"So sinasabi mo, nasapak ka nung Leanne na inaya mong magdate?"
"Yes, paulit-ulit?" Kinulit kasi ako ni Robert na sabihin kung bakit ako my pasa at sugat sa bibig
"Hahahahaha shit! Sorry bro ha? Pero nakakatawa talaga" bumuntonghininga nalang ako at pinanuod siyang tumawa
"So, anong plano mo? Alam naman natin na NGSB ka, puro kalang yabang pero wala ka talagang alam sa babae"
"Ikaw may alam ka ba? Iniwan ka nga e. Kailangan ko makaganti sa pagsapak niya sakin, at di ako papayag na di siya mainlove sakin"
Umupo sa harap ko si Robert at tinawag si Cindy kaya silang dalawa na ang nasa harapan ko
"We need to help him" tumingin ako kay Cindy at umiling. Ayoko ng mga suggestions niya
"Sa kanya galing yung kidnap na plano"
"Then, daanin mo sa ala super hero na datingan. Medyo panget talaga kasi approach mo pare e"
"What do you mean?"
______________"Ma'am, wala parin pong abugado na gustong humawak sa kaso ni Tatay Ricardo"
"Bakit ang choosy nila? " ayaw nila hawakan ang kaso ni Tatay Ricardo, yung kasing nakuha nila kahapon naman ay tumawag at di na daw niya tatanggapin ang kaso
"Eh Ma'am, diba Atty. si Sir Leander?"
Oo nga no? Pero ayoko dun. Mag-iisang na kasing buwan na ng makulong si Tatay Ricardo, at naniniwala akong naframe-up lang ito
"Wag yon! " bakit ba kasi biglang ma umayaw sa kaso ni Tatay Ricardo? Mga bwiset
"Si Atty. Leander Ma'am" sinamaan ko ng tingin si Dela Rama
"Sabi ng hindi nga!" Nagtaka ako ng may ituro sila sa likuran ko
"I think, I heard my Name. Hi Ramirez" dahan dahan akong lumingon at dun ko nakita si Leander na nakangiti pero naagaw ng pansin ko ang pasa niya sa mukha
"Nakokonsensya ka ba?"
"Bakit naman? Kasalanan ko ba?"
Sumimangot ito bago may binigay na papel sakin at naupo sa binigay na upuan ni Porton
"Ako na ang hahawak sa kaso ni Mr. Ricardo, walang bayad"
"Talaga Sir? Bakit naman ?" Sumang-ayon ako sa tanong ni Dela Rama. Oo nga, bakit ang isang mayabang na tulad niya ay hindi magapapabayad
"Dahil gusto ko tumulong" inayos pa nito ang buhok bago kumindat sakin, inirapan ko siya bilang ganti
"Ang alam ko hawak mo yung kay Santos?"
"Bakit di ba pwedeng damihan ang hawak na kaso? At yung kasong yung binigay ko na sa ibang Atty. , kaya akon na hahawak sa kaso ni Mr. Ricardo"
"Di ako naniniwalang walang bayad o kapalit to kapag pumayag kami" ngumisi at tumayo ito bago nilapit sa mukha ko ang mukha niya
"Well, wala naman talaga pero kung di mo gustong walang bayad, maybe Date?" Nilayo ko ang mukha ko at tinignan siya
"Gusto mo ba dagdagan ko yang pasa mo----?" Pinigilan ako nila Porton na magsalita at bumulong sakin
"Ma'am, grasya na yan oh. Ano gusto mo bang walang humawak sa kaso ni Tatay Ricardo?" Sinipat ko si Leander na prenteng naka-upo na ngayon at akala mo e isang bisita sa bahay
"Well? Yes or Yes?" Umubo ako sa harapan niya kaya sumama ang tingin nito sakin
"Sige, papayag ako. Siguraduhin mo lang na mananalo si Tatay Ricardo" tumayo si Leander at nilahad ang kamay