Lock #13- Lagnat

355 17 3
                                    

"Timothy, ikaw ng bahala sa lahat sa company nila"

Nasa bahay lang ako ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.

Naalala ko yung date namin.Aamin akong may nararamdaman pa ko sa kanya, di siya nawala, natabunan lang. Pero di non maaalis na gusto ko paring bumagsak ang Papa niya.

"Aalisin ba kita sa mga paghihigantihan ko?"

Kahit nakapikita ay siya parin ang iniisip ko, hanggang nakatulog ako sama ng pakiramdam ko.

__________

"Sam! Hindi nga kasi!" kanina pa ko naiinis kay Samuel, buti nalang sa cellphone lang kami nagkaka-usap ngayon

"Inlove ka pa din sa Leander na yan. Nako, nalipasan lang ng panahon pero di naluma"

Napakagat ako sa kuko, nakakainis naman kasi.. Nung nagdate kami iba talaga nangyari sakin.

"Alam mo, bakit di mo kausapin? Boyfriend mo na diba?"

"Eh baka isipin non, ang clingy ko. Eh halos bugbogin ko siya dati diba? Ang kasunduan lang tong relationship namin"

"Nag-umpisa lang don, tyka.. Girl aminin mo, nung highschool kayo magtatapat ka dapat diba kaso napurnada kaya bitter ka kay Atty"

Napasabunot ako sa buhok ko. Ee kasi, nakaka-ano lang, sinapak sapak at pinagtangkaan kong babarilin tapos ganito?!

"Sige na, tawagan nalang kita ulit. Bye bakla" pinatay ko ang tawag at humiga sa kama.

Nagleave ako sa trabaho, di ako makapagfocus tyaka si Leander muna aasikasuhin ko. Di naman ako mamatay sa gutom kung magleleave ako ng 1 week.

"Himala di ako ginugulo ng lalakeng yon?"

Tinext ko si Kuya kung okay lang siya pero di ito nagreply sakin. Tumagilid ako habang nagsscroll sa fb.

"Ano kaya account non?" tnype ko ang name niya pero maraming kapangalan lang

Nagulat ako ng biglang magring kaya bumagsak sa mukha ko yung cellphone

"Aray! Anak ng pateng!" tinignan ko kung sino ang tumawag

"Unknown?" sasagutin ko ba o hindi? Namatay ang tawag bigla, di ko na sana papansinin ng may text naman

From: 0926*******
Hi, this is Robert, Leader's friend

Napataas ang kilay ko dahil don. Maya maya nagring ulit siya kaya sinagot ko na

"Hello, sorry sa abala Miss Leanne"

"Bakit anong kailangan mo?"

"Si Leander kasi may sakit, walang mag-aalga. Pwede mo bang puntahan?"

Napaisip naman ako bigla. May sakit siya... Pero bakit ako ang tinawagan niya?

"Wala ba siyang kasama sa bahay niya na katulong?"

"Wala, nasa isa kong meeting at di ko siya maaasikaso. Please, kahut tignan mo lang kung humihinga pa yon. Salamat Miss Leanne"

"Teka--ahmm! Pinatayan ako!"

Dinial ko ang number ni Leander, binigay niya sakin nung nagdate kami, baka daw mamiss ko siya... As if  naman.

Nagriring lang, dinial ko ulit and this time may sumagot na

"H-hello *cough*" pinatay ko ang tawag at nagmadaling magpalit

"Teka, bakit ba ko natataranta? Ano naman kung may sakit siya? Arghh!"

Tshirt, rip jeans at rubbershoes lang ang suot ko. Sumakay agad ako at sumugod sa bahay ng lalakeng yon

_____________

*knock knock*

Naalimpungatan ako ng mag sunod sunodd ang katok sa pinto ng kwarto ko. Naalerto ako kahit na masakit ang ulo ko.

Paanong may nakapasok ng bahay ko?

Dahan dahan akong bumangon at kinuha ang baril ko at pwemesto sa likod ng pinto

*knock knock*

Tinutok ko sa pintuan, dahan dahan kong binuksan at itututok na sana ng magsalita bigla ang tao sa likod ng pinto

"Leander, It's me Leanne"

Agad kong binaba ang baril at binuksan ng malaki ang pinto

"Bakit ka nandito at pano ka nakapasok?" binalik ko kinalalagyan ang baril at bumalik sa kama

"Tinawagan ako ng kaibigan mo. Sinabi na may sakit ka daw at walang mag-alaga sayom tanga ka pa naman daw"

Muntik ng mabali ang leeg ko sa biglang paglingon sa kanya dahil sa sinabi nito.

"Ako...? Tanga?! Sino nagsabi?!!" hinakawan niya ang noo ko, para akong biglang nanigas

"Secret! Hmm may lagnat ka nga"

Fuck! Leander! Pigilan mo, pigilan mo! Matagal kang naghintay.

"K-kaya ko na sarili ko. Tyaka alam kong napipilitan ka lang na pumunta dito"

"Una, ikaw tong super gusto akong guluhin, ligaw ligaw ka pa. Ngayong girlfriend mo na ako, lakas pa din ng topak mo"

Napa-aray ako ng bigla niya ko batukan, hanep parang mas lalo akong nahilo sa ginawa niya

"S-orry! Mahiga ka na. Ako ng bahala diyan"

Inalalayan niya kong humiga sa kamay ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Agad kong tinawagan si Robert

"Nandyan na ba si Leanne?"

"Oo, ikaw ba nagbigay ng password ng bahay ko?!" tumango tango ako ng biglang tumahimik ang gago

"Para naman may mag-alaga na sayo. Lagi ka nalang mag-isa kaya ka nagiging bitter pre. Tyaka malay mo, may bumalik na feelings bigla diba?"

Pinatay ko ang tawag ng biglang bumukas yung pinto.

"Uminom kana ba ng gamot?" tinignan ko lang siya at di sumagot

"Ano na? Sasagot ka o ipapasak ko sa bibig mo tong paracetamol?" umiling ako agad

Wala kong gana na lumandi masyado at asarin siya dahil sa lagnat ko. Pero ang saya niyang makitang galit lagi

"Girlfriend na girlfriend ka ngayon" seryoso ako don pero sinamaan niya ko ng tingin

"Hanggang kailan ba tong relasyon natin? Alam ko namang di ka seryoso ng sabihin mong gusto mo kong maging girlfriend, ginamit mo lang ang sitwasyon ni Kuya"



Pinili kong magtulug-tulugan.. Kahit ako di ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko, gusto ko paring gantihan ang Papa niya..

Pero, kasali pa ba talaga siya?

Mukhang, naguguluhan na din ako.
____________

Pinagmasdan ko ang natutulog na si Leander.

Gustong gusto ko non ang mga mata niya. Lalo na pag nakatingin sakin nung highschool

Isa siya may magagandang pilik mata bukod sa kuya ko.

Sinet ko sa 7pm ang orasan niya para sa gamot. Bumaba nadin ako para magluto ng soup

"Kung makikita ako nung dalawang tukmol na yon, iisipin galit galit pa ko e aalagaan ko din pala"

Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy ang pagluluto.

"Bakit nga ba kasi ako nandito?"

'Kasi deep inside.. Concern ka'

"Eeh?" kinakausap ko na pati sarili ko

Nagtext ako kay Sam , at halos mabato ko sa inis ang phone ko

From: Sam baklita

Wag kang ano, alam natin nung highscool.. Aamin ka na kay Leander kung di kalang niya iniwasan. Marupok ka dati pa

Oo na! Napatingin ako sa taas kung saan natutulog si Leander

"In love na ba ko ulit sayo? Lahat ba ng ito dahil denial lang ako? Pero nakakatakot, baka umalis ka naman at iwan ako"
____________

End of Chapter 13

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon