"Mr. Ramirez, nakuha na lahat ng impormasyon" finally malalaman ko na din"Timothy David, siya ang bumili ng mga stocks sa company niyo maging ng ibang ari-arian ng Family niyo.. Ang nakakapagtaka, binili niya pero di Timothy ang name na nakalagay sa check na binayad niya"
"Panong hindi siya?" May binigay siya saking picture. Napakunot ang noo ko ng si Leander iyon.
"Leander Romualdez, siya ang totoong bumili ng lahat Sir"
Para akong sinaksak sa likod. All this time, siya pala.. Inu-unti-unti niyang pabagsakin kami
"Bakit ang alam ng iba, kami pa din ang may-ari nito?"
"Dahil nakapangalan sa inyo ang Company Sir. Nahati sa inyo ni Ms. Leanne lahat ng ari-arian. Na nangangahulugang, wala ng karapatan ang mga magulang niyo dito"
What?!!!! Bakit niya gagawin yon?
___________"Ma'am, wala po kaming makitang folder maliban dito"
Naiinis na kinuha ko kay Dela Rama yon. Naging mainitin ang ulo ko nitong mga nakaraan linggo, kahit maliit na bagay naiinis ako
"Ay may pabulaklak na naman"
Isa pa yan, may nagpapadala sakin ng bulaklak or may tatawag sakin kada araw tapos di naman magsasalita
"Balik na kayo" lumabas ako ng presinto at sumakay sa motor ko. Pupunta ako ng office ni Kuya, tumawag kasi siya kanina sakin.
Nilagay ko muna sa backpack ko yung folder bago pinaandar ang motor. Mula ng di na nagparamdam sakin si Leander, di na din ako umasang babalik pa siya.
Manatili nalang siya sa lugar na kinalalagyan niya kundi babarilin ko talaga siya.
Halos inabot ako ng isang oras bago makadating sa company. May napapatingin sakin dahil naka-uniform ako.
"Hi Ma'am!" Tumango lang ako sa Kuya Gerry, di narin ako tinanong ng receptionist dahil kilala naman ako dito
"Totoo ba? Hala grabe naman pala" nasa elevator ako ng may nagchichismisang pumasok.
"Nasa mukha din naman non na walang gagawing tama" napakunot ako sa pinag-uusapan nila. Bumukas ang elevator kaya madadaan ako sa gitna nila
"Hala" di ko na pinansin yon. Marahil don nila nalaman na nandon ako habang nagchichismisan sila
Tuloy tuloy lang ang lakad ko ng mapansin kong may mga pulis sa labas ng office ni Kuya, agad akong nag-aalala.
"SPO1 Ramirez" nagsalute ako ng makita si Sir Espinoza
"Ano pong nangyayari dito Sir?"
"Hinuli namin ang Ama mo" ha? May humawak sakin at hinatak ako paatras. Si Kuya Chad
"Bakit nila hinuli si Dad kuya?" Kita ko kung pano naglilikot ang mata niya, di siya makatingin sakin ng diretso
"KUYA! ANO BA?!"
Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at sinabi ang di ko alam na ikakapanghina ko
"Dad is doing illegal business Leanne.. Human trafficking, Drugs di ko na maalala sa dami ng sinabi nila. Nag-aaway kami ni Dad kanina ng bigla silang dumating at inaresto siya"
Para akong nabingi, paulit-ulit na nagreplay sa utak ko ang sinabi niya. Dad, pano mo nagawa yon?!
"Leanne, pasok muna sa office" inakay niya ko papasok at pinaupo sa couch
"Mr. Ramirez, salamat sa koopersyon, aalis na kami. Sa presinto nalang po tayo magkita ulit"
"Yes Officer thank you" nakaalis na sila pero tulala pa din ako.
"Sis, alam kong nagulat ka. Marami kang di alam kay Daddy" napatingin naman ako dun sa sinabi niya
"A-alam mo? Bakit--- bakit di mo sinabi sakin?" Pinipilit kong wag umiyak pero sobra ang rebelasyon na to.
"Kasi dapat protektahan kita" magsasalita pa sana si Kuya ng may pumasok na isang lalake
"May gusto kumausap sayo Sir"
"Sino daw? " napatingin sakin yung secretary ni Kuya bago sabihin ang pangalan"Robert Santiago po"
Si Robert?
_____________"Ah Leanne, Dun ka muna sa ----"
"No kuya, gusto ko malaman ang pag-uusapan niyo" alam kong ayaw niyang madamay ako pero damay ako dahil anak din ako
Umayos ako ng upo, saktong pumasok si Robert, di siya gulat na nandito ako. Parang alam niya nandito ako
"Mabuti nandito ka"
"Ha? Pano--" naputol ang sasabihin ko ng maglabas ng mga pictures si Robert ng iba't-ibang tao"Sino sila?" Pinabayaan ko nalang si Kuya na magtanong
"Sila ang mga taong pinapatay ng Daddy niyo. Gusto ko lang malaman niyo na hindi gawa gawa at lalong hindi dahil sa gusto lang kayo mapabagsak kaya makukulong ang Daddy niyo" naagaw ng pansin ko ang isang picture na kalahati lang ang nakalabas, hindi ko makita ang mukha
"Di ba dapat sa police mo yan pinapakita?"
"Meron na sila. Copy lang to tyaka police naman tong si Leanne. Anyways congrats dahil kayo na ang may-ari ng Ramirez properties"
Ha???? Napatingin ako kay Kuya. Bakit ba ako lagi walang alam dito?!
"By the way, Leanne nabuksan mo na ba yung binigay na folder sayo ni Cindy?"
"Hindi pa bakit? Ano bang meron don?"
Napakamot sa noo si Robert habang si Kuya mukhang clueless na sa sinasabi ngayon ni Robert.
"Hay nako, edi sana madali ang lahat kung binasa mo agad. Sige alis na ko, I will contact you Mr. Chad regarding sa case ng Daddy mo"
Nawala na si Robert, kami nalang ni Kuya ulit ang nasa office
"Folder.. Nasan yon Leanne?" Nag-isip ako kung san ko nilagay.
Nagkalungkat ako sa bag. Di ako sure kung ito yon..
Inagaw naman sakin agad ni Kuya yon at binuksan
"Shit! Totoo nga" napatayo ako at naki-usyoso
"A-ano to? Bakit nakapangalan satin Kuya?"
binigay ni kuya sakin ang isang sobre na Nakapangalan sakin.
"Mahal ka talaga niya, pagkatapos ng lahat binalik niya pa din satin"
Bigla akong kinabahan sa laman nito. Sobrang dami ng nalaman ko at di ko alam kung kakayanin ko ng isa pang revelation.
"Sasama ka ba sakin? Pupuntahan ko si Daddy"
"No, ayoko muna siyang makita" tinitigan niya muna ako bago hinalikan sa noo at lumabas ng office.
Bitbit ni Kuya yung folder kaya tanging yung sobre lang ang nasa akin. Binuksan ko ang loob, at don ko nakita ang isang flash drive.
Tinignan ko ulit ang sulat sa labas ng sobre, lumakas ang kabog sa dibdib ko ng mapagtanto kong kilala ko ang handwriting na to,
Isang tao lang ang ganito sulatin ang name ko,
Walang iba kundi si
Leander..
________________END OF CHAPTER 22
A/N: Tatambay ako dito.