oo ayos na daw" lumapit ako pero umatras siya

"Leanne-- I'm sorry. Gusto ko--"

"Stop, Wag kang humingi ng sorry. Kasalanan niyang tumawid siya" napabuntong hininga ako.

"Ah yes, aayusin ko ang babayaran. Leanne, pwede ba tayong mag-usap?"

Di niya ko kinausap.

"Babayaran ko muna. Please wag kang aalis"

Nagmamadali akong pumunta sa cashier para isettle ang gastos. Di ko naman din sinasadyang madali yung bata

After ko magbayad bumalik ako sa kung saan ko siya iniwan. Walang naghihintay na Leanne, kaya pumunta ako sa batang nasagi ko

"Hmm nasan na yung pulis na kasama mo?"

"Umalis na" dismayadong umupo ako sa tabi nito

"Kuya, sabi pala niya ikaw daw muna bahala sakin" tumango ako sa sinabi niya. Ano pa nga ba?

Mukhang pinagtagpo kami pero di pa handang mag-usap sa nakaraan. Marami akong gustong sabihin kanina, mula ng makita ko siya pero kung di pa siya handang harapin ako-- tatanggapin ko.

Kahit takbuhan namin ang lahat, bumabalik pa rin kami  sa isa't-isa. Kailangan ko nalang siguro itama at harapin ang lahat ng ito.

_______________

END OF CHAPTER 24

-Dapat kagabi to eh 😅

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon